"Paano kung walang pagkakataon? Kung walang gagawin na kahit ano ang Lin family, wala naman tayong magagawa din, hindi ba?" Nag-aalalang tanong ni ALi.
Umiling si Xinghe. "Hindi, siguradong hindi sila mananatili ng walang ginagawa."
Nakuha ni Cairn ang ibig nilang ipahiwatig at nanghula, "Marami nang ginawa ang Lin family para marating ang kasalukuyan nilang katayuan, kaya hindi nila agad isusuko ang mga bagay na pinaghirapan nila ng agad-agad…
"Tama iyon." Tumango si Xinghe. "Marami na silang isinakripisyo para sumuko kaagad. Hindi sila susuko hanggang sa huling sandali."
"Pero ano pa ba ang kailangan nilang gawin? Ngayong wala naman nang nakatutok sa kanilang mga leeg, kahit na wala silang gawin, ay makakabangon silang muli," nakasimangot na sabi ni Sam.
Pahapyaw na ngumiti si Xinghe. "Imposible. Sa oras na ito ay nagawa lamang ng Lin family na iligtas ang kanilang mga sarili. Tumigil lamang ang Shen family sa panggigipit sa kanila, marami pa silang kailangang gawin bago bumalik ang kanilang naunang relasyon at kaugnayan. Isa pa, nagsimula nang magduda sa kanila ang presidente. Kakailanganin pa ng Lin family na gumawa ng mas madami bago sila lubusang makabawi."
"Tama iyon!" Kumurba ang mga labi ni Mubai para ngumiti. "Ito pa lamang ang simula, at siguradong ipagpapatuloy nila ang momentum na ito."
"Kaya naman, ang tanging magagawa natin ay maghintay. Kahit na walang pagkakataon, tayo ang gagawa ng isa!" Isang malamig na determinasyon ang kumislap sa likod ng titig ni Xinghe. Sa oras na ito ay wawasakin nila ang Lin family. Ito na ang perpektong pagkakataon nila, ang mapalampas ito ay siyang magbabago ng lahat.
Matapos na bumagsak ng Lin family, ang buong istruktura ng kapangyarihan sa City A ay magbabago. Kaya naman, ang labanang ito ang totoong laban na magdedesisyon sa lahat. Ang partida ni Xinghe at ng Lin family ay nauunawaan ito. Pamilyar sila sa mga bagay na nakabitin sa pagkakabalanse!
Mula sa sandaling iyon, wala ni isa sa kanila ang nangahas na magkamali. Pinagtuunan nila ng buong atensiyon ang kanilang mga galaw, natatakot sila sa mga magagawang aksidente.
…
Gayunpaman, kahit na maingat pa ang Lin family, kailangan nilang kumilos. Kailangan nilang mabawi ang kanilang naunang katayuan bago pa dumating ang eleksiyon. Kailangan nilang maiayos ang kanilang mga kaugnayan sa iba pang malalakas na pamilya.
Tulad ng inaasahan nina Xinghe at Mubai, isang malaking balita ang lumabas mula sa Lin family!
Ang third young master ng Lin family at ang young mistress ng Tong family ay ipinagkakasundo na para maikasal!
Ang mga taong nasa labas ay wala masyadong iniisip tungkol sa pagpapares na ito. Dahil alam naman ng publiko na si Tong Yan ay malaki ang pagkagusto kay Lin Xuan, kaya naman inakala nila na sa wakas ay tinanggap na nito ang paghahabol sa kanya nito.
Gayunpaman, para kay Xinghe at sa iba pa, ang pangyayaring ito ay kaduda-duda. Si Tong Yan ay ginamit ni Lin Xuan, at kahit na iniligtas ni Lin Xuan si Shen Ru, wala nang dahilan pa para ibigay nila si Tong Yan sa Lin family. Isa pa, ang timing ng mga kaganapang ito ay nakapagpataas din ng ilang kilay.
Para kay Lin Xuan na ma-engage kay Tong Yan sa panahong ito, siguradong may mas malaking plano sa likod nito!
Hindi maintindihan ni Xinghe kung bakit ang Tong family ay papayag sa engagement na ito.
Ang Tong family ay makikitang tinutulungan ang Lin family na marating ang pinakatuktok. Bakit nila gagawin ito pagkatapos nilang malaman ang masamang ambisyon ng Lin family?
Kahit sina Mubai at Elder Lin ay hindi ito maintindihan.
Nagkomento si Elder Xi ng may seryosong hitsura, "Siguro ay may kakaibang nangyayari dito!"
"Mayroon din sigurong kakaiba sa Tong family din," suhestiyon ni Mubai kahit na sigurado ang kanyang tono.
Tumango si Xinghe. "Oo, ang Tong family ay mukhang umaakto ng kabaliktaran sa kanilang sariling interes, at naniniwala ako na ang susi para maunawaan ang lahat ng mga ito ay nakasalalay kay Shen Ru."
Bumaling sina Elder Xi at Mubai para tingnan siya, naghihintay na marinig ang kanyang pagsusuri.