Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 68 - ANG TUNAY NA MAYBAHAY NG TAHANAN

Chapter 68 - ANG TUNAY NA MAYBAHAY NG TAHANAN

"Lin Lin, saan ka ba nagpunta?" Si Ginang Xi ang unang naka-recover sa kanyang pagkagulat. Itinanong niya ito para maisalba ang nakakailang na sitwasyon.

Hawak pa rin ang kamay ng kanyang mga magulang, itinaas ni Xi Lin ang kanyang ulo at matapat na sumagot, "Lola, nakita ko si Mom sa labas."

Nanginig ang puso ni Xinghe ng marinig ang salitang 'mom'.

Alam ni Lin Lin na siya ang ina niya…

Agad siyang nakilala nito sa isang sulyap lang.

Nahihirapan si Xinghe na ilarawan ang nararamdaman ng puso niya ngayon.

Pakiramdam ni Xinghe ay gumuho palayo ang mundo at tinitigan niya ng husto ang guwapong mukha ng kanyang anak, pilit na isinasaulo ang bawat detalye, para bawiin ang mga nawalang oras sa kanila.

Hindi niya napansin na tinititigan din siya ni Mubai, isang hindi mabasa at maintindihang kumplikasyon ang makikita sa mga mata nito.

Hindi niya inaasahan ang mapag-akit na pagdating ng dati niyang asawa. Alam niyang maganda siya pero sa paraang tulad lamang ng isang mannequin, isang palamuti lamang.

Pero ng gabing iyon, buhay na buhay ang kanyang kagandahan. Kung ang kanyang ganda noong nakaraan ay tulad ng mannequin na nakadisplay lamang, ang kagandahan niya ngayon ay aktibo na nakukuha ang iyong atensiyon na tila ayaw na iyong pakawalan pa.

Ito ang kariktan ni Xinghe na hindi niya napansin dati, na siyang tumimo sa kanyang puso. Tulad ito ng isang misteryosong larawan ang kanyang atensiyon ay patuloy na hinihigop nito…

Kahit si Mubai ay hindi na mapagtanto na ang kanyang mga mata ay napako kay Xinghe noong oras na makita niya ito.

Pero mabalik sa okasyong ito, medyo malabo ang sagot ni Lin Lin.

Ang akala ng lahat ay dahil sa nakita niya ang ina sa labas ng hotel kaya nalimutan niya ang takbo ng oras.

Alam ng publiko na pagkatapos ng diborsyo nila Xinghe, hindi na siya naging parte ng buhay ni Lin Lin.

Sadyang maiintindihan ng lahat na para sa isang 4-year-old na bata tulad ni Lin Lin na malimutan ang oras kapag biglang dumating ang kanyang ina na halos ilang taon ng kaniyang buhay na hindi nakita.

Kahit si Ginang Xi ay nakauunawang umintindi kay Lin Lin.

Bata lamang si Lin Lin at ito ang unang pagkakataon na nagkita sila ng ina nito. Kahit na hindi niya gusto si Xinghe, hindi maipagkakaila na siya namang talaga ang nanay ni Lin Lin.

Matapos pakinggan ang paliwanag ni Lin Lin, pinalagpas na lamang ito ni Ginang Xi. Ngumiti na siya at sinabi, "Ngayong narito na si Lin Lin, simulan na natin ang selebrasyon. Lin Lin, halika dito sa tabi ni Lola, hihipan nating dalawa ang mga kandila."

Itinaas ni Lin Lin ang tingin at hinaltak ang kamay ni Mubai habang nakikiusap, "Daddy, pwede bang sumama si Mommy sa atin? Gusto ko sana na magkakasama tayong tatlo."

Sino pa ba ang makakahindi sa hiling ng may kaarawan na ipagdiwang ang kanyang birthday kasama ang kanyang ina?

Kahit na hindi lahat ay nasisiyahan sa pangyayaring ito wala namang makatutol.

Kahit si Mubai mismo ay gustong maging bahagi si Xinghe sa selebrasyon ng kaarawan ni Lin Lin.

"Of course," ganting-bulong niya bago balingan ang hotel worker at nag-utos, "Simulan na natin ngayon."

"Naiintidihan ko ho, Mr. Xi."

Matapos ang himig ng 'Happy Birthday', isang mousse cake na kasing laki ng dinner table ay itinutulak papasok ng silid.

Sa taas niyon ay apat na kandila na may sindi. Tinitigan ni Xinghe ang apat na nagsasayawang ningas at pansamantala siyang nawala sa sandaling iyon.

Ito ang unang kaarawan na naidaos niya kasama ang kanyang anak…

Nang umalis siya, wala pang isang taong gulang si Lin Lin. Lagi na ay hinahanap ng puso niya ang anak lalo na kapag sumasapit ang kaarawan nito. Hindi din niya alam na kahit noong nakalipas na tatlong taon na kahit napapaligiran ng karangyaan ng isang malaking birthday bash, ay hinahanap-hanap din siya ni Lin Lin.

Bawat tao nang kanyang kaarawan ay palagi niyang hinihiling na sana ay makita niya ang ina pero ni minsan ay hindi iyon nagkatooo… hanggang ngayong ikaapat na kaarawan niya.

Mabilis na dumaan ang oras, at nahiling ni Xinghe na kung maaari ay pupwede niyang ibalik ang tatlong taon na kanyang napalampas. Pero ngayon siya ay nagpapasalamat, nagpapasalamat na sa taong ito ay tinanggap niya ang imbitasyon ni Mubai.

Masyadong malalim ang iniisip ni Xinghe tungkol sa anak kaya hindi niya napansin pa ang nasa paligid niya. Tulad na lamang ng pagkakahawak ni Lin Lin sa palad nila ni Mubai.

Hindi din niya napansin na tila isang masayang larawan ng pamilya ang ipinapakita ng hitsura nilang tatlo na magkakasama.

Na para bang hindi sila nagdiborsyo ni Mubai.

Sa madaling salita, hindi din siya nagbigay ng atensiyon sa mga mapaghiling tingin ni Tianxin. Dahil sa inagaw ni Xinghe ang dapat na sana ay lugar niya bilang ang maybahay ng pamilyang iyon.

Related Books

Popular novel hashtag