Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 639 - Salamat na Lamang at Sumuko Ako Sa Iyo

Chapter 639 - Salamat na Lamang at Sumuko Ako Sa Iyo

Ang military school ay isang lugar na puno ng bangungot, paano nito nagawang pagbantaan siya na ipapadala siya sa lugar na iyon? Nagsimulang mangilid ng luha ang mga mata ni Tong Yan. "Mommy, hindi mo na ba ako mahal, paano mo nagawang tratuhin ako ng ganito? Lahat kayo ay hindi na ako mahal, tama? Lahat kayo ay nagbago."

Napabuntung-hininga si Shen Ru, at pakiramdam niya ay may paparating siyang sakit ng ulo. "Sinabi ko na sa iyo, para ito sa kabutihan mo kaya tumigil ka na sa paggawa ng eksena kung hindi ay ipapadala na talaga kita sa military school!"

Nagbaba ng ultimatum si Shen Ru at tumayo na para umalis. Nagulat pang muli si Tong Yan, pero may kaunti naman siyang talino para magbago ng taktika. Niyakap niya ang braso ng ina at nagmamakaawang sinabi, "Mommy, okay, magpapakabait na ako mula ngayon kaya pakiusap ay huwag ka nang magalit sa akin, pero naiinip na talaga ako, kaya pwede bang payagan mo na akong lumabas? Nangangako ako na wala akong ibang pupuntahan kundi bisitahin si lolo. Namiss ko siya, kaya pwede mo ba akong payagang makita siya?"

"Hindi!" Napatalon si Shen Ru na tila natusok ito ng karayom. Ang kanyang kakaibang reaksiyon ay ikinagulat ni Tong Yan.

Biglang napagtanto ni Shen Ru na kakaiba ang kanyang reaksiyon, kaya naman pinagiliw niya ang kanyang tono at sinabi, "Ang lolo mo ay masyadong abala sa panahong ito, kaya huwag ka nang pumunta para istorbohin siya. Hindi ba't marami ka pang takdang aralin na dapat gawin? Maaari mong gawin na lamang ito."

"Kung ganoon pala, gusto kong pumunta sa bahay ng presidente para makita si auntie, ayos lang iyon, tama?"

"Hindi!" Nagalit na naman si Shen Ru. Itinigil na niya ang pagkukunwari at binalaan si Tong Yan sa mariing tono, "Hindi ka maaaring umalis sa bahay na ito at makita ang sinuman, kung hindi ay itatakwil na kita bilang anak ko!"

Pagkatapos nito ay umalis si Shen Ru, iniwan si Tong Yan na nagulat ng husto. Nasaktan ito ng labis. Ano ang nangyayari kay Mommy? Bakit siya nagagalit sa akin? Hindi naman siya dating ganito… ang totoo, ano ang nangyayari sa lahat?

Talaga ba kayang hindi na nila siya mahal dahil sa kanyang nag-iisa at maliit na pagkakamali? Hindi ba't siya ang prinsesa ng lahat, ang pinakamamahal ng mga buhay nila? Bakit naging masama ang trato nilang lahat sa kanya?!

Nakaramdam ng galit at tampo si Tong Yan. Kailangan niyang makahanap ng masisisi at si Xinghe ang mainam na puntirya. Kung hindi dahil sa p*tang Xia na iyon, wala sanang mangyayaring ganito!

Gayunpaman, kahit gaano pa kasuklaman ni Tong Yan si Xinghe, wala naman na siyang magagawa dito dahil nasa ilalim siya ng house arrest.

Si Xinghe naman, sa kabilang banda, ay naghihintay sa Lin family na kumilos. Gayunpaman, napakaraming araw na ang nagdaan, at wala pa ding ginagawa ang Lin family.

"Tungkol saan ang iniisip mo?" Tanong ni Mubai sa nakakaakit nitong tinig.

Naialis si Xinghe sa kanyang malalim na pagmumuni-muni at sumagot ito, "Nagtataka lang kung bakit hindi pa kumikilos ang Lin family."

Ngumiti si Mubai. "Huwag kang mag-alala, malapit na din itong mangyari."

"Alam ko pero nagtataka lamang ako bakit naghihintay sila ng matagal."

Hindi mapigilan ni Mubai na tumawa. "Ah, umaasa ka na habulin na nila tayo?"

Kumislap ang talim sa maiitim na mata ni Xinghe, "Siyempre, paano pa natin sila mahuhulog sa ating patibong kung hindi sila kikilos?"

Ang tingin sa kanya ni Mubai ay lalong nagliwanag. "Tanging ikaw lang ang humihiling na umatake ang iyong kaaway."

Natatakot ang karamihan na babalik para maghiganti ang kanilang mga kaaway pero si Xinghe ang kabaliktaran, kinatatakutan niya na hindi ito gawin ng kanyang mga kaawa. Lalo lamang titindi ang paglaban nito kung may kumpetisyon. Kaya naman, ang mga kaaway niya ay palaging nauuwi sa isang nakakaawang kalagayan. Si Xinghe ay isang klase ng tao na hindi natatakot sa isang paghamon. Ang kanyang katibayan ng loob ay isang pwersa na kahanga-hanga.

Maingat at mariin siyang pinag-aralan ni Mubai. Napabuntung-hininga ito bigla habang sinasabi na, "Mabuti na lamang at sumuko na ako sa iyo ng matagal na at nagpumilit na masali sa iyong kampo."

Kung hindi, siguradong may nakakahindik na katapusan ang nangyari sa kanya matapos na makaharap ito.

Related Books

Popular novel hashtag