Biglang nagkatinginan sina Xinghe at Mubai. Maingat na nagtanong si Mubai, "Lolo, ano naman ang kinalaman nito sa ikalawang anak na babae ng mga Shen?"
Nagpaliwanag si Elder Xi, "Oh, nakalimutan kong sabihin sa inyo na sina Lin Shuang at Shen Ru ay ipinanganak sa parehong ospital at sa parehong petsa…" At sa pagkakataong ito, nagbago ang mukha ni Elder Xi. Ang pagkagulat ay masasalamin din sa mga mukha nina Mubai at Xinghe. Nagkatinginan sila sa isa't isa dahil ang kanilang isipin ay nagdala sa kanila sa parehong nakakakilabot na pagtatapos!
Biglang napatayo si Xinghe, ang kanyang mga mata ay kumikislap sa kasabikan. "Si Shen Ru ay talagang may sikretong palitan sa Lin family!"
Sinabi ni Elder Xi sa isang seryosong hitsura, "Pero posible ba ito? Gagawa talaga ang Lin family ng isang hindi makataong bagay?"
"Hindi magtatagal ay malalaman din natin!" Bumaling si Xinghe kay Mubai at sinabi, "Kakailanganin natin ang tulong ni Lu Qi."
"Tatawagan ko na siya ngayon." Kumilos si Mubai para sumunod. Bumaling naman si Xinghe para humiling sa grupo ni Ali. "Kailangan ko ang isa sa inyo na bumalik sa City T para sumundo ng isang tao para sa akin."
"Sino?" Tanong nila.
"Ang babaeng iniligtas natin mula sa Country Y."
Habang naiintindihan na ito ni Ali, sabik na nauutal ito, "Sa tingin ko ay naiintindihan ko na ang problema ni Lin Shuang! Siya at ang babaeng iyon, sila ay…"
Tumango si Xinghe nang may ngiti. "Tama iyon, magkahawig sila."
Sa mundong ito, maaaring marami ang may pagkakahawig sa isa't isa, pero pakiramdam ni Xinghe ay hindi magkakaroon ng ganoon kadaming pagkakatulad. Ang babae ay natagpuan nila sa pinaka kuta ng IV Syndicate, ibig sabihin nito ay importante ang katauhan nito.
Marahil ay talagang may kaugnayan ito kay Lin Shuang. Kung siya man, hindi ba't nangangahulugan nito na ang Lin family ay may kaugnayan din sa IV Syndicate?
Mas maraming iniisip si Xinghe tungkol dito, mas maraming pagdududa ang nakikita niya tungkol sa Lin family. Sa oras na ito, hinuhulaan niya na hindi lamang nila masisira ang Lin family pero maibubunyag pa nila ang napakaraming natatagong sabwatan!
Ang pakiramdam ni Xinghe ay talaga namang napakatalas, dahil ang kanyang duda ay nasa Lin family na, ay hahabulin niya ang mga ito hanggang sa katapusan ng mundo. Pareho din ng nararamdaman si Mubai.
Tinawagan nila si Lu Qi at tiwalang ibinunyag sa kanya ang ilang impormasyon. Pumayag si Lu Qi na tumulong sa kanila.
Bumalik sina Sam at Wolf sa City T para sunduin ang babae.
Ngayon, ang tanging kailangan nila ay maghintay. Kapag naibunyag na ang mga sagot, isang malakas na bagyo ang tatama sa City A na kung saan ang Lin family ay ang nasa pinakamata ng buhawi!
…
Matapos na ma-engage sina Lin Xuan at Tong Yan, si Lin Xuan ay dinala siya para bisitahin ang Shen family, Tong family, at kahit ang presidente at si Madam Presidente.
Isang makisig na binata si Lin Xuan na may paraan para makuha ang puso ng mga tao. Sa pamamagitan niya, ang masamang tingin sa Lin family ay unti-unting nababawasan. Isa pa, ito na ang pinakamasayang pagkakataon na nakita nila kay Tong Yan, kaya naman ay unti-unti na silang nakumbinse na marahil ay hindi masamang ideya na makasal si Tong Yan kay Lin Xuan.
Ang impresyon nila sa Lin family ay unti-unting gumaganda.
Araw-araw pinapupurihan ni Shen Ru ang Lin family sa kanila at dahan-dahan ay naisip nila na marahil ay hindi ganoon kasama ang Lin family tulad ng kanilang iniisip. Dahil, matapos ang maraming insidente, puro pagdududa lamang ang naroroon at walang matibay na ebidensiya. Kaibigan na nila ang mga ito ng maraming taon at wala naman itong ipinakikita na dapat pagdudahan. Kaya siguro… inosente namang talaga ang Lin family?
Maliban sa pagtulong na malinis ng Lin family ang kanilang pangalan, nagtrabaho pa ng husto si Shen Ru na ibunton ang sisi sa Xi family. Ito ay dahil sa gustong maghiganti ng Xi family sa Lin family kung kaya nakakaisip ang mga ito ng napakaraming kasinungalingan para idiin ang Lin family.
Ang lahat sa kanila ay nailigaw ng mga ginagawa ni Shen Ru. Nagsimula na silang malito, pero totoo naman na nagsimula na silang makipagbati sa Lin family at lumalayo na sila sa Xi family.