Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 649 - Espesyal na Trato

Chapter 649 - Espesyal na Trato

Maaaring siya ang susi na makakalutas sa Lin family!

Si Lin Shuang ang nag-iisang anak na babae ni Elder Lin at ang pinakamaliit sa pamilya. Sakitin ito noong bata pa mula ng ipinanganak ito at ipinadala para maalagaan ng mga kamag-anak ng Lin family sa probinsiya noong ito ay musmos pa. Noong ito ay 18 taong gulang na, lumipat ito sa City T para mag-aral sa unibersidad.

Sa pagtatapos nito, bumalik ito sa probinsiya at muli lamang itong bumalik sa Lin family limang taon pa lamang ang nakakaraan. Tila isa itong multo sa pamilya, hindi lahat ng tao ay nakakakilala dito.

Ang tanging dahilan kung bakit nahulaan ni Mubai ang katauhan nito ay dahil narinig niya na ang anak na babae ni Elder Lin ay may mahinang pangangatawan at ginugol nito ang mga araw nang nakakulong sa kanyang silid para magpagaling sa sakit nito. Maliban dito, ay nakilala na nila ang iba pang importanteng kababaihan sa Lin family, kaya ito na lamang ang nag-iisang babae na hindi pa nila nakakaharap. Gayunpaman, mayroong bagay tungkol kay Lin Shuang na nakasorpresa kina Xinghe at Mubai. Kaduda-dudang pamilyar ang hitsura nito…

Ang research ni Xinghe ay walang naging resulta maliban sa basics. Gayunpaman, nang bumalik na sila sa Hills Residence, nagbigay sa kanila ng iba pang impormasyon si Elder Xi.

"Bakit kayo nagtatanong ng tungkol sa kanya? Ang anak na iyon ay tila multo, wala talagang nakakakita pa dito. Ipinadala siya sa malayo noong siya ay sanggol pa, narinig ko ito dahil kailangan nito ng sariwang hangin sa probinsiya para gumaling sa kanyang karamdaman. Wala sa amin ang nakakita sa kanya at nawala siya sa radar ng lahat hanggang sa inakala namin na ang Lin family ay mayroon lamang tatlong anak na lalaki at walang alam na may anak na babae pa siya. Bakit, may kakaiba ba kay Lin Shuang?"

Tumango si Xinghe. "Mayroon ngang kakaiba kay Lin Xuang, pero hindi ko maintindihan, paano kaya na walang pakialam ang Lin family sa buhay niya? Ang nag-iisang anak na babae ng Lin ay nagkasakit, pero imbes na hanapan siya ng pinakamahusay na manggagamot sa Hwa Xia kung saan ay nasa City A, ay ipinadala ito sa probinsiya at hinayaan siyang manatili doon?"

Kahit na bumalik na si Lin Shuang sa Lin family limang taon na ang nakakalipas, mukha pa din itong maputla. Pagdududahan mo kung paano siya tinatrato ng Lin family para mauwi sa ganoong kalagayan.

Sumagot si Elder XI, "Si Ol' Lin ay mas pinapaboran ang mga lalaki kaysa sa babae, pero tama ka, hindi niya dapat ipinagsawalang-bahala ito. Mas pinahahalagahan niya ang kita sa lahat kaya naman ang pagkakaroon ng anak na babae para sa isang magandang kasal ay mas maraming benepisyo kaysa sa kasalukuyang pagtrato nila dito. Hindi ko din maintindihan kung bakit nagkukunwari sila na hindi ito nabubuhay."

"Kakaiba nga talaga. Ang lahat ng mga babae mula sa Lin family ay nabigyan ng magandang edukasyon, kahit si Lin Yun ay ipinasok nila para sumapi sa national intelligence agency, kaya naman ang pagtrato ng Lin family kay Lin Shuang ay talaga namang kakaiba," obserba ni Xinghe.

Tumango si Mubai. "Oo, kung alam lang natin kung bakit."

Si Ali na nakikinig ay nag-aalinlangang itinaas ang kanyang kamay. "Siguro ay alam ko kung bakit."

"Bakit?" Si Xinghe at ang iba pa ay tumigin sa kanya ng may pagkagulat. Kahit ang grupo ni Sam ay nabigla. Paano niya malalaman ang dahilan?

Napaubo si Ali at nagpaliwanag, "Siguro ay katulad ko siya. Inabandona ako ng mga magulang ko noong ako ay snaggol pa dahil ipinanganak ako sa isang malas na petsa. Nag-aalala sila na baka magdadala ako ng kamalasan sa pamilya, kaya siguro, kapareho ko ng kapalaran si Lin Shuang."

Bahagyang tumango si Xinghe. "May punto ka naman."

Malamig na ngumisi si Mubai. "Kailangan kong sabihin, para sa isang pamilya tulad ng Lin family, hindi na nakakapagtaka na may gagawin silang bagay na tulad niyan. Ang mga magdadala ng kamalasan ay kailangang maialis, tulad ni Lin Yun…"

Umiling si Elder Xi at tumawa. "Malamang ay hindi, hindi naman mahilig maniwala sa mga pamahiin ang Lin family. Isa pa, bakit hindi ko naririnig na sinabi ng mga tao na ang ikalawang anak na babae ng Shen family ay isang malas na babae? Sa bandang huli, si Ol' Lin ay makikita lamang ang mga tao, kahit na ang mga anak niya, bilang tagadala ng kayamanan, pero hindi siya mapamahiing tao."

Related Books

Popular novel hashtag