Nahihiyang napayuko si Madam Presidente. Sanay na ang Shen Family na ipagtanggol ang kanilang mga kapamilya sa ginawa nilang kalokohan. Ang kanyang ama ang pinakamalala dito, gagawin nito ang lahat para protektahan ang mahahalaga sa kanya. Si Tong Yan ang nag-iisa niyang apong babae, isasakripisyo nito ang buhay niya para pagtakpan ito.
Ito ang dahilan kung bakit nakakagawa ng mga karumal-dumal na krimen ng walang takot si Tong Yan.
Nag-aalala si Madam Presidente na ang Shen family at Tong family ay makikipagtalo sa Xi family dahil sa krimen ni Tong Yan at lumaki pa ito ng husto. Ang kanyang asawa ay maiipit sa nag-uumpugang bato.
Maaaring siya nga ang presidente, pero siya din ang tagapamagitan ng maraming pwersa kung hindi ay mauuwi sa kaguluhan ang buong bansa. Gayunpaman, lumalaban pa din siya sa sakit na ito; hindi niya gustong masira ang kalusugan nito dahil dito.
Naiintindihan ng presidente ang kanyang pag-aalala. Inalo siya nito, "Huwag kang mag-alala, tahimik na maaayos ito, at kahit na hindi, hindi ito ang papatay sa akin."
"Huwag kang magsalita ng ganyan," sinaway siya ni Madam Presidente ng nakasimangot. "Magiging maayos ka. Pagkatapos na mabuo ni Lu Qi ang mekanikal na puso, gagaling na ang sakit mo."
Natawa ang presidente. "Hihintayin ko na dumating ang araw na iyon. Naniniwala ako na magiging ayos lamang ako, kaya huwag ka nang masyadong mag-alala. Hanggang buhay pa ako, hindi sila mangangahas na may gawing kakaiba."
"Paano kung tumanggi ang Xi Family na umatras?"
"Ang pruweba ng krimen ni Xi Mubai ay nasa atin pa din, kaya naman hahayaan nating isipin nila ito ng sarili nila. Makikialam tayo kapag kinakailangan. Ang totoo, lahat sila ay may kasalanan, pero ang balanse ng kapangyarihan sa ngayon ay nasa sensitibong panahon, sa sandaling nag-iba ang balanse, isang trahedyang hindi mo maiisip ang maaaring mangyari. Sana lang, maayos nila ito ng sila-sila lamang kung hindi ay ipakukulong na lamang nating silang lahat," sabi ng presidente sa isang malamig na tinig.
Gumaan ang pakiramdan ni Madam Presidente matapos na marinig na sabihin ito ng asawa; alam niyang maaayos ito ng kanyang asawa. Para sa kapakanan ng bansa, marami na itong napagdaanan at isinakripisyo.
Minsan, ang pagbali sa batas ay kinakailangan para sa kapakanan ng buong bansa at ng mga tao nito.
β¦
Dumating si Elder Xi sa City A nang gabing iyon. Personal na nagpunta sina Xinghe at Mubai sa airport para sunduin siya.
Ang pagbabalik niya sa City A ay nagdulot ng sari-saring emosyon na bumangon sa kanya. "Bumalik na naman ako sa lugar na ito. Iniisip ko na hindi ko na makikita pa ang siyudad na ito sa buhay kong muli."
Ngumisi si Mubai. "Lolo, nakabalik ka sa pagkakataong ito para makagawa ng magandang bagay; isa itong matagumpay na pagbabalik para sa iyo."
Tumawa si Elder XI. "Hindi pa iyan sigurado. Wala pang makakapagsabi kung paano ito matatapos."
"Iisang katapusan lamang ang maaaring mangyari," buong tiwalang sambit ni Mubai. "Mananalo tayo, dahil kailangan nating manalo!"
"Tama ka! Kailangan nating manalo!" Ang apoy ay biglang umalab sa likod ng mga mata ni Elder Xi. Ito ang espirito ng Xi family, ang hindi pagsuko.
"Halika na kayo, pumasok na tayo sa kotse. Maaari mong sabihin sa akin ang detalye pagkatapos."
"Okay."
Sinamahan na siya nina Xinghe at Mubai sa kotse at naglakbay na sila patungo sa kanilang Hills Residence. Sa loob ng kotse, isinalaysay ni Mubai ang lahat ng detalye sa kanyang lolo.
Tumango si Elder Xi, nasisiyahan. Bumaling siya kay Xinghe at pinuri ito, "Ang plano mo ay mahusay. Ito ang paraan na dapat nating gawin, ang gamitin ang pwersa ng ibang tao para atakihin ang Lin family. Tama lamang na hindi mahusay ang kalabanin sila ng harapan."
"Kaya naman, Lolo, kakailanganin namin ang tulong mo bukas," sabi ni Mubai na bahagyang nakangiti.
Buong kumpiyansang sumagot si Elder Xi, "Ako na ang bahala. Kilala ko na ang dalawang matandang iyon mula sa Tong family at Shen family ng maraming taon. Nakikita ko na kung ano'ng klase ng plano ang gagamitin nila. Hindi ako papayag na apihin nila ang ating Xi family. Hindi natin ititigil ang insultong ito hanggang sa huli!"