Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 614 - Tatandaan Niya Ang Insultong Ito

Chapter 614 - Tatandaan Niya Ang Insultong Ito

Nagsimula nang kabahan si Tong Yan. Ito ang unang beses na pinagsalitaan siya ng malamig ng kanyang tiyahin. Inisip niya na mamahalin at pahahalagahan siya ng lahat ng habambuhay dahil sa ito ay karapatan niya. Gayunpaman, dahil sa isang Xia Xinghe, ang auntie niya ay bumaliktad sa kanya. Nakaramdam siya ng sobrang galit at tampo.

Hindi na mapigilan pa ang kanyang inis, galit na nagreklamo siya, "Paano ako nagawang tratuhin ni auntie ng ganito? Ano naman kung ako ang nagpadukot sa kanya, isa lang naman siyang bwisit at karaniwang babae; hindi siya maikukumpara sa isang taong importante na tulad ko! Kahit na patayin ko siya, ito ay dahil nararapat sa kanya iyon…"

Biglang nagpakawala ng isang mabilis at marahas na sampal sa mukha nito si Madam Presidente. Natigilan pareho sina Tong Yan at Shen Ru.

"Sis, ano ang ginagawa mo?!" Sigaw ni Shen Ru habang kumikilos ito para protektahan ang anak. Galit siyang nagtanong, "Sinabi na ni Little Yan na hindi siya ang responsable, kaya paanong hindi ka naniniwala sa kanya? Siya ang nag-iisa mong pamangkin; paano mo nagawang pagbuhatan siya ng kamay?"

Tama iyon, saan niya nakuha na gawin ang bagay na iyon?

Ang mga mata ni Tong Yan ay napupuno ng luha at hindi pagka-paniwala. Hindi kailanman pa siya pisikal na napaparusahan sa tanang buhay niya; ni hindi sila nangahas na pagalitan siya ng husto; ang lahat ay nagtatalo para makuha ang kanyang pabor. Gayunpaman, ang tiya niya ay nangahas na sampalin siya. Sa sandaling ito, pakiramdam ni Tong Yan ay gumuho ang kanyang mundo; bigla ay naging kakaiba ito at walang saysay.

Nagsisising pinandilatan siya ng Madam Presidente at sinabi, "Ito ay dahil sa wala ngang nangangahas na turuan siya ng leksiyon kaya siya naging mayabang at wala sa ayos! Security, suriin ang mga gamit niya, ang kanyang telepono at computer, huwag mag-iiwan ng batong hindi nasusuri!"

"Yes, Madam!" Agad na kumilos ang security.

"Sis, ano ang ibig sabihin nito…"

"Tumigil kyo, wala ni isa sa inyo ang may karapatang humawak sa mga gamit ko! Ako ang unang eredera ng Tong family; parurusahan ko ang mangangahas na makialam sa mga gamit ko!" Masungit na babala ni Tong Yan, pero wala itong silbi. Sa normal na pagkakataon, wala sa mga security ang mangangahas na suwayin siya, pero ngayong nandito ang Madam Presidente, ang kanyang mga pagbabanta ay tila hangin, ni hindi makapipinsala.

Hindi nauunawaan ni Tong Yan ang dahilan kung bakit takot sa kanya ang mga tao at kailangang sundin ang bawat hiling niya ay hindi dahil sa kapangyarihan niya kundi sa kanyang background. Gayunpaman, kung ang taong ito ay hindi na niya kakampi, wala na siyang silbi.

Hindi nangahas na tumaggi ang Tong family sa utos ng Madam Presidente. Kahit sina Elder Tong at Old Madam Tong na natutulog na ay lumabas pa para tingnan ang kaguluhan. Agad nilang sinubukan na pigilan ang pagkakagulo, pero wala ding nangyari. Nang malaman nila ang tungkol sa pagkakamaling ginawa ni Tong Yan, maski sila ay hindi makapagsalita sa sobrang pagkagulat.

"Little Yan, madali ay sabihin mo sa amin, nasaan ang babae? Huwag kang mag-alala, hanggang ligtas pa siya, ay ipagtatanggol ka ni Grandpa," mabilis na payo ni Elder Tong. Kahit na sa oras na ito, ay masyado pa din nitong pinoprotektahan ang apo. Mula sa kanyang pananaw, hindi naman ito seryoso. Kung ang tao ay nakitang ligtas sa bandang huli, ay madali nila itong maisasaayos.

Si Mubai, na nakalimutan ng lahat dahil sa kaguluhan, ay napangisi. Ipagtatanggol siya? Walang sinuman ang makakapagtanggol sa babaeng ito.

Kailangan niyang magbayad ng mahal sa pagdukot kay Xinghe!

Maaaring hindi ito ngayon, pero isang araw, ang hustisya ay maihahatol. Ang insultong ito, siya, si Xi Mubai, ay tatandaan ito ng habambuhay.

Nang dahil sa mabait na pakikialam nina Elder Tong at Old Madame Tong, idagdag pa ang tumitindi niyang takot, sa wakas ay isiniwalat na ni Tong Yan ang katotohanan. "Wala naman akong ginawa sa kanya, gusto ko lamang siyang turuan ng leksiyon. Ikinulong ko siya, pero wala talaga akong ginawa sa kanya…"

"Nasaan siya?!" Tanong ng Madam Presidente.

Si Xinghe ay naiwan sa basement ng isang abandonadong villa sa probinsiya.

Related Books

Popular novel hashtag