Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 623 - Si Elder Xi ay Papunta na sa City A

Chapter 623 - Si Elder Xi ay Papunta na sa City A

Agad na nasaktan si Shen Ru. "Pero Sis, wala naman talagang ginawa si Little Yan. Binigyan lamang niya ng leksiyon ang babaeng iyon dahil sa nakakainis nitong presensiya, paano mo nagagawang sisihin si Little Yan? Talaga bang nararapat sa kanila na kimkimin ang maliit na pagkakamaling ito? Halata naman na minamaliit nila ang ating Tong family at Shen family."

Napasimangot si Madam Presidente. "Kahit na sa oras na ito, ayaw mo pa ding makita ang pagkakamali ng anak mo. Dahil sa sobrang pagtatanggol mo dito kaya naman napunta sa ganitong kalagayan si Little Yan. Kung hindi niya ibinigay ang lokasyon ni Xinghe, alam mo ba kung ano ang mangyayari?"

Namatay na sa gutom si Xinghe na nakakulong sa basement at isa itong pinagplanuhang pagpatay dahil ang basement ay sinelyado para mapigilan ang lahat na makita ang kanyang katawan. Hindi naman ito maaaring ipagsawalang-bahala dahil, sa mabuti na lamang, na nasagip sa bandang huli si Xinghe.

Alam ni Shen Ru na ang kapatid niya ay may malambot na puso, kaya naman nagsimula siyang umiyak. "Sis, alam ko na sumosobra na si Little Yan sa pagkakataong ito at talagang nalaman na niya ang kanyang leksiyon. Hindi siya nakakuha ng tulog kagabi at lumakad ng wala man lamang ngiti nitong buong umaga. Alam na talaga niya kung saan siya nagkamali, kaya naman sa tingin ko ay dapat na patawarin na natin siya. Isa pa, bata pa siya, hindi natin dapat na sirain ang buong buhay niya dahil lamang sa isang maliit na pagkakamali…

Tulad ng kanyang inaasahan, lumambot ang pagtrato ng Madam Presidente. "Kung talagang nagsisisi siya sa kanyang kasalanan ay mabuti iyon. Pero, wala akong magagawa kung gustong magsampa ng kaso ng Xi family. Hindi ko lugar na hilingin sa kanilang iatras ito… Sige, tutulungan kitang makausap sila, pero hindi ako makikialam sa usapan. Kung handa silang patawarin si Little Yan, ay nakadepende sa ugali ni Little Yan."

Mabilis na ngumiti si Shen Ru. "Salamat, Sis. Hanapin na natin sila ngayon. Kung hindi ka namin kakampi, nag-aalala na ako sa kung ano ang mangyayari kay Little Yan."

Tumingin si Madam Presidente sa kanyang kapatid at nakaramdam ng paparating na sakit ng ulo. Kahit na sinasabing ang kasalanan ng prinsipe at isang karaniwang tao ay pareho, kapag natuklasan ang kasalanan ng prinsipe, ay mapupunta pa din sa alanganin ang emperador.

Kaya naman, ang tanging magagawa ng Madam Presidente ay maging tulay, pero kung paano ang kalalabasan ng mga bagay sa hinaharap, ay hindi na siya makikialam pa.

Tinawagan ng Madam Presidente si Mubai. Ang kanyang tono ay banayad at ang mga salita niya ay hindi agresibo ngunit kalmado. "Narinig ko na nagpapagaling pa si Xinghe at ang Tong family ay talagang humihingi ng paumanhin tungkol dito. Sa oras na ito ay pagkakamali talaga ito ni Tong Yan, kaya kahit na ano ang mangyari ay dapat na personal siyang humingi ng paumanhin kay Xinghe. Gugustuhin sana ng Tong family na bisitahin din siya, kaya naman gusto kong malaman, kailan ba kayong pupwede na dalawa?"

Siyempre, kailangan siyang pagbigyan ni Mubai. "Dahil ang Tong family ay may intensiyon na humingi ng tawad, ay tatanggapin naman namin ito. Gayunpaman, kaming dalawa ay nagpapagaling pa din, kaya naman kung posible, maaari silang pumunta bukas dahil ang lolo ko ay papunta na din dito sa siyudad."

"Pupunta na din diyan si Elder Xi? Perpekto. Sasabihin ko sa kanila na bumisita bukas."

"Okay."

Ipinagpatuloy pa ng Madam Presidente ang usapan ng kaunti bago nagpaalam at pinutol ang tawag.

"Sis, ano na ang nangyari?" Kinakabahang tanong ni Shen Ru sa kanyang tabi.

Mabagal na nagpaliwanag si Madam Presidente, "Bukas, pupunta si Elder Xi sa City A at makikita mo silang lahat. Gayunpaman, ang susi sa pulong na ito ay ang payapain si Elder Xi, kapag nakuha mo na ang salita niya na hindi na siya maghahabol pa ng tungkol dito ay susundin ng Xi family ang kanyang utos."

Nakakaunawang tumango si Shen Ru, at isang mayabang na ngiti ang gumuhit sa kanyang mukha. "Kung gayon ay alam ko na ang gagawin ko. Naniniwala ako na hindi na ito papalawigin pa ng Xi family."

Ito ay dahil sa nagdesisyon siyang idawit din ang kanyang ama at lolo. Habang kaharap pareho sina Elder Tong at Elder Shen, paanong hindi yuyuko sa kanilang mga kagustuhan ang Xi family?