Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 659 - Apo ni Elder Lin

Chapter 659 - Apo ni Elder Lin

Lalo na si Lin Xuan, ang mukha niya ay kakikitaan ng halatang pagkabigla!

Ang napakatusong lalaki na ito ay hindi pa naipapakita ang panloob nitong emosyon, pero ngayon, hindi na niya maitatago ang pagkabigla at pangingilabot dahil ang babaeng ipinasok ni Munan ay isang tao na hindi posibleng naroroon! Bakit siya nandito? Paano siya nahanap ng Xi family?

Hindi makapaniwala at walang ideya si Lin Xuan. Nagpalitan sila ng tingin ni Elder Lin at ang hindi makapaniwala ay naibahagi nila sa kanilang pagitan.

Ang ilan sa mga tao ay naguguluhan sa katauhan ng batang babaeng ito. Tanging ang Lin family ang nakakaalam kung sino siya…

Lumapit ang babae at galit na tinitigan si Elder Lin at Lin Xuan. Napansin nito ang namutlang mga mukha nito, nasisiyahan siyang tumawa at sinabi, "Lolo, pinsan, nasorpresa ba kayo na makita ako? Hindi ninyo inisip na buhay pa ako, tama?"

Lolo? Pinsan? Ang lahat ay nanlaki ang mga mata sa pagkabigla. Ito ang apo ni Elder Lin? Sa madaling salita, anak ni Lin Shuang?

Pero hindi pa sila nakarinig ng balita na naikasal si Lin Shuang at nagkaroon ng anak na babae.

Pinagmasdan nina Elder Shen at Old Madam Shen ang babae ng maigi, sinusubukang makakuha ng impormasyon mula dito. Ito ay pareho din para kay Madam Presidente. Gusto nilang malaman kung siya nga talaga ang apo ni Elder Lin!

Itinuro siya ni Elder Lin ng may nanginginig na daliri. "Paano ka napunta dito?! Imposible, hindi ka dapat na naririto!"

"Ano ang nangyayari?" Tanong ni Lin Xuan sa kawalan.

Pinandilatan sila ng babae at ngumisi. "Tama iyon, hindi na ako dapat na nandito dahil ipinadala ninyo ako sa malayong bansa para sa mararahas ninyong eksperimento. Ang eksperimento ay tumagal ng limang mahahabang panahon! Halos napatay na ninyo ako dahil marami nang gamot na isinaksak sa akin na para na akong nabubuhay na zombie, kaya oo, dapat ay hindi na ako naririto dahil dapat ay patay na ako! Gayunpaman, may mga mata ang Diyos, kaya gumaling ako! At ngayon, ito na ang oras ko para maghiganti dahil ibubunyag ko na ang lahat ng mga pinaggagagawa ninyo!"

Sumobra na sa pagkapahiya sina Elder Lin at Lin Xuan, ang nakita nila ay kawalan na ng pag-asa doon. Talagang tapos na ang lahat para sa Lin family…

"Ano'ng eksperimento? Ano ang ginawa nila sa iyo?" Nag-aalalang tanong ng Madam Presidente.

Napaalalahanan ng kanyang nakaraan, biglang napuno ng luha ang mga mata ng dalaga. Umangil ito sa nagtatangis nitong mga ngipin, "Eksperimentasyon sa tao, ginamit nila ako sa pag-eeksperimento sa tao!"

Ang lahat nang naroroon ay nabigla, kahit na ang mga hindi nakakaalam mula sa Lin family. Pag-eeksperimento sa tao… Paano ito naging posible?!

Ang salitang iyon ay sapat na para manayo ang mga balahibo ng ilang tao. Ginawa talaga ng Lin family ang isang bagay na ito sa isang kapwa tao…

Paano nila nagawa ito sa apo ni Elder Lin?!

Hindi, sandali, si TOng Yan ay ang tunay na apo ni Elder Lin. Kaya, ang babaeng ito ay ang talagang tunay na apo ni Elder Shen?

Ang posibilidad na ito ang nagbago sa mukha ng lahat ng naroroon. Ang kanilang pagkasuklam sa Lin family ay umabot na sa pinakasukdulan. Paano nila nagawa ito sa ninakaw na apo ng kung sinuman?!

Tinanong ni Elder Shen ang babae nang halatang nanginginig ang kanyang katawan, "Ikaw ang tunay kong apo, hindi ba?! Bakit ka nila pinili para sa kanilang eksperimento? Child, kailangan mong sabihin sa akin ang lahat ngayon dahil tutulungan kitang makamit ang hustisya. Babagsak ang buong Lin family, maniwala ka sa akin, pagbabayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa iyo!"