Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 640 - Sa Wakas ay Kumikilos Na

Chapter 640 - Sa Wakas ay Kumikilos Na

Salamat na lamang, wala siyang lakas sa harap nito at sumuko na lamang ng walang kondisyon. Pero, sigurado na hindi naman niya alintana kung mamamatay siya sa mga kamay nito.

Nagtataka siyang tiningnan ni Xinghe, iniisip kung anong kalokohan ang pinagsasasabi nito.

Hindi na ipinaliwanag ni Mubai pero ngumiti ito sa sarili niya. Mas lalo nitong pinagtaka si Xinghe. "Ano ang ini-ngingiti mo diyan?

"Masaya lang ako."

"Ano naman ang ikinasasaya mo?" Biglang napagtanto ni Xinghe na ang puso ng mga lalaki ay imposibleng basahin minsan.

"Masaya na hindi mo ako tinanggihan…" lumapit si Mubai ng dahan-dahan para kintalan ng halik ang mga labi niya.

Naghihintay si Xinghe sa Lin family para labanan nito ang panggigipit na nararanasan nila.

Kung kailan iniisip ng lahat na mamamatay na ang Lin family, may kakaibang nangyari. Sa isang boating trip ni Shen Ru, aksidente siyang nahulog sa dagat at muntikan nang mamatay.

Tila nataon naman, ang third young master ng Lin family ay nasa paligid. Hindi nito ininda ang personal na kaligasan at nilangoy ang malalim na dagat para sagipin ito. Kung hindi dahil sa kanya, namatay na sa karagatan si Shen Ru.

Ang balitang ito ay kumalat sa buong City A at nasorpresa ang Tong family at Shen family. Sa isang magdamag, ang Lin family ang naging tagapagligtas nila.

Kaya naman, nakakailang para ipagpatuloy nila ang panggigipit dito.

Isa pa, hindi tumitigil si Shen Ru sa kung paano iniligtas ni Lin Xuan ang kanyang buhay at pinuri ng husto ang Lin family sa harap ng Shen family at Tong family, kaya natural lamang na ang panggigipit ay tumigil na. Ang totoo, sa halip ay nagpasalamat pa sila sa pagtulong ng Lin family…

Sa isang kisapmata, ang ilang pamilya na kaaway nila ay biglang naging matatalik nilang kaibigan. Ang biglang pagbabago na ito ay ikinagulat ng lahat ng nanonood. Kahit ang Xi family ay hindi maintindihan kung ano ang nangyayari.

Ang katapusan ng Lin family ay nalalapit na pero biglang nagbago ang takbo ng lahat ng pangyayari. Paano naman nila matatanggap ang biglaang pagbabago na ito?

Isa itong lubos na pagbabago sa inaasahang kahihinatnan ng kwento!

Tanging sina Xinghe at Mubai ang nakahinga ng maluwag.

"Sa wakas ay kumikilos na ang Lin family," sabi ni Xinghe nang may bahagyang ngiti, ang mood niya ay maliwanag.

Kahit si Mubai ay sumali din nang nakangiti. "Oo nga, napakahusay ng ginawa nilang pagkilos."

Hindi maintindihan ng grupo ni Sam kung ano ang nangyayari.

"Ang Lin family ay paakyat na namang muli, pero bakit masaya kayong dalawa na makita ang pagbabagong ito?" Tanong ni Sam nang may nagtatakang hitsura. Si Ali at ang iba pa ay may blangkong ekspresyon din. Nang marinig nila ang balitang ito, halos sumabog silang lahat sa galit!

Napakarami nilang ginawa para masukol ang Lin family pero ngayon, lahat ng ginawa nila ay nasayang lamang, kaya paanong hindi sila magagalit?

Kaya naman ang pagtugon nina Xinghe at Mubai ay kakaiba talaga. Hindi sila nalungkot o nagalit pero natuwa ang mga ito!

Ano ba ang mayroon para matuwa sila?!

Alam ni Xinghe na hindi nila ito maiintindihan kaya kalmado siyang nagpaliwanag, "Ang Lin family ay hindi basta-basta mapapabagsak. Ang gipitin sila ay hindi magdudulot na sila ay maubos, kapag nagpatuloy ito, walang mangyayari sa kanila at wala naman tayong magagawa laban sa kanila. Kaya naman, matapos lamang nilang gumawa ng hakbang ay saka pa lamang tayo makakakilos para gulatin sila."

Hindi pa din ito makuha ni Ali. "So, umaasa ka na kumilos sila, pero bakit? Lalo lamang nitong palalakasin ang kanilang pagbangon. Tulad ngayon, ano naman na ang gagawin natin tungkol sa kanila?"

Buong kumpiyansang nakangiti si Xinghe. "Nakadepende ito sa kung ano ang susunod nilang gagawin. Ang kailangan nating gawin ay buksan ng maigi ang ating mga mata at siguraduhin na wala silang pagkakataon na makawala mula sa ating mga kamay!"