Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 609 - Pagsugod sa Bahay ng Presidente

Chapter 609 - Pagsugod sa Bahay ng Presidente

"Sana nga…" sa sandaling sinabi ito ni Madam Presidente, ang telepono ng presidente ay tumunog. Iyon ay ang kanyang sekretarya; nandoon pala si Xinghe para makita siya.

Nagulat ang presidente. "Xi Mubai?"

"Opo, at sinabi niya na kapag tumanggi kayong harapin siya, hindi niya masisigurado kung ano ang gagawin niya," kabadong balita ng sekretarya.

Hayagang binabalaan ni Mubai ang presidente; napakatapang naman nito. Kung hindi dahil sa kakaiba nitong katauhan, ay nagtawag na ang sekretarya ng security para dito. Ang presidente ay nakakaunawa na nabigla; nangahas si Xi Mubai na balaan siya…

Gayunpaman, hindi siya nainis, imbes ay iniutos niya na, "Papasukin ninyo siya."

"Okay."

"Sino iyon?" Tanong ni Madam Presidente, at napabuntung-hininga ang presidente.

"Si Xi Mubai mula sa Xi family."

Nagulat ang Madam Presidente. "Gising na siya? Marahil ay narito siya para kay Xinghe."

"Iyon na nga siguro."

Agad na iginiya papasok si Mubai ng secuity. Mag-isa itong pumasok na nakasakay sa wheelchair, na itinutulak papasok ng silid ng security, at sa likuran niya ay may sampu pang mga security guard. Natatakot sila na baka may gawin itong kahangalan.

Hindi natakot si Mubai sa mataas na pagbabantay; ang hitsura nito ay kalmado at ang presensiya ay makapangyarihan.

Napabuntung-hininga ang presidente at ang asawa nito nang makita siya. Ang binatang ito ay may tapang at lakas ng loob na mangahas na sumugod sa bahay ng presidente ng mag-isa.

Kalmado silang binati ni Mubai at sinabi, "I'm sorry, hindi ko intensiyon na mang-istorbo pero nawala ang aking fiancée matapos niyang dumating dito, kaya naman nag-aalala ako."

Tumatango na nakakaunawa ang presidente. "Naiintindihan ko ang damdamin mo, pero hindi ka dapat sumugod dito ng walang imbitasyon. Sa oras na ito, patatawarin kita alang-alang sa dangal ng iyong lolo, pero hindi na dapat itong maulit pa sa hinaharap."

"Huwag kang mag-alala, hanggang ligtas si Xinghe, wala akong gagawin na kahit na ano," pabale-walang sagot ni Mubai.

Nagulat ang presidente at ang asawa nito. Sa madaling salita, kung may masamang mangyari kay Xinghe, ay gagawa ito ng paraan para saktan sila…

"Xi Mubai, naiintindihan mo ba kung sino ang pinagbabantaan mo?" Seryosong tanong ng presidente.

Hindi nagpakita ng anumang senyales ng pagkatakot si Mubai. Ngumisi ito, "Alam ko kung ano ang ginagawa ko, kaya naman, Mr. Presidente, sana ay agad ninyong makita si Xinghe. Isa lamang ang hiling ko: dapat ay makabalik siya ng ligtas."

"Umaasa din kami na ligtas siya," pahinuhod ng Madam Presidente. "Huwag kang mag-alala, sigurado akong mahahanap din siya agad ng pulisya."

"Pero wala pa ding balita kahit na kalahating araw na ang nagdaan," isinatinig ni Mubai ang kanyang hinanakit. "Kaya naman nagpunta na ako dito ng personal, umaasa na marinig ko kung ano talaga ang nangyari."

Naiintindihan ng Madam Presidente ang pananaw nito kaya naman sinabi niya dito ng buong detalye kung ano ang nangyari. Alam niyang may kakaiba at may mali sa security guard nang matapos ito.

Nanlamig ang kanyang mga mata nang sinabi niya, "Pakiusap ay hayaan ninyo akong makita ang security guard na iyon; may ilang katanungan ako para sa kanya."

Nagkatinginan ang presidente at ang asawa niya sa isa't isa bago pumayag sa kahilingan nito. Hindi nagtagal at ang security guard ay dinala na sa silid.

Nagsimula na siyang kabahan nang makita niya ang presidente at ang asawa nito, pero tinatagan niya ang sarili na harapin ang interogasyon. Wala na siyang pagpipilian kundi ang magsinungaling, dahil ang katotohanan ay magdudulot lamang sa kanya ng kamatayan.

Si Mubai, na nakaupo sa wheelchair, ay biglang nagtanong sa nakakakilabot na tinig, "Ikaw ang responsable sa pag-escort kay Xinghe palabas ng bahay ng presidente?"

Related Books

Popular novel hashtag