Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 610 - Asura Mula sa Impiyerno

Chapter 610 - Asura Mula sa Impiyerno

Sinalubong ng security guard ang mga mata nito at wala sa loob na umiwas ulit ng tingin. Isa itong pares ng mga mata na hindi pa niya nakikita dati. Malalamig ito at maitim; pakiramdam ng security ay tumitingin siya sa mga mata ng isang Asura mula sa impiyerno.

Kahit na mahusay ang pagsasanay sa mga security, habang hinaharap ang nakakakilabot na tingin ni Mubai, nagsimula na itong umalumpihit. Gayunpaman, mabilis nitong pinakalma ang sarili.

"Oo," kalmado niyang sagot.

Hindi lumihis ang titig ni Mubai dito at maawtoridad na nagtanong, "Kung gayon ay sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari ng buong detalye, isama mo na din ang iyong alinlangan, huwag kang mag-iiwan ng kahit isang salita."

Sinabi na ng security ang kwento na ito ng maraming beses dati at ngayon ay inulit na naman niya ang kaparehong istorya. "Matapos kong sunduin si Miss Xia mula sa compound, humiling siya na ibang ruta ang gamitin namin. Matapos ang ilang distansiya, sinabi niya na narating na niya ang kanyang destinasyon at gusto niyang bumalik na ako nang nag-iisa. Matapos nito ay lumabas na siya at sumakay sa isa pang kotse."

"Wala kang sinabi sa kanya nang humiling itong lumabs sa gitna ng biyahe?"

"Tinanong ko naman siya kung bakit at sinabi niya na may gagawin siya, at ayos lamang sa kanya na iwanan siya doon."

"So pinayagan mo siyang lumabas."

Kalmadong sumagot ang security," Oo, ipinilit niya na lumabas, kaya naman wala akong magagawa para pigilan siya."

"Isa kang trained elite tama, ano'ng klase ng kotse ba ang sinakyan niya at ano ang plate number ng kotse?"

"Ang kotse ay isang itim na cross-country vehicle, pero hindi ko nagawang makuha ang plaka ng kotse."

"Hindi mo nagawang makuha ang numero ng plaka?" Pang-uuyam ni Mubai.

"Tama iyon," buong kumpiyansa na sagot ng security.

Biglang dumilim ang tingin ni Mubai. "Tatanungin kitang muli, ano ang numero ng plaka ng kotse?"

"Sinabi ko na sa iyo, hindi ko natingnan ng maigi, wala akong ideya."

"Nagsisinungaling ka!" Galit na angil ni Mubai, "Pinagana ni Xinghe ang triangulation app sa kanyang telepono bago siya lumabas ng kotse mo. Gayunpaman, ang signal ay sandali lamang lumabas dahil ang duda ko ay nasira ang telepono niya sa sandaling hinila siya palabas ng sasakyan mo. Sa madaling salita, nagdududa siya sa iyo noong siya ay nasa kotse at pinagana niya ang app. Kailangan ko pa bang ipakita sa iyo ang pruweba?!"

Nagulantang ang security; wala siyang alam tungkol sa triangulation app.

"Tatanungin kitang muli, sino ang dumukot kay Xinghe at sino ang pinayagan mo na dukutin siya palayo?!" Buong galit na tanong ni Mubai, tila isang hayop na handa nang lunukin ang kanyang nasila.

Nagsimula nang lumikot ang mga mata ng security sa kaba pero itinatwa pa din nito ito. "Wala talaga akong ideya sa sinasabi mo, bakit ko naman siya ipapahamak…"

"Kapag nagpatuloy ka pa sa pagsisinungaling, papatayin kita ngayon!" Biglang tumayo si Mubai habang inilalabas nito ang isang baril mula sa waist band ng security na nakatayo sa tabi niya. Nagulat ang lahat ng nasa silid; masyado itong mabilis para sa kanila para magkaroon pa ng oras na kumilos.

Ang security guard na nakuhanan ng sandata ay hindi makapagsalita; ang bilis at reaksiyon nito ay mabilis na mula sa maraming taon ng pagsasanay, pero mas mabilis pa sa kanya si Mubai.

"Protektahan ang presidente at Madam Presidente!"

Agad na bumuo agad ng barikada ang grupo ng mga security guard para palibutan ang dalawang ito.

Inilabas din nila ang kanilang mga baril at itinutok ito kay Mubai. "Ibaba mo ang baril!"

Hindi sila pinansin ni Mubai at napako ang atensiyon niya sa security guard na nasa harapan niya. Ang bariles ng baril ay dumampi sa sentido ng security guard; nakikita niya ang daliri ni Mubai sa gatilyo. Nalito ang security guard; hindi niya inaasahan na may gagawing ganito si Mubai.

Napupuno ng kagustuhang pumatay ang mga mata ni Mubai. "Tatanungin kitang muli, sino ang dumukot sa kanya? Kapag hindi ka pa din sumagot, magpaalam ka na sa buhay mo!"

"Hindi ka makakatakas kung papatay ka sa harapan ng presidente…" babala sa kanya ng security guard nang may nanginginig na boses.

tumawa si Mubai. "Gusto mo bang malaman kung ano ang inihanda ko bago ako pumunta dito?"

Related Books

Popular novel hashtag