Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 69 - CHU TIANXIN, WHO?

Chapter 69 - CHU TIANXIN, WHO?

Hindi nagmamalay si Xinghe hanggang sa ibinalik siya sa realidad ng marinig niya ang kahilingan ni Lin Lin.

"Sana ay magkasama na si Daddy at Mommy ng habambuhay," bulong ni Lin Lin na narinig ng lahat bago niya hinipan ang mga kandila.

Biglang natigilan ang lahat ng nasa silid. Lahat ay may kanya-kanyang inisip.

Interesante ang ginawang kahiligan ni Young Master Xi. Gusto niyang magkasama ang kanyang ama at ina ng habang buhay… habang ang katauhan ng kanyang ama ay kilala naman, ang 'mommy' ay kwestionable at pinagdedebatehan pa.

Hindi ba't tinatawag ni Young Master Xi si Chu Tianxin bilang Auntie Chu? Ginagawa ba niya ito para ipahiya si Tianxin na nakatayo doon? Ang ibig bang sabihin nito ay gusto ng bata na magpakasal at magkatuluyang muli ang kanyang mga magulang?

Pero isa lamang siyang 4-year-old na bata, marahil ay nasabi lamang niya ang mga katagang iyon ng hindi muna ito pinag-isipan ng husto.

Hindi ba't karaniwan lamang sa isang batang lalaki na hilingan na magkasamang muli ang kanyang mga magulang?

Marahil ay nakikita na niya si Tianxin bilang kanyang ina. Dahil wala naman siyang sinabi tungkol sa pagpapakasal nang muli.

Marahil, masyado pa siyang bata para maintindihan ang konsepto ng kasal at diborsyo…. Pero lahat ng ito ay interesanteng talaga.

Lahat ay nanonood ng pigil ang kanilang mga hininga para malaman kung paano matatapos ang mga bagay na ito.

Mayroong ibang tao na iniisip na hindi naman masama para kay CEO Xi kung kanyang papakasalang muli ang dating asawa.

Hindi sa hinahamak nila si Tianxin.

Iyon lamang ay… masyadong magandang tingnan si Mubai at Xinghe na magkatabing nakatayo.

Noong una, bago pa dumating si Xinghe, ganoon din ang pakiramdam nila kay Tianxin at Mubai. Maganda si Tianxin tulad ng diyamante, nagniningning sa dilim.

Ngunit sa ilalim ng liwanag ng araw, nawala ang kinang ng diyamante.

Ang pagkukumpara ay masakit, mas masakit kaysa sa hindi.

Kung titingnan ang dalawang babae na nakatayo sa iisang silid, hindi maiiwasan ang pagkukumpara at maliwanag kung sino ang nagwagi.

Ito ang tunay na plano ni Tianxin.

Inimbitahan niya si Xinghe sa birthday party para patingkarin ang kanyang kagandahan, para ipaalam sa lahat, na siya lamang ang nababagay kay Mubai.

Ngunit nasira ang kanyang plano.

Siya ngayon ang nagsilbing palara para makita ang kagandahan ni Xinghe, ang bituin ngayon.

Ang katotohanan na isa nga siya sa magagandang dilag na ginugusto ng lahat pero ipinakikita na mas nakahihigit si Xinghe sa kanya.

Ang kaibahan nilang dalawa ay taliwas sa inaasahan niya at halos panawan siya ng ulirat. Kung hindi lamang sa kagandahang-asal na inaasahan sa kanya sa okasyong iyon, gugustuhin niyang pahirapan ang pesteng babaeng ito!

Idagdag pa ang bastardong anak nito, ang literal na anak ng peste na hiniya siya ng husto. Hiniling niya na sana ay marahas na mamatay ang mga ito, hindi, gusto niyang saksakin ang mga ito hanggang mamatay, putul-putulin ang mga katawan nila at ipakain ito sa mga aso!

Ngunit kahit gaano kasukdulan ang kanyang galit sa loob, kinailangang manatili na magiliw na ngumiti si Tianxin.

Kung hindi ay pag-iisipan siya sa pagiging makitid ang pag-iisip.

Ngunit kahit gaano pa kagiliw ang pekeng ngiti niya, nandito na ang katotohanan. Ang katotohanan na magkunwari siyang hindi siya apektado ang nagpalala nito.

Sa likod ng kanyang mga ngiti, nanginginig naman sa sobrang galit ang kanyang katawan.

Wala man lang umalala ng kanyang nararamdaman.

Lalo na si Xinghe, nakapokus pa din siya sa kahilingan ni Lin Lin.

Sana… mommy… magkasama habambuhay…

Hiniling niya na makasama ang kanyang nanay sa habambuhay?

Ang desperasyon ng isang ina ang bumaluktot sa mga salitang sinambit ng bata sa isip ni XInghe. Inakala niya na gusto siyang makasama ni Lin Lin ng habambuhay.

Ni hindi sumagi sa kanyang isip na ang gusto talaga ni Lin Lin ay para magpakasal silang muli ni Mubai.

Naging mas determinado siya na palakasin ang sarili, ang makamit ang tagumpay at sapat na kayamanan para mapaghandaan ang laban nila kung sino ang mag-aaruga sa bata.

Ang masidhing paniniwala ni Xinghe ay lalong pinagtibay dahil lamang sa hindi tamang pag-unawa niya sa birthday wish ng kanyang anak.

Itinaas niya ang ulo ng may ngiti at ang una niyang nakita ay si Xia Wushuang na pinupukulan siya ng mga nakakamatay na titig!