Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 634 - Mahihirap na Araw na Paparating para sa Lin Family

Chapter 634 - Mahihirap na Araw na Paparating para sa Lin Family

Ang kanilang mga plano ay nabigo. Ang kanilang pagkakataon na makaupo sa pwesto ng presidente ay nawala. Ang pinakamalala pa nito ay maaaring ito na ang simula ng katapusan para sa Lin family.

Kahit na pinagagalitan si Lin Xuan, ang hitsura nito ay hindi nagbago maliban na lamang sa kalupitang lumitaw sa mga mata nito. "Lolo, nararapat sa atin na puntiryahin ang Xi family. Naiintindihan mo na kailangan natin ng pera at ang Xi family ang pinakamadaling target para sa atin na makakuha nito."

"Gayunpaman, ang kamaliang ito ay lubusan nang sinira ang lahat ng pagpupunyagi natin noon!"

Nagreklamo na din si Lin Kang. "Mula nang nagdesisyon tayo na kalabanin ang Xi family, nagsimula nang masira ang lahat para sa atin. Isinakripisyo na natin si Lin Yun, Bao Hwa, at ngayon ay inaatake tayo mula sa lahat ng anggulo. Hindi kaya ang Xi family ang ating kryptonite?"

"Kahit na, kailangan nating malampasan ang mga hadlang na ito, kung hindi ay katapusan na ito ng Lin family!" Marahas na pagtatapos ni Elder Lin.

Ang grupo ng mga kalalakihan ng Lin family ay nagsimula nang magpalitan ng ideya, pero ano ba ang mga paraan na mayroon para sa kanila na makalusot sa problemang ito? Nawala na sa kanila ang tiwala ng presidente, kaya paano nila ito maiaayos?

Mas matagal na manatili ang Lin family sa sitwasyong ito, mas malala ang kahihinantnan nila. Kapag hinayaan nila itong magpatuloy, hindi na magtatagal pa ang Lin family.

Sinubukan ng Lin family ang napakaraming paraan para maisaayos ang relasyon nila sa Shen family at Tong family, pero sila ay nabigo. Ginamit nila si Tong Yan, kaya naman imposible sa kanila na mapatawad sila ng basta-basta.

Ang tanging bagay na magagawa ng Lin family ay ang itanggi ang lahat; hindi nila maaaring aminin ang kasalanan nila sa paggamit kay Tong Yan. Dahil, kung ang kasalanan ni Tong Yan ay maite-trace pabalik sa kanila, mas lalo lamang palalalain nito ang mga bagay para sa kanila. Gayunpaman, ang pagtanggi ay walang saysay; nakita na nag Shen family at Tong family ang kanilang pagkukunwari.

Sunud-sunod ang mga hindi magagandang araw para sa Lin family at ginagawa nila ang lahat para lamang hindi masira ang dam. Gayunpaman, hindi pa din ito sapat na kaparusahan sa mga mata ni Elder Xi.

"Hindi pa ito sapat, paano ito naging sapat?! Ang pinakamagandang kalalabasan ay ang wasakin ang bawat isang miyembro ng Lin family at siguraduhing wala ni isa sa kanila ay magkakaroon ng magandang kahihinatnan!" Inilalabas ni Elder Xi ang galit sa bahay. Ang Lin family ay halos nasira ang Xi family at mapatay si Xinghe. Hanggang sa tinanggap na ng Lin family ang pinakamalakas na sampal mula sa karma, hindi niya tatantanan ang mga ito!

Sinamahan siya ni Mubai ng hapon na iyon. Sumimsim ito ng tsaa at sinabi, "Huwag kang mag-alala lolo, ang kaparusahan nila ay darating din, pero…"

"Pero ano?" Sulsol ni Elder Xi.

Kumislap ang maiitim na mata ni Mubai. "Maaaring may back-up plan ang Lin family. Hindi madali na alisin sila ng basta-basta."

Tumango si Xinghe. "Sang-ayon ako, siguradong may gagawin sila para maisalba ang sitwasyong ito."

Tumango si Elder Xi. "Ang pag-aalala ninyo ay may basehan. Dahil kapag madaling mapabagsak ang Lin family, hindi sila makakaligtas hanggang sa panahong ito. Natutuwa ako na makita na hindi ninyo agad ibinababa ang inyong pag-iingat dahil lamang sa pansamantalang tagumpay. Ang araw kung saan lubos na nating natalo ang kaaway ay ang tanging araw na talagang makakahinga na tayo ng maluwag."

"Naiintindihan ko," sagot ni Mubai.

"Ngayon ay hindi ang oras para sumuko, kung ano pa man, ito ang pinakamahalagang sandali. Kailangang maghanda tayo na kumilos sa sandaling ipakikita na ng Lin family ang kanilang buntot!" Dagdag ni Xinghe.

"Mahusay ang sinabi mo, naniniwala ako sa inyong dalawa." Nasisiyahang tumango si Elder Xi habang nakikita ang pagtutulungan ng dalawa. Ang bawat isa ay nagniningning kung nag-iisa, pero kapag magkasama, sila ay hindi matitinag.

Tumatawa siyang nagmungkahi, "Ano kaya, kapag natapos na ang bagay na ito, ay magpakasal kayong dalawa ulit? Nangangako si Lolo na siguradong ito ang magiging kasalan ng siglo!"