Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 624 - Mabuti na Pwersahin Siyang Magsabi ng Totoo

Chapter 624 - Mabuti na Pwersahin Siyang Magsabi ng Totoo

Maaaring may mataas na posisyon dati si Elder Xi, pero pinili niyang lumayo mula sa City A at ang impluwensiya nito ay bumagsak na. Ganito ang paraan sa mundo; kahit na gaano pa kataas ang iyong katanyagan, sa sandaling lumayo ka mula sa sentro nito, ay makakalimutan ka sa laylayan nito.

Ang Tong family at Shen family, sa kabilang banda, ay nanatili sa City A. Ang kanilang mga apo ay lumaki at nagkaugat na sa City A, kaya naman lalong lumaki ang kanilang impluwensiya kaysa dati.

Sa madaling salita, hindi na karapat-dapat na katunggali ang Xi family. Ang totoo niyan, ang Xi family ay bumaba na sa kanilang paningin. Kaya naman, ngayong parehong nandoon ang Shen family at Tong family, kailangang sumunod ng Xi family.

Maliban na lamang kung walang pakialam ang Xi family sa pulitika sa hinaharap o gugustuhin nilang ipagpatuloy ang kanilang pagbagsak, alam na nila kung ano ang gagawin.

Agad na nabasa ni Madam Presidente ang mga iniisip ni Shen Ru.

Dahil sa napansin niya ang mayabang na ngisi ni Shen Ru, pinaalalahanan niya ito, "Huwag mo itong maliitin. Kahit na ano pa ang mangyari, kailangang taos at sinsero ang pagpunta at paghingi ninyo ng tawad bukas dahil nakadepende ito sa inyong sinseridad kung ipagpapatuloy nila ito o hindi."

Ang kanyang payo ay tumagos lamang sa kabilang tainga, tumango si Shen Ru ng walang pakialam. "Sis, huwag kang mag-alala, alam ko na ang gagawin ko."

Kahit pa, may isandaang porsyento siyang tiwala na mapapasunod niya sa kagustuhan niya ang Xi family. Nagsimula na siyang yumabang.

Pero si Madam Presidente ay mabait na pinapayuhan pa din siya. "Oo nga pala, nalaman mo na ba kung sino ang taong nag-impluwensiya kay Little Yan na puntiryahin si Xinghe?"

Napakunut-noo sa pagtataka si Shen Ru. "Walang ganoong indibidwal. Sumumpa si Little Yan sa kanyang buhay na sariling kusa niya na nagdesisyon siyang turuan ng leksiyon ang babaeng iyon dahil hindi niya matagalan ang mukha ng babaeng iyon."

"Ang patayin ang sinuman ay pagtuturo sa kanila ng leksiyon?!" Sa wakas ay napatid na ang pasensiya ni Madam Presidente. "Kailangan mo siyang pwersahing magsabi ng totoo kung hindi ay mauulit na naman ito."

"Sige, naiintindihan ko." Masunuring tumango si Shen Ru. Umaasa si Madam Presidente na nagawa niyang makonsensiya ang kanyang kapatid.

Matapos umalis ni Shen Ru, nagpunta sa kwarto si Madam Presidente para kumustahin ang kanyang asawa. Ang pisikal na kondisyon ito ay patuloy na lumalala.

Kahit na ginagawa na ni Lu Qi ang lahat ng makakaya niya para mapanatili ang kondisyon nito, hindi nito mapipigilan na lumala ang sakit.

Gayunpaman, pinananatili ng presidente ang kanyang positibong pananaw, hindi na siya natatakot sa kamatayan hindi katulad ng dati.

Nang pumasok na si Madam Presidente, nagtatrabaho pa din siya. Habang nakasandal sa ulunan ng kama, nagbabasa siya ng ilang dokumento.

Bahagyang nagreklamo si Madam Presidente nang makita ito. "Bakit gising ka pa at nagtatrabaho? Dapat ay nagpapahinga ka na."

Sumagot ang presidente ng may malakas na tawa. "Sana ay pwede, pero hindi ako makapagpahinga agad kapag alam kong may trabaho ako na kailangang tapusin. Hindi ako kumportable kapag pinagpapahinga lamang ako."

"Hindi iyan palusot," sabi ni Madam Presidente habang bumaling ito sa sekretarya. "Kuhanin na ninyo palayo ang mga dokumento. Sa susunod, dapat ay sundin na ninyo ang kautusan ng doktor at huwag nang hayaan pang magtrabaho ang presidente ng higit pa sa anim na oras kada araw."

Ang sekretarya na nakatayo sa tabi ng kama ay tumango. "Opo, Madam."

Matapos nito ay kumilos na ito para kunin palayo ang mga dokumento. Gusto siyang pigilan ng presidente, pero nang makita nito ang seryosong hitsura ng kanyang asawa, ay pinigilan niya ang sarili.

"Kumusta ang lahat kay Tong Yan?" Dahil hindi naman siya maaaring maging abala sa trabaho, nagpasya ang presidente na baguhin ang paksa. Naupo sa kanyang tabi ang Madam Presidente at sinabi sa kanya ang lahat sa isang tono na walang bahid ng pag-asa.

"Sana, hindi na ituloy pa ito ng Xi family, pero kung gawin nga nila, wala nang makakapagtakip pa para kay Little Yan." Napabuntung-hininga ang Madam Presidente.

Bahagyang tumango ang presidente. "Nararapat sa kanya na maparusahan dahil may ginawa naman siyang ilegal."

"Alam ko, pero…" hindi na natapos pa ni Madam Presidente ang kanyang pangungusap pero sa halip ay napabuntung-hininga. Gayunpaman, naunawaan na siya agad ng presidente.

Tinapos ng presidente ang kanyang iniisip.

"Pero, hindi naman ito mapapayagang mangyari ng Shen family at Tong family, tama?"