Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 627 - Kaya Kong Makipagsabayan Sa Iyo

Chapter 627 - Kaya Kong Makipagsabayan Sa Iyo

Alas, ang kalaban nila ay si Xinghe; ang utak niya ay maihahalintulad sa isang supercomputer. Bahagya siyang tumingin kay Tong Yan at wala nang sinabi. Tiningnan lamang niya ito.

Naguluhan si Tong Yan. "Miss Xia, ano ang tinitingnan mo? Hindi mo ba ako papatawarin?"

Ang mga ngiti sa mukha ng ibang tao ay nawala at lahat sila ay tumingin kay Xinghe. Nag-iba ang atmospera sa loob ng silid; nasira ni Xinghe ang magandang usapan na sinadyang gawin ng mga taong ito ng wala man lang sinasabing kahit anong salita.

Sa loob-loob niya ay napapangiti si Elder Xi. Mga hangal, nangahas kayong magsagawa ng mga panlalasi sa aking grand daughter-in-law? Hindi pa kayo kwalipikado!

Hindi sinagot ni Xinghe ang tanong ni Tong Yan ngunit malumanay na nagtanong, "Miss Tong, talaga bang humihingi ka ng tawad sa akin?"

Tumango si Tong Yan. "Oo naman."

Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Kung ganoon ay dapat na makitaan ng sinseridad ang paghingi ng tawad. Kung ito ang ideya mo ng paumanhin ay maaari mo nang ipunin ang erhiya mo."

"Ano ang sabi mo?!" Ang karaniwang ugali ni Tong Yan ay palabas na pero pinilit niya itong pigilin at sumagot ng may pilit na ngiti, "Miss Xia, sinsero naman ako, kaya paano mo nasabi ang ganoong bagay?"

Kahit si Elder Tong ay napakunut-noo. "Miss Xia, kaming dalawa ni Elder Shen ay personal na naririto para parangalan ka at ang aming Little Yan ay nagpakumbaba na para hingin ang patawad mo. Paano mo naman nasabi na wala kaming sinseridad?"

"Elder Xi, ikaw ang humatol at sabihin mo sa amin, kulang ba ang aming sinseridad?" Pinili ni Elder Shen na bumaling kay Elder Xi. "Kaming mga elder ay naririto at nagbigay ng maraming regalo sa pag-asa na kalilimutan na natin ang tungkol dito. Masasabi mo ba talaga na hindi sapat ang ipinakikita naming sinseridad?"

"Tama iyon, ang sinseridad namin ay kitang-kita na sa lahat!" Mayabang na dagdag ni Elder Tong. Halata namang pinagtatakpan nila si Tong Yan at inaapi ang Xi family kasama na din si Xinghe!

Pero, kaya nilang makipagsabayan sa mga ito!

Napatawa si Elder Xi sa loob-loob niya pero walang emosyon itong sumagot, "Gusto ninyong ako ang humatol? Sige, pero ang hatol ko ay dahil sinabi ni Xinghe na lahat kayo ay hindi nagpapakita ng sinseridad, siguro ay tama siya!"

"Ano?" Nagulat si Elder Shen.

Hindi inaasahan ni Elder Tong na walang pagkahiya si Elder Xi. "Elder Xi ano ang ibig mong sabihin diyan? Halata namang ipinatatanggol mo ang Xia Xinghe na ito at sinasadyang kalabanin kami!"

"Hindi ba't lahat kayo ay ganoon din ang ginagawa kay Tong Yan?!" Walang-awang pagsagot ni Elder Xi. "Kung gusto ninyong apihin ang aking Xi family, siyempre ay gaganti ako. Sa tingin ninyo ay ganoon talaga kadali apihin ang Xi family ko? Sa bandang huli, ilalaban namin ito at tingnan natin kung sino ang mananalo!"

"Ikaw…" hindi na makapagsalita si Elder Tong sa galit. Kahit sina Tong Yan at Shen Ru ay napapatangis na lamang ng kanilang ngipin sa galit.

Wala sa kanila ang inaasahan na si Elder Xi ay bastos at walang utang na loob na hindi man lang sila binigyan ng kahihiyan.

Sino ba siya sa tingin niya, na nangahas itong pagsalitaan sila ng ganyan?!

Si Elder Shen, na siyang mas maingat sa kanyang pag-iisip, ay hindi nagalit pero mabagal na nagtanong, "Elder Xi, sinabi mo na inaapi namin ang pamilya mo, pero may mga isyu ako tungkol diyan. Sabihin mo sa akin, paano ba namin kayo inapi? Talagang nagpunta kami dito para humingi ng tawad ng buong sinseridad sa pagkakataong ito."

"Sige, kung ganoon ay sasabihin ko sa iyo!" Makapangyarihang anunsiyo ni Elder Xi, ang tingin nito ay matalim na tila punyal. "Ang Xinghe namin, dahil sa kabaitan ng puso niya, ay pumunta dito para tulungan ang presidente na gumaling sa kanyang sakit. Mahalaga siya sa pagtatagumpay ng mekanikal na puso, pero ano ang nakuha niya? Ang dalaga mula sa inyong Tong Family ay pinagtangkaan ang buhay niya dahil sa hindi niya gusto si Xinghe, kaya sabihin mo sa akin, kung hindi pang-aapi ito sa aking Xi family, ano ang tawag doon? O sa tingin ninyo na kami mula sa Xi family ay mga walang silbi na magagawa na lamang ninyo kaming ipahiya at ipapatay kaming mga Xi dahil sa gusto ninyo lamang?!"