Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 633 - Panggigipit sa Lin Family

Chapter 633 - Panggigipit sa Lin Family

Mahinang idinagdag pa ni Xinghe "Higit pa sa sapat iyon. Ang kasalukuyan nating misyon ay ang pigilan ang Lin family mula sa pagkuha ng pwesto ng presidente, ang iba pa ay maaari nating solusyonan ng may katagalan."

"Tama iyon, sa oras na ito, ang ambisyon ng Lin family ay siguradong hindi mangyayari!" Masayang sambit ni Elder Lin. Hanggang hindi napapanalunan ng Lin family ang presidensiya, wala nang masyadong dapat na ipag-alala. Marami pang pagkakataon para pakitunguhan ang mga ito sa hinaharap.

Ngayon, ang Tong family, Shen family, at kahit na ang presidente ay hahanap ng mga paraan para gipitin sila. Ang Lin family ay makakaharap ng pag-atake mula sa lahat ng anggulo at magkakaroon doon ng opening. Ang pagkakataon na makagawa ang mga ito ng pagkakamali ay mas mataas, at kapag nangyari iyon, sisiguraduhin na nila na ang Lin family ay tuluyan nang mawawasak!

Tulad ng sinabi ni Xinghe, natatakot siya na hindi sila aatakihin ng Lin family. Hanggang sa ginawa nila ito, ang Xi family ay magkakaroon ng pagkakataon na lumaban.

Salamat na lamang, ang Lin family ay aktibong umatake sa pagkakataong ito kung hindi ay hindi sila mabibiyayaan ng isang magandang pagkakataon.

Salamat sa sakunang ito, nakita nila ang kahinaan ng Lin family. At mula ngayon, ang alitan ng Xi family at Lin family ay narating na ang pinakarurok na antas.

Matapos na malaman ng Shen family at Tong family ang tungkol sa mga ambisyon ng Lin family, natural lamang na magpunta sila para ibalita ito sa presidente. Matapos ang ilang imbestigasyon, ang mga ambisyon ng Lin family ay unti-unting lumabas.

Ang pagkakaroon ng ambisyon ay hindi masama pero ang paggamit kay Tong Yang ay siguradong masama. Ang pagsasamantala kay Tong Yan ay katumbas ng pagsasamantala na sa Shen family, Tong family at ng presidente. Siyempre, manghihingi sila ng karampatang kabayaran!

Ang Xi family ay nagbigay din ng maraming katunayan ng mga ilegal na gawain ng Lin family, kaya ang ilang pamilya ay nagtipun-tipon para gipitin ang Lin family. Madali lamang sa kanila na puntiryahin ang Lin family. Iba't ibang problema ang kinaharap ng Lin family, at wala nang nagiging maayos pa para sa kanila.

Halimbawa, napaalis si Lin Qian mula sa bahay ng presidente at ng medical team dahil sa ibang kadahilanan. Ilan sa mga kapangyarihan na hawak ni Lin Kang ay inalis sa kanya. Kahit na ang mga negosyo ng Lin family ay unti-unting bumabagsak…

Sa madaling salita, ang Lin family ay nasusukol na. Ang Lin family ay hindi bahay ng mga hangal; agad nilang naintindihan ang sitwasyong kinahaharapan nila.

"Mukhang nagsimula na silang magduda sa atin," sabi ni Elder Lin sa isang mabigat na tinig.

Mahinang idinagdag ni Lin Xuan, "Hindi ko na din makausap si Tong Yan. Narinig ko na nasa ilalim siya ng house arrest; ang mga ginawa natin ay siguradong nabunyag na."

"Kung gayon, ano ang dapat nating gawin ngayon?" Napasimangot si Lin Kang. Nilukob ng kaba ang buong Lin family.

Hindi nila inaasahan na ang paggamit kay Tong Yan ang magdadala sa kanila ng malaking problema. Wala silang panama sa pinagsanib na pwersa ng Tong family, Shen family, at nang presidente.

Maraming maliliit na pamilya ay kakampi din ng presidente. Palagi silang nakatingin para makuha ang pabor ng presidente; nang napagtanto nila na ginigipit ng presidente ang Lin family, ay sumunod ang mga ito.

Ito ang dahilan kung bakit desperado na ang Lin family na makuha ang pwesto ng presidente. Magkakaroon ng access ang isang tao sa maraming tagasunod na walang utak para gawin ang iuutos nila.

Masyado na silang malapit para matupad ang kanilang mga plano.

Pero…

Dumating na naman ang Xi family para pigilan ang kanilang plano sa huling minuto!

Kung hindi dahil sa kanila, paano mauuwi sa ganito ang mga bagay-bagay?

Pinagalitan agad ni Elder Lin si Lin Xuan, "Sinabi ko na sa iyo na sa sensitibong panahon na tulad nito, hindi ito ang oras para gumawa ng kahit anong laban sa Xi family. Ngayon, tingnan ninyo't perpekto ang lahat! Hindi lamang natin sila ginalit pero nakakuha tayo ng maraming tao na pinupuntirya ang ating likuran!"

Related Books

Popular novel hashtag