Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 648 - Ang Anak na Babae ni Elder Lin

Chapter 648 - Ang Anak na Babae ni Elder Lin

Sabay na nagdesisyon sina Xinghe at Mubai, si Lin Qin ang puwang na kailangan nila. Gayunpaman, habang tumalikod na sila para umalis, nakasalubong ng kanilang mga mata ang tingin ng isang babae na hindi kalayuan ay nakatayo sa likuran nila. Nagtataka itong nakatingin sa kanila. Tila narinig nito ang buong usapan.

Nanlaki ang mga mata nina Mubai at Xinghe sa pagkabigla.

"Sino ka?" Tanong ni Xinghe, "Ano ang kaugnayan mo sa Lin family?"

Ang mukhang mahinang babae na nakasuot ng mamahaling damit ay nakakakilabot na tumawa sa kanyang sarili at hindi sumagot.

Naningkit ang mga mata ni Mubai at nanantiyang nagtanong, "Ikaw ang anak ni Elder Lin, tama?"

"Bibihira sa iba na makilala ako." Nagbigay sa kanila ng kakaibang ngiti ang babae bago ito naglakad palayo.

"Sandali," tawag ni Xinghe para pigilan ito pero mukhang hindi ito narinig ng babae at patuloy itong naglakad papalayo. Inutusan ni Xinghe si Ali, "Pigilan mo siya."

"Okay!" Kung kailan naman humakbang papunta doon si Ali, biglang lumitaw sa sulok si Lin Xuan na may kasamang ilang guwardiya sa likuran niya. "Ano ang ginagawa ninyo dito?"

Ang bigla nitong pagdating ang sumira sa lahat. Tumigil si Ali at bumalik para tumayo sa likuran ni Xinghe.

Malamig silang hinarap ni Lin Xuan at nagtanong ito, "Xi Mubai, bakit wala kayo sa bulwagan para makisaya sa piging pero nagtatago kayo dito sa likurang hardin ko?"

Pinandilatan din ito ni Mubai at tumawa. "Bakit, mayroon bang bagay na hindi dapat makita ng publiko sa likurang hardin mo? Bakit kailangan mong maging maingat sa amin."

"Walang ganoong bagay sa bahay ko, pero ito ang pribadong lugar ng Lin family at hindi namin malugod na tinatanggap ang mga katulad ninyo dito," bastos na sabi ni Lin Xuan. "Kaya bumalik na kayo sa bulwagan at tumigil na sa paggagala sa bahay ng may bahay."

"Ayos lang, dahil mukhang hindi naman kami malugod na tinatanggap dito ay wala nang dahilan pa para manatili kami dito. Umalis na tayo," sabi ni Xinghe. Agad silang umalis dahil mayroon silang bagay na importanteng aalamin.

Habang pinag-aaralan ang papalayo nilang mga likuran, nagdududang naningkit ang mga mata ni Lin Xuan at bumulong sa guwardiya nito, "Mag-imbestiga ka kung ano ang ginawa nila sa likurang hardin at kung sino ang kanilang nakausap."

"Yes, sir!" Tumango ang guwardiya. Gayunpaman, walang ipinakita ang imbestigasyon. Wala namang ginawang kahit ano o kinatagpo sina Xinghe at Mubai, pero sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Lin Xuan ay may mali. Gayunpaman, hindi niya matukoy kung ano ito.

…

Agad na lumulan ng kotse sina Xinghe at Mubai matapos nilang lumabas sa pintuan ng Lin family.

Agad na ibinigay ni Mubai kay Xinghe ang isang laptop. "Heto."

"Salamat!" Sabi ni Xinghe habang nagsimula na itong magtrabaho sa laptop.

Si Ali, na nakaupo sa harapan, ay napansin ang kaba sa ere at nagtatakang nagtanong, "Ano ang nangyayari? May importanteng bagay ba na nangyari? Bakit wala akong napansin na kahit ano?"

Sumagot si Xinghe ng hindi iniaalis ang mata sa screen, "Mayroon ngang nangyari, pero kailangan namin ng mas maraming impormasyon."

"Tungkol saan?"

"Sa babaeng iyon kanina." Sa oras na ito ay si Mubai ang sumagot sa kanya.

Hindi pa din maintindihan ni Ali. "Ano naman ang tungkol sa babaeng iyon? May pagkaweirdo nga ang kilos niya pero wala namang masama sa kanya."

Pero, oo, mayroon talagang kakaiba sa kanya. Masyadong abala si Xinghe para ipaliwanag ang lahat kay Ali dahil kailangan niyang malaman ang tungkol sa babaeng ito sa lalong madaling panahon.

Related Books

Popular novel hashtag