Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 618 - Nakasisilaw na mga Liwanag

Chapter 618 - Nakasisilaw na mga Liwanag

"Gumugol ng oras na nagtatrabaho ng magkasama?" Ang tono ni Mubai ay bumagsak ng ilang antas.

Hindi makapagsalita si Lu Qi. Ano ang ibig sabihin nito? Nagseselos si Xi Mubai? Talaga bang… kailangan ito?

"Sabihin sa butler na kumuha ng bagong doktor. Doctor Lu, pakiusap ay bumalik ka na sa responsibilidad mo na alagaan ang presidente, ang mga karaniwang tao tulad namin ay hindi mangangahas na pigilan si Doctor Lu mula sa importante niyang responsibilidad." Matapos nito ay itinulak ni Mubai si Xinghe patungo sa mansiyon na hindi man lamang ito binigyan ng pagkakataon na magsalita ng kahit ano.

Hinabol sila ni Lu Qi ng may nasasaktang ekspresyon, "Mubai, ako naman ang nagligtas ng buhay mo, ito ba ang paraan ng pagtrato mo sa nagsagip ng buhay mo?"

Alas, ni hindi man lamang siya hinarap ni Mubai para pansinin siya at si Xinghe ay mabilis na hinila papasok sa bahay.

Malungkot na nagreklamo si Lu Qi sa grupo ni Ali, "Sabihin ninyo sa akin, ano ang nangyayari? Kailangan ba ni Mubai na magselos sa maliit na bagay na ganito? May nakita na ba kayong mas nakakatawa pa dito?"

Sa kanyang pagkainis, lahat ng mga ito ay sabay-sabay na tumango.

"Nakakita na kami."

"Mas masahol pa nga dito!"

"Maliit na bagay lang ang sa iyo."

"Maniwala ka sa akin, hindi mo pa nakikita ang totoong hitsura ng pagseselos ng taong iyon."

Hindi makapagsalita si Lu Qi. Diyos ko, sabihin mo sa akin, nababaliw na ba ako o kung ano ang nangyayari?!

Sa ilalim ng malamig na tingin ni Mubai, mabait pa din si Lu Qi para tingnan ang kanilang mga kondisyon.

"Maayos naman si Miss Xia," magaan na sambit ni Lu Qi, at para mailigtas ang sarili mula sa problema, hindi na siya nangahas pa na direkta itong tawaging Xinghe. "Ikaw, sa kabilang banda, ay hindi dapat nagpakapagod ng husto ngayong kagagaling mo pa lamang; sinasayang mo lamang ang lakas ko sa pagsalba ng buhay mo."

Napakunut-noo si Xinghe. "Seryoso ba ang kanyang kondisyon?"

Sa tabi niya, direktang sinabi ni Mubai na, "Ayos lamang ako."

Malamig na umangil si Lu Qi. "Pinapagod mo ng husto ang katawan mo. Mula sa pagkakataong ito, kailangan mong magpahinga ng maigi para magpagaling. Ang panahon ng pagpapagaling ay kailangang hindi bababa sa dalawang buwan, dahil kung hindi ay hindi ko masisigurado kung gaano ka makakaligtas."

"Mukhang ang kakayahan mo sa panggagamot ay hindi kasing husay tulad ng sinasabi nila kung ganoon," sagot ni Mubai ng may malamig na ngisi. "Mas pamilyar ako sa katawan ko at alam kong hindi ko kailangang magpahinga."

"Makinig ka sa payo ni Lu Qi," putol ni Xinghe at makapangyarihang inanunsiyo. "Mula ngayon, kailangan mong magpahinga ng maigi sa loob ng dalawang buwan. Ang buhay mo ay iniligtas ko, kung hindi mo ito papahalagahan, kung ganoon ay wala na tayong pag-usapan pa."

"Okay—" mabilis na pangako ni Mubai. Niyakap niya ang baiwang nito at masuyong ngumiti. "Makikinig ako sa lahat ng sinabi mo dahil ikaw ang nagligtas ng buhay ko."

Nanlaki ang mga mata ni Lu Qi sa pagkagulat. Pwede bang huwag namang maging halata ang diperensiya ng pagtrato sa kanilang dalawa?

Kahit sina Ali at ang iba pa ay kailangang iiwas ang kanilang mga mata dahil ang patuloy na pagkislap ng romansa ay nakakabulag sa kanilang mga mata. Kahit si Lu Qi ay nagsisimula nang mainis sa patuloy na pagpapakita nito ng lovey-dovey na pagkilos sa harapan ng grupo ng mga walang kasintahan…

Si Xinghe naman ay tila nasosobrahan na sa ugali nito, pero ang mga taon na ginugol niya para sa ispiritwal na pagsasanay ay nakatulong sa kanya para manatili ang isang mukhang walang emosyon.

"Kung gayon ay sabihin mo sa akin ngayon, paano mo ako nahanap?" Binago niya ang paksa ng usapan. Naging seryoso na din si Mubai at sinabi sa kanila kung ano ang nangyari.

Ang mga panga nina Lu Qi at ng iba pa ay halos malaglag sa sahig nang marinig nila ang hayagang pagbabanta niya sa presidente. Pinag-aralan nila ito ng malapitan, sinisigurado na malaman kung nagbibiro lamang siya.

Bahagya siyang pinagalitan ni Xinghe, "Ang ginawa mo ay ilegal."

Ngumiti si Mubai. "Hindi ko na kasalanan kung napakahina nila sa trabaho; ginawa ko ang kailangan kong gawin."

"Pero iyon ang presidente." Napasimangot si Lu Qi. "Mubai, kailangan mong makahanap ng paraan para maresolbahan ito kung hindi ay maaari ka nilang ipaaresto."

"Hindi mangyayari iyon," pagtatapos ni Xinghe sa isang mariing tono.

Related Books

Popular novel hashtag