Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 619 - Tatandaan Ito sa Ngayon

Chapter 619 - Tatandaan Ito sa Ngayon

"Bakit hindi?" Tanong ni Lu Qi.

"Dahil sa oras na ito ay hindi natin hahabulin ang responsibilidad ni Tong Yan," mahinang paliwanag ni Xinghe.

Si Sam ang unang tumutol. "Bakit hindi?! Halos mapatay ka na niya!"

Naintindihan agad ni Lu Qi ang iniisip niya. "Plano mong gamitin ito para mawala ang kasalanan ni Mubai?"

Tumango si Xinghe bago bumaling para makita ang sagot ni Mubai. Ang kanyang mga mata ay maiitim habang nakangisi ito. "Sa tingin mo ba ay kailangan ko pang gumawa ng ganoong bagay para lamang makaligtas sa kriminal na responsibilidad?"

"Alam kong wala kang pakialam sa isang kriminal na kaso." Tumingin si Xinghe sa kanya sa mga mata at nagpatuloy, "Pero, ang tunay na kalaban natin ay ang Lin family; kailangan nating ituon ang ating pansin. Siyempre, hindi ibig sabihin nito ay palalampasin ko si Tong Yan, pero wala tayong oras para pakitunguhan ito sa ngayon. Matapos nating pakitunguhan ang Lin family, marami na tayong oras para ayusin ang mga bagay sa kanya."

Dumilim pa lalo ang mga mata ni Mubai. "Hindi ka ba nakakaramdam ng pagkaapi?"

Tumawa si Xinghe. "Bakit? Malaki ang itinulong sa atin ni Tong Yan. Hindi lamang niya ako sinaktan ngunit inilaglag pa niya ang Lin family. Hindi tanga ang presidente; hindi magtatagal at ang matayog na ambisyon ng Lin family ay mabubunyag."

Sa sandaling mangyari ito, ang mga plano ng Lin family ay masisira. Hindi na sila susuportahan ng presidente at imbes ay hahanap ito ng mga paraan para gipitin sila. Tumalbog pabalik ang plano ng Lin family sa ngayon.

Kung namatay lamang si Xinghe, susunod na dito ang presidente. Pero nakaligtas siya. Ibig sabihin nito ay magiging mahirap ang mga susunod na araw para sa Lin family. Isa pa, dahil may pag-asa na sa paggaling ng presidente, mas lalong kakabahan na ang Lin family. Pinataas nito ang pagkakataon na magkamali sila, tulad ng panahong ito.

Kahit na gaano pa sila kaingat, dudulas din sila, at kapag nangyari iyon, ang kanilang maruming labahin ay mabubunyag din.

Siyempre, pinag-isipan din ito ni Mubai. Masuyo niyang tiningnan si Xinghe at napahanga sa panloob na katatagan nito. Muntikan na siyang mapatay pero may katalasan pa din ito ng isip na makagawa ng isang detalyadong pagsusuri at magplano ng wala man lamang reklamo. Ilang tao sa buong mundo ang makakagawa ng bagay na tulad nito?

Marahil ay maraming lalaki ang hindi gugustuhin ang isang tulad ni Xinghe dahil sa kanyang kakayanang mamuhay ng mag-isa at pag-aatubili na lubusang umasa sa kanyang kaparehang lalaki, pero ito ang nagustuhan sa kanya ni Mubai. Isa pa, ang lakas nito ay nagpapaalala sa kanya ng husto at ito ang dahilan kung bakit gusto niyang pahalagahan ito ng habambuhay.

Kinuha niya ang kamay nito at sumang-ayon. "Sa pagkakataong ito, hahayaan natin si Tong Yan, pero ang insultong ito, ay habambuhay kong maaalala."

Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Ako din."

Hindi siya isang santa. Ang lahat na nangahas na saktan siya ay kailangang maghanda sa kanyang pagganti. Hindi siya makakapayag na hindi mabigyan ng hustisya ang mga nanakit sa kanya!

Ngayon ay naiintindihan na niya kung paano kumikilos ang mundo, ang mas malakas ang may karapatang mabuhay dito. Ang pagiging mabait sa kaaway ay pagiging malupit sa sarili.

Kaya naman, ang ginawang pagkilos na ito ni Tong Yan… tatandaan nila ito sa ngayon pero hindi magtatagal ay pagbabayaran ito ng dalaga nang may karagdagang interes!

Matapos ang usapan, tinulungan ni Xinghe si Mubai pabalik sa silid nito para magpahinga. Mula sa sandaling nagising ito, kumikilos siya gamit ang kanyang lakas lamang. Ngayong nag-alisan na ang lahat, ang kanyang mukha ay kinakitaan na din ng panghihina.

Tinulungan siya ni Xinghe na makainom ng kanyang gamot at inihiga na ito sa kama. "Gusto mo bang tawagin ko si Lu Qi para sa iyo?"

Hinila ni Mubai ang kanyang kamay at nakangiting nagsalita, "Hindi na kailangan, hanggang nandito ka sa aking tabi, kumportable naman ako."

"Okay." Sa kanyang pagkagulat, pumayag si Xinghe. "Hayaan mo muna akong maligo kung ganoon."

"Sasama ako sa iyo," napabulalas si Mubai ng hindi nag-iisip. Matapos nito, nagsimula na itong mamula mula sa biglaang pagkakasabi nito.

Nagtatakang tiningnan siya ni Xinghe. Ang malinaw na mga mata nito ay tila nagsasabi, Sumama sa akin? Gusto mo bang mamatay?