Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 628 - Hindi Madaling Lokohin

Chapter 628 - Hindi Madaling Lokohin

Hindi mapakali sina Elder Shen at Elder Tong sa huling pangungusap ni Elder Xi.

Nagmamadaling pumalatak si Elder Shen, "Elder Xi, hindi mo pwedeng basta na lamang kami akusahan ng isang bagay na kasing seryoso tulad niyan. Kailan ba namin ipinahiya o pinagtangkaang patayin ang mga tao ninyo?

"Elder Xi, ang ganitong klase ng akusasyon ay hindi maaaring sabihin ng basta-basta! Kailangan mong panindigan ito!" Balik din ni Elder Tong.

Gusto ding sumabat ni Tong Yan pero pinigilan siya ni Shen Ru. Hinudyatan siya nito na itikom ang kanyang bibig. Hindi ito ang tamang oras o lugar para magsalita siya. Ang mga salita niya ay lalo lamang magpapalala sa sitwasyon at lalong magagalit ang Xi family sa kaysa dati.

Kailangang iwanan nila ito sa dalawang nakakatanda at ang kailangan nilang gawin ay magtiyaga ng paghihintay at manahimik na hintayin ang resulta.

Naiintindihan ni Tong Yan ang hudyat ng kanyang ina ngunit ang ngitngit niya ay hindi niya mapigilan. Gayunpaman, may sapat naman siyang talino na alam kung kailan mananahimik.

Nakatingin si Xinghe sa palitan nila gamit ang kanyang malilinaw na pares ng mga mata at isang malamig na kislap ang sandaling nakita sa kanyang mga mata. Sa tingin ba ninyo ay ang hindi pagkibo ay makakaresolba ng problema ninyo? Imposible!

Ipinagpatuloy ni Elder Xi ang kanyang berbal na pagsalakay. "Panindigan ang mga salita ko? Sa tingin ba ninyong dalawa ay puro kalokohan lamang ang pinagsasasabi ko?!"

Galit niyang dinuro si Tong Yan at sinabi, "Ipinadukot niya ang aking grand daughter-in-law at sinelyuhan siya sa loob ng isang basement at iniwanan siya para mamatay doon. Kung hindi ito tangkang pagpatay sa buhay ni Xinghe, ano ang tawag mo doon? Kung hindi dahil sa aking apo, na nagpakahirap para lamang mapwersa siyang ibigay ang lokasyon ni Xinghe, ang malupit na babaeng iyan ay ginutom hanggang sa mamatay si Xinghe! Ang basement ay selyado ng lubusan at sino ang makakapagsabi kung gaano katagal makakaligtas doon ang aking grand daughter-in-law? Isa itong malisyosong pagtatangka sa buhay niya at kayong dalawa ay nangangahas na sabihin sa akin na isa lamang itong biro? Nagbibiro ba kayo! Kung ganoon nga, siguro ay uutusan ko ang mga tauhan ko na dukutin din ang babaeng ito, iselyado siya sa isang tagong lugar at matapos ay pupunta ako sa inyo at sasabihin sa inyo, isa lamang itong biro! Huwag ninyong isipin na tanging ang inyong Tong family at Shen family lamang ang may kakayahang gumawa niyan! Ang Xi family ko ay may kakayahan ding gawin ang biro na tulad din nito! Kung hindi kayo naniniwala sa akin, maaari na kayong maghintay na makita ito!"

At doon, sumeryoso ang mga mukha nina Elder Tong at Elder Shen. Inisip nila na maaari nilang malusutan ang lahat ng mga ito gamit ang ilang mabulaklak na salita, pero hindi ganoon kadaling lokohin ang Xi family.

Inilatag pa ni Elder Xi ang buong pangyayari ng hayagan kaya naman ang plano nila ay pumalpak din.

Dahil sa nagdesisyon ang Xi family na makita ang mga aksiyon ni Tong Yan bilang pagtangkang pagpatay na may malisyosong intensiyon na kumitil ng buhay, hindi nila ito papalampasin ng ganoon kadali. Hindi na nila maipagpapatuloy na sabihin ang ikinilos ni Tong Yan ay isang klase ng pagbibiro na ginawa ng isang bata. Kailangan nilang ipakita ang tunay na sinseridad.

Matapos na makita ang lahat ng ito, napabuntung-hininga si Elder Shen at inanunsiyo, "Fine, kung ganoon ay ano ang iyong maimumungkahi para maayos natin ang bagay na ito? Sabihin mo ang iyong kondisyon, at kung makakaya namin ito, gagawin namin."

Narinig ni Elder Tong ang sinabi ni Elder Shen at naunawaan niya, hindi basta aatras ang Xi family. Kailangan nilang magsakripisyo ng ilang bagay para matapos na ito.

"Elder Xi, kami ng Tong family ay iniaalok din sa inyo ang kaparehong kondisyon. Sabihin ninyo ang inyong gusto para matapos na natin ito."

Umakto si Shen Ru bilang isang mapagmalasakit na ina at nagmakaawa, "Elder Xi, alam kong ang oras na ito ay may ginawang masama si Tong Yan, pero siya ay ang nag-iisang anak ko. Hindi lamang siya ang nag-iisang eredera ng Tong family kundi siya din ang tanging tagapagmana ng aming Shen family. Hindi talga namin makakayang makasira ito sa kanya, kaya sabihin na ninyo sa amin ang inyong kondisyon at tutuparin namin ito hanggang sa pumapayag kayong palampasin siya.:

Umarte naman si Tong Yan at ngumuso na makikitaan ng kalungkutan. "Grandfather Xi, alam ko na po ang kasalanan ko ngayon. Patawarin na po ninyo ako sa pagkakataong ito."

Nagpalit ng taktika si Elder Shen para gumamit ng sentimentalidad.

"Elder Xi, magkaibigan na ang ating mga pamilya ng maraming taon; sa oras na ito, aaminin kong sumobra kami at nasaktan namin ang pamilya mo. Pero alang-alang sa pagkakaibigan natin na tumagal ng maraming taon, maaari bang patawarin na ninyo ang batang ito? Ang aming Shen family at Tong family ay aalalahanin ang kabutihang ito ng habambuhay."