Chapter 642 - Shen Ru

Mabagal na nagpaliwanag si Xinghe, "Una, ang insidente kung saan iniligtas ni Lin Xuan si Shen Ru ay masyadong koinsidental at nakakataka. Ngayon, hindi pa nagtatagal matapos noon, sina Tong Yan at Lin Xuan ay iniaanunsiyo na ang kanilang engagement. Ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayaring ito ay mukhang sinadya ang pagkakaayos. Ang punto ko ay, malinaw na nating alam na parte ito ng pagbabalik ng Lin family, pero kung wala ang pakikipagtulungan ng Tong family, ang lahat ng ito ay magiging imposible."

"So, sa tingin mo ay si Shen Ru ang sikretong tumutulong sa kanila?" Tanong ni Mubai.

Tumango si Xinghe. "Oo. Siya ang iniligtas ni Lin Xuan at si Tong Yan ay anak niya. Masyado na siyang nadadawit dito kaya naman imposible na hindi siya kasali dito. Isa pa, kung wala ang kanyang pahintulot at basbas bilang ina ni Tong Yan, hindi posibleng mapapakasalan ni Tong Yan si Lin Xuan at maayos ang relasyon sa pagitan ng Tong family, Shen family, at Lin family."

"Tama iyon!" Tumango si Elder Xi at idinagdag, "Pamilyar ako sa dalawang matandang lalaki mula sa Shen family at Tong family, matapos nilang malaman ang problema ng Lin family, hindi sila papayag na ang napakahalaga nilang apo ay makasal sa pamilya ng mga ahas na iyon ng basta-basta. Kahit na hilingin nga nilang makumpleto ang parehas na ito, hindi ngayon ang tamang oras. Ang Lin family ay marami pang kailangang gawin bago nila mapatunayan ang kanilang sinseridad."

"Gaano katagal na ba mula nang mabunyag na ginagamit ng Lin family si Tong Yan? Ito ay hindi pa hihigit sa isang buwan, na napatawad na nila agad ang mga ito at nakalimutan ang lahat ng ganoon kabilis? Kahit na iniligtas pa ni Lin Xuan si Shen Ru, ay mababalanse lamang nito ang lahat. Ang Tong family at Shen family ay hindi masyadong mapapahalagahan ang tulong nila na ibibigay nila ng basta-basta si Tong Yan sa Lin family."

Si Tong Yan ang pinakamahalaga para sa Shen family at Tong family, lalo na sa Shen family, mas mahalaga pa ito sa ginto dahil siya ay ang nag-iisang apo ni Elder Shen. Kung wala ang permiso ni ELder Shen, walang sinuman ang maaaring magpakasal kay Tong Yan, sa madaling salita, ang engagement na ito ay natanggap na ang kanyang basbas.

Pero bakit ito papayag dito agad-agad?

Alam nilang hindi iindahin ni Tong Yan ang arrangement na ito, pero ang engagement na ito ay isang bagay na hindi niya madedesisyunan. Kaya naman, si Shen Ru ang pinakaunang salarin. Siya ang anak ni Elder Shen, kaya naman pinaka-epektibo kung siya ang nangumbinsi dito.

Hindi sila maniniwala kapag sinabi sa kanila na inosente si Shen Ru!

Gayunpaman, si Xinghe at ang iba pa ay hindi maintindihan kung bakit kakampi si Shen Ru sa Lin family.

Para malaman ang puno't dulo ng misteryong ito, personal na inimbitahan ni Elder Xi si Elder Shen para magtsaa sa labas. Isa lamang itong pakunwari para ilabas ang kanyang pagkainis. Lahat sila ay nagkasundo na gipitin ang Lin family, kaya ano ang ibig sabihin nito?

Nagdesisyon ang Xi family na huwag nang ituloy ang kasong pagpatay ni Tong Yan dahil pumayag ang mga ito na kumampi sa kanilang labanan ang Lin family.

Kung iyon naman pala ang kaso, hindi na kailangan pang tuparin ng Xi family ang kanilang kasunduan!

Dahil ang insidente ng pagdukot na ginawa ni Tong Yan ay hindi pa din nareresolbahang kaso, maaaring buksan uli ng Xi family ang kaso at guluhin ang ilang pamilyang ito.

Pinagalitan ni Elder Xi si Elder Shen ng kaliwa't kanan at ang huli ay nakaupo lamang doon ng tahimik na tila isang estudyanteng nahuli sa akto. Sa wakas, sa pagtatapos ni Elder Xi, "Ol' Shen, kapag hindi mo ako binigyan ng magandang sagot ngayon ay magiging isa itong all-out na digmaan! Dahil kay Tong Yan, ang pinakamatanda kong apo ay halos nawala ang kalahati ng kanyang buhay at ngayon ay nagpapagaling pa. Para sa kapakanan ng pakikipaglaban sa kaparehong kaaway, nagdesisyon ang aming Xi family na palampasin ito pero ngayon… Kung hindi mo ako bibigyan ng magandang paliwanag ngayon, magkita-kita na lamang tayo sa korte! Kaya sabihin mo sa akin, bakit ka nagdesisyon na traydurin ang iyong karangalan at saktan ang Xi family ko na wala namang ginawa kundi maging mabait sa iyo?!"

Related Books

Popular novel hashtag