Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 658 - Wala sa Inyo ang Makakatakas!

Chapter 658 - Wala sa Inyo ang Makakatakas!

Nararapat lamang na pangalanang pamilya ng mga traydor, wala ni isa mula sa Lin family ang nagsalita. Sa ganitong paraan, walang makakapagsabi kung alam na nila ang tungkol dito o hindi pa. Talagang hindi nga simple ang Lin family. Kahit na sa ilalim ng ganitong pangyayari, nagawa nilang makabawi at babaan ang pinsala sa pinakamaliit na pinsala.

Ang iba ay hindi maiwasan na hindi matakot sa tusong isipan ng mga ito. Ang lahat ng naroroon ay alam na pare-parehong may kasalanan ang mga ito, pero walang paraan para idiin sa kanilang lahat ang krimen. Mayroon lamang silang DNA test bilang ebidensiya at inako na ni Elder Lin ang sisi, kaya naman imposible na sirain ang buong Lin family ng isang bagsakan.

Tumuro sa kanya si Elder Shen, na nanginginig sa galit. "Lin Zhenghwa, isa kang nakakasuklam na tao! Ang lahat sa inyo na mula sa Lin family ay pare-pareho; ang bawat isa sa inyo ay guilty!"

"Tama iyon, lahat kayo ay alam na ang tungkol dito. Huwag ninyong isipin na maaako ninyo ang lahat ng krimen sa inyong sarili at guluhin ang imbestigasyon ng isang simpleng dahilan. Ang lahat sa inyo ay sasailalim ng interogasyon at imbestigasyon!" Makapangyarihang anunsiyo ni Madam Presidente.

Sinabi ni Elder Lin ng may halatang pagsisisi, "Kahit na maniwala kayo o hindi, ang sinabi ko ang buong katotohanan. Kami ng Lin family ay mabubuting mamamayan, at walang masamang balakin ng kahit na ano. Inaamin ko na ang pagkakamali ko sa pagpapalit ng mga sanggol kaya naman wala na akong magagawa pa doon. Handa akong tanggapin ang kahit ano at lahat ng kaparusahang ibibigay ninyo sa akin."

"Napakahusay na pagganap." Biglang pagtuya ni Xinghe at diretsong tumitig dito. "Elder Lin, ang krimen mo ay napakalaki kaya hindi na kailangan pa ng proseso dahil alam na naming lahat ang resulta. Kailangan kong sabihin, nakaisip ka agad ng pantapal na solusyon ng mabilisan, pero inisip mo ba talaga na maililigtas nito ang iba pa sa iyong Lin family? Mag-isip kang muli dahil wala sa inyong mga Lin ang makakaligtas ng walang pinsala dito!"

Matapos nito ay bumaling si Xinghe kay Madam Presidente at sinabi, "Madam, mayroon pa akong importanteng saksi. Hinihiling ko na payagan ninyo kami na dalhin siya dito sa loob."

Sa una ay nagulat si Madam Presidente pero mabilis nitong inanunsiyo at may antisipasyong sinabi, "Mabilis, dalhin na ninyo siya dito!"

Nagkatinginan sina Xinghe at Munan at ang huli ay lumabas na ng silid.

Binalot na naman ng kaba ang puso ni Elder Lin. Ito ay pareho ng iba pang miyembro ng Lin family. Sino ba itong saksi na sinasabi ni Xia Xinghe?

Hindi sinasadyang napakislot ang mga daliri ni Lin Xuan habang naniningkit ang kanyang tingin kay Xinghe. Gusto na niyang patayin ang lahat ng naririto, lalo na ang Xia Xinghe na ito, pero pahihirapan muna niya ito!

Gayunpaman, bigla niyang naalala, na wala siyang dalang sandata. Ito ang protocol kapag pumapasok ka sa bahay ng presidente. Napansin ni Lin Xuan, marahil ito ang plano ni Xinghe, na dalhin sila ni Madam Presidente sa bahay ng presidente dahil wala silang magagawa dito.

Kaya naman, ang tanging paraan na magagawa nila ay makatakas ng kaaya-aya hangga't kaya nila, kung hindi ay talagang katapusan na nilang lahat!

Naisip din ni Elder Lin ang ganitong katapusan, kaya naman handa na itong akuin ang lahat ng sisi. Hanggang ang iba pang miyembro ng Lin family ay makakaalis ng ligtas sa bahay ng presidente ay may pagkakataon pa sila.

Maaari pa silang magkaroon ng pagkakataon na makapaghiganti sa lahat ng naririto!

Kaya naman, kahit na ano pa ang krimen na ilabas ng mga ito ng araw na iyon, aakuin itong lahat ni Elder Lin. Walang sinuman ang makakasakit sa iba pang miyembro ng Lin family hanggang nandoon pa siya!

Iyon din ang inisip ng Lin family. Hanggang nandoon si Elder Lin, makakatakas sila ng walang pinsala.

Gayunpaman, nang makita nila ang babaeng ipinasok ni Munan, agad na nagbago ang mukha ng Lin family.