"Nasaan siya?" Malamig na ulit ng Madam Presidente.
Alam ni Shen Ru na nagpunta ito dahil sa isang seryosong bagay. "Sa tingin ko ay tulog siya sa kanyang silid sa itaas."
"Dalhin siya dito sa ibaba!" Utos ni Madam Presidente sa isa sa mga katulong. Siyempre, hindi mangangahas na tumutol ang katulong.
Agad na kinabahan si Shen Ru. "Sis, ano'ng klase ng pagkakamali ba ang ginawa ni Little Yan para magalit ka ng husto? Alam mo naman na napakabata pa niya; natural lamang na makagawa siya ng ilang pagkakamali, kaya hindi ka dapat magsungit sa kanya."
Sinabi ni Madam Presidente ng may halatang pait, "Kapag hindi ko siya sinungitan ngayon, ay wawasakin lamang niya ang kanyang sarili!"
"Bakit?" Napabilis ang tibok ng puso ni Shen Ru, ang kanyang kaba ay lalong tumitindi. Ano'ng klase ng pagkakamali ba ang ginawa ni Little Yan? Mukha itong seryoso.
"Auntie, bakit ka nandito?" Masayang bumaba ng hagdan si Tong Yan habang nagtatakang napatingin sa lalaki na nasa wheelchair. Gayunpaman, nang masalubong niya ang tingin nito na wala man lang init, ay hindi sinasadyang nanginig siya. Ang lalaking iyon ay tila si Xi Mubai; nakita ko na siya sa TV…
Matapos niya itong makilala, isang masamang pangitain ang umusbong sa kanyang puso. Hindi kaya at nabunyag na ang tungkol sa pagdukot?
Nakita siya ng Madam Presidente at galit na nag-utos, "Narito ako para tanungin ka, saan mo dinala si Xinghe? Ibigay mo amin agad ang kanyang lokasyon ngayon."
Talangang nabunyag na nga! Nanginig ng bahagya si Tong Yan bago niya pinakalma ang sarili. Painosente itong kumurap at sinabi, "Auntie, ano ang ibig mong sabihin? Hindi ko maintindihan. Paano ako naging may kinalaman sa pagkawala ni Xia Xinghe?"
"Tumatanggi ka pa ding umamin? Ang security guard na binantaan mo ay umamin na sa lahat; ikaw ang nagpadukot kay Xinghe. Hindi ko inaasahan na may gagawin kang bagay na sobrang katangahan."
"Pagdukot?" Agad na nalukot ang mukha ni Shen Ru. Alam niya na may babaeng nawala, at may kaugnayan ito sa Xi family at ang buong City A ay naghahanap para dito. Hindi niya inaasahan na ang salarin ay ang kanyang sariling anak.
Matapos niyang maunawaan ang kaseryosohan ng sitwasyon, agad niyang tinanong si Tong Yan, "Yan, sabihin mo kay mommy ang totoo, ikaw ba ang nagpadukot sa kanya?"
"Hindi ako iyon!" Galit na sinabi ni Tong Yan na tila nagdaramdam siya. "Bakit ko siya ipadudukot? Hindi talaga ako iyon, Mommy, Auntie, kailangan ninyong maniwala sa akin."
Nakahinga ng maluwag si Shen Ru. "Sis, sabi ni Little Yan ay wala siyang kinalaman dito, kaya sigurado akong inosente siya. Siguro ay may hindi pagkakaunawaan lamang dito."
"Hindi pagkakaunawaan? Bakit naman ipe-frame siya ng security ng presidente?" Hindi naniniwala si Madam Presidente kay TOng Yan; seryoso niyang inutos dito habang pinandidilatan ito, "Little Yan, dapat ay matuto tayong iwasto ang ating pagkakamali. Sabihin mo agad kay Auntie, nasaan si Xinghe? Kapag pinakawalan mo siya ngayon, maisasalba pa ang sitwasyong ito. Kung may masamang mangyayari sa kanya, ay magiging magulo ito para sa iyo din."
Mula sa pagdaramdam, ay nagalit naman si Tong Yan. "Pero hindi talaga ako, bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?"
"Tumatanggi ka pa ding aminin ang pagkakamali mo sa oras na ito?"
Hindi aaminin ni Tong Yan ang kanyang pagkakamali kahit na ano ang mangyari; mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa aminin na siya ang may kasalanan.
"Auntie, ang security guard ay pini-frame ako. Siguro ay nakipagtulungan siya sa kung sino para dukutin si Xinghe at nagdesisyon na ako ang masisi. Gayunpaman, wala akong ginawang bagay na ganito, inosente ako. Auntie, kailangan mong maniwala sa akin."
Umiling ang Madam Presidente sa sobrang pagkabigo. Sumagot siya, "Sa lahat ng pagkakataong ito inisip ko na matigas lang ang ulo mong bata ka, pero ang isipin na may lakas ka ng loob na gumawa ng ilegal na bagay at panay pa ang pagtanggi na aminin ang kasalanan mo. Tong Yan, sa tingin mo ba ay hanggang hindi ka umaamin, wala akong kapangyarihan sa iyong harapan?"