Mahalaga si Elder Xi kung gusto nilang magamit ang Tong family at Shen family na lumaban sa Lin family. Maaaring retirado na nga siya, pero siya pa din ang espiritwal na sentro ng Xi family at ang taong may pinakamalakas na kapangyarihan sa pamilya. Kaya naman, kailangang nandoon siya kapag humarap na laban sa Shen family at Tong family.
Malayo pa lamang ay nakita na ni Xinghe ang pakana ni Shen Ru. Iniisip nito na, kapag nandoon ang mga elder ng Shen family at Tong family, ay mapipilitang sumuko ang Xi family.
Oo, susuko ang Xi family sa bandang huli pero may mga mabibigat na kondisyon ito. Hindi madaling manipulahin si Elder Xi tulad ng kanilang inaakala. Wala silang alam na ang lahat ng kanilang plano ay nasa prediksyon ni Xinghe.
Ang Lin family, na iniisip na ligtas sila sa likod ng napakaraming pader, ay walang ideya na mayroong isang malaking pulang target sa kanilang likuran!
…
Nang gabing iyon, ang lahat ng makakapangyarihang tao sa City A ay nagtipon para pag-usapan ang kasalanan ni Tong Yan; siya ang elemento na nag-ugnay sa lahat ng makakapangyarihang pwersa na magsama-sama dito. Muli ay ipinakita nito ang kanyang katauhan bilang numero unong eredera ng Hwa Xia.
Pinahamak niya ang kanyang sarili at halos lahat ng makakapangyarihang pamilya sa City A ay nagsama-samang kumilos para sagipin siya. Isa itong pribilehiyo na tanging siya lamang ang makakapagtamasa.
Gayunpaman, habang ang lahat ay umiisip ng paraan para iligtas ang kanyang puwit, ay siya naman ang kanyang beauty sleep. Wala man lamang bahid ng pag-aalala sa kanya. Dahil sa, hindi niya ito responsibilidad na mag-alala tungkol sa buhay niya. Ang tanging responsibilidad niya ay ang magsaya sa buhay at hingin ang pagmamahal ng lahat.
Kinabukasan, bantulot na sumunod si Tong Yan sa Shen family at Tong family para makaharap ang Xi family.
Kapag hindi siya nagpunta, hindi iaatras ng Xi family ang kaso at ang reputasyon niya ay masisira. Gayunpaman, ang pinsala ay magiging napakaliit na halos hindi ito mapapansin. Gayunpaman, kahit na sa tingin ni Tong Yan ay maliit na bagay lamang ito, ang pamilya niya ay hindi makapapayag na magkaroon ng kahit anong bahid ng kriminal na kasaysayan na makakasira sa kanyang pangalan.
Maaaring isang brat si Tong Yan sa harap ng iba, pero kasama ang mga nakakatanda sa kanya, paminsan-minsan ay ipinakikita nito ang pagpipigil at respeto, kung kaya naman pinahahalagahan nila ito ng husto. Sa wakas ay pumayag na siya at pumunta doon.
Sa kaparehong panahon, sumumpa siya na kapag nahulog na naman si Xia Xinghe sa kanyang mga kamay, pahihirapan niya ito ng walang awa at walang katapusan!
Inasahan ni Tong Yan na, hangga't humingi siya ng tawad, ang Xi family at si Xinghe ay walang pagpipilian kung hindi matuwa at tanggapin ang paumanhin niya. Hindi lamang iyon, isang karangalan sa mga ito na tanggapin ang paumanhin niya. Gayunpaman, hindi magtatagal at malalaman niya kung gaano siya kawalang-muwang!
…
Sa malaking sala, nagtipun-tipon sina Elder Xi, Elder Tong, Elder Shen, Xinghe, Tong Yan, at Shen Ru.
Matapos ang maiksing kumustahan, agad na pinahingi ni Elder Shen si Tong Yan ng paumanhin kay Xinghe.
"Little Yan, halika na at humingi ng paumanhin kay Miss Xia. Sa pagkakataong ito ay nagkamali ka, kaya huwag ka nang gagawa pa ng kapilyahan sa hinaharap," sabi ni Elder Shen na may halatang intensiyon na pagtakpan si Tong Yan. Pinaliit niya ang isang tangkang pagpatay na maging isang masamang biro, napaka walang-hiya namang talaga.
Pilit na natawa si Elder Xi.
Masunuring lumapit si Tong Yan at ipinakita kay Xinghe ang isang nakangiting mukha. "Miss Xia, kasalanan ko ito sa pagkakataong ito at nangangako ako na isa lamang itong biro, sino ang makakapagsabi na magiging seryoso pala ito? Huwag ka nang magalit at patawarin mo na ako sa ngayon, okay? Sumusumpa ako na hindi ko na ito uulitin, kaya patawarin mo na ako, yeah?"
Ito ang unang beses na humingi ng paumanhin si Tong Yan sa isang tao na punung-puno ng 'sinseridad'.
Nakahinga ng maluwag si Shen Ru at idinagdag pa na, "Tama iyon, Miss Xia, alam na ng aking si Little Yan ang kasalanan niya. Tingnan mo kung paano niya pinagsisisihan iyon, kaya patawarin mo na siya sa ngayon, okay?"
Dumagdag pa sina Elder Tong at Elder Shen para tulungan si Tong Yan. Nabiyayaan silang lahat ng husay sa pakikipag-usap at pagdaldal. Ang sinumang may kahinaan sa utak ay mapapahinuhod sa mga salita nito at tatanggapin ang 'paumanhin' ng ganoon na lamang.