Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 657 - Sinadyang Gawin

Chapter 657 - Sinadyang Gawin

Ang report ay lumanding sa kanyang paanan at nagtanong si Xinghe, "Paano mo ipapaliwanag ang katotohanan na si Shen Ru ay iyong anak? Huwag mong isipin na lahat kami dito ay mga tanga na iisipin na ang mga bagay na nangyari ay talagang pagkakataon lamang! Si Shen Ru ay hayagan kayong tinutulungan at sa tingin ko ngayon ay nauunawaan na ng lahat ng naririto kung bakit."

Nagulat ang Shen family at ang Tong family, pero habang iniisip nila ang tungkol dito, kaduda-duda ngang talaga si Shen Ru. Masyado nitong yumuyuko para tulungan ang Lin family. Walang maniniwala na hindi nito alam ang katotohanan. Isa pa, ngayong nandoon na ang DNA report, nakumpirma nila na alam ni Elder Lin na si Shen Ru ay ang biolohikal nitong anak sa simula pa lamang.

Ang asawa ni Shen Ru ay wala sa City A, kaya wala naman ito sa araw na iyon. Kaya naman, ang kanyang biyenan na si Elder Tong ang nagtanong, "So talagang nakipagtulungan ka sa Lin family para maipagpatuloy nila ang kanilang balakin?"

"Hindi ko…" tanggi ni Shen Ru ng hindi sinasadya. Pero, ano pa bang pagpipilian niya kundi ang ibunton ang lahat ng sisi sa Lin family?

"Ama, kailangan mong maniwala sa akin! Hindi ko naman talaga gustong makipagtulungan sa kanila, nito ko lamang din nalaman ang katotohanan! Sila ang pumilit sa akin na makipagtulungan sa kanila kung hindi ay isisiwalat nila ang aking katauhan at sirain ang buhay ko. Ama, natatakot ako ng husto, kaya naman napilit nila akong tulungan sila. Hindi naman talaga ako nagtatago ng masamang intensiyon. Sis, hindi ko talaga…" nagmamadaling paliwanag ni Shen Ru, at sa kaparehong oras ay inilaglag niya ang Lin family, na lalong nagpatibay ng sinasabi ni Xinghe.

Si Shen Ru ang magiging alas ng Lin family, kung kaya ginawa nila ang palitan maraming taon na ang nakakaraan!

Biglang bumaling si Elder Shen kay Elder Lin at sumigaw, "Lin Zhenghwa, nasaan ang aking anak?! Paano mo trinato ang anak ko ng maraming taon?"

Nagbago ang mukha niya sa sandaling natapos niya ang kanyang tanong dahil ang sagot ay agad na napunta sa kanya. Ang sakiting fourth daughter ng Lin family, ang palaging ipinapadala sa malayo buhat ng maipanganak, maaari bang ito ang kanyang tunay na anak?

Siguro nga. Kaya naman pala itinatago nito sa mata ng publiko ng maraming taon. Natatakot silang mabunyag ang katotohanan!

Nakaramdam ng ibayong galit sa kanyang puso si Elder Shen nang mapagtanto niya na ang sarili niyang anak ay trinato na tila dumi ng ilang dekada habang tinutulungan niya ang salarin na palakihin ang anak nito sa karangyaan!

Ang emosyon ay bigla at matindi na nakakita siya ng bilog na maiitim sa kanyang paningin.

"Ama…"

"Elder Shen!"

Si Madam Presidente at Lu Qi na pinakamalapit dito ay agad na lumapit para suportahan ito. Pinakalma ni Elder Shen ang sarili sa mga bisig ng mga ito at hinablot ang braso ni Madam Presidente at nasasaktang sinambit, "Anak, huwag mo silang hayaan na makatakas. Kailangan mo silang pwersahin na ibigay ang iyong kapatid; hindi na natin siya dapat na hayaan pang maghirap."

Tumango si Madam Presidente at sinabi, "Ama, naiintindihan ko."

Matapos nito ay bumaling siya para tingnan sina Elder Lin at nag-utos na nagtanong, "Lin Zhenghwa, ngayong ang katotohanan ay naibunyag na, ano pa ang masasabi mo para sa sarili mo?"

Galit na galit si Elder Lin mula nang ibunyag sila ni Xinghe, pero isa siyang tao na nakapagplano ng maraming dekada na kaya bakit siya susuko agad-agad?

Isinara niya ang kanyang mga mata para makapagdesisyon. Sinabi niya, "Tama iyon, ako ang may gawa tulad ng inyong hatol! Gayunpaman, ang lahat ng ito ay ideya ko, wala itong kinalaman sa ibang tao mula sa Lin family. Isa pa, ang krimen ko ay mula sa pagmamahal ng isang magulang, ayoko lamang na maghirap ang anak ko sa Lin family, kaya naman nagawa kong makipagpalit maraming taon na ang nakalipat. Wala nang iba pang mas malaking motibo dito. Ang lahat ay kasalanan ko, at kasalanan ko lamang ito!"

Nasorpresa sila sa kung paano ito naghanda. Handa siyang akuin ang buong sisi at nakaisip na agad ng depensa. Pinagalitan siya ni Elder Xi sa kasuklam-suklam nitong ginawa.

Related Books

Popular novel hashtag