Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 602 - Ang Lin Family ay May Problema

Chapter 602 - Ang Lin Family ay May Problema

"Madam, mabuti na naniniwala ka sa akin dahil ang tiwala mo ang tanging kailangan ko."

Agad na naintindihan ni Madam Presidente ang mga katagang hindi na nasabi, bumaling siya at nagsermon sa mga nasa silid, "Mula sa sandaling ito, wala na ang maaaring magduda pa sa kakayahan ni Miss Xinghe. Huwag na ninyong aliwin ang inyong mga sarili sa tsismis na walang basehan; kung may oras kayo na gawin iyon, maaaring gamitin na lamang ninyo ito sa inyong mga pananaliksik."

"Tama si Madam." Ngumiti ang mga napahiyang doktor. "Hindi namin naintindihan si Miss Xia, pero dahil sa kanyang kakayahan, siyempre ay hindi na namin siya pagdududahan sa hinaharap."

"Miss Xia, napatunayan mo na ang sarili mo gamit ang disenyo na ito kaya bakit hindi mo ito ipinakita sa amin mula sa simula? Naiwasan sana natin ang mga hindi na kinakailangang drama pa."

"Tama iyon, Miss Xia, bakit hindi mo agad ipinakita sa amin ang iyong disenyo?"

Hindi na sumagot si Xinghe bagkus ay lumingon para tumingin kay Lin Qian. Ang sagot ay halata naman; kailangan niyang mag-ingat sa Lin family!

Sinalubong ni Lin Qian ang matalim na titig nito at tumibok ng mabilis ang kanyang puso. Nakita na kaya ni Xia Xinghe ang aming mga plano?

Kahit ano pa, kailangan niyang bumalik agad at sabihan ang kanyang lolo dahil sa mga pagbabagong ito. Ang problema ay nagsisimula na para sa Lin family…

Matapos ang nakakagulat na palabas nina Xinghe at Lu Qi, nawala na ang interes ng mga doktor sa kanilang mga gawain; pinalibutan nila ang dalawa, walang humpay na pinag-uusapan ang disenyo ng mga ito. Kahit si Madam Presidente ay nahawa na sa talakayan ng mga ito.

Gayunpaman, kahit na ang teorya at teknik ay hindi na isyu, may mga materyales pa silang kailangang hanapin. Gayunpaman, positibo ang kanilang pananaw na mahahanap na nila ang mga kinakailangan nilang materyales. Gamit ang buong kapangyarihan ng gobyerno, naniniwala sila na hindi magtatagal ay mahahanap din nila ang materyales.

Wala silang alam na ang materyales ay ang pinakamalaking hadlang. Hindi na ibinigay sa kanila nina Xinghe at Lu Qi ang kaalaman maski pa ang ibunyag ang enerhiyang kristal. Kung kailan pinalibutan ng mga tao sina Xinghe at Lu Qi, patalilis na umalis sa silid si Lin Qian.

Matapos niyang umalis, humabol sa kanya si Tong Yan. "Sister Lin Qian, saan ka papunta?"

Humarap sa kanya si Lin Qian at nakita niya ang maputla nitong mukha. "Hindi maganda ang pakiramdam ko kaya kailangan ko munang umuwi sa ngayon."

Inisip ni Tong Yan na malungkot ito dahil sa pakiramdam nito ay nagigipit siya. Inalo niya ito agad, "Sister Lin Qian, huwag ka nang malungkot. Ang Xia Xinghe na iyon ay wala pa ding silbi, ano naman ngayon kung alam niya kung paano gumuhit? Isa pa, sinasadya niya itong gawin dahil itinago niya ang kanyang disenyo sa lahat! Sinadya niyang hindi natin siya maunawaan at ginamit ang pagkakataon na ito para hiyain tayo!"

Masyadong mayabang si Tong Yan na aminin na nagkamali siya, kaya ang kasalanan ay dapat na mapunta sa iba, at ang ibang tao na iyon ay kailangang si Xia Xinghe!

Bahagyang kumislap ang mga mata ni Lin Qian, at galit nitong idinagdag na, "Tama ka, ang babaeng iyon ay isang ahas. Siguro ay ginawa niya ito dahil sa akin, napakamalas naman na ang aming Lin family ay nakuha ang galit ng isang tulad niya."

Mas lalong nagalit si Tong Yan sa mga salita nito.

"Tama iyon, napakasama niyang klase ng tao. Pinatay niya si Sister Lin Yun, sinabotahe si Sister Lin Jing, at ngayon naman ay ikaw ang pinupuntirya niya! No way! Hindi ako papayag na manalo siya!"

"Little Yan, talagang tinatrato mo ako ng husto…" agad na nagbigay ng nagpapasalamat na ngiti si Lin Qian.

Mayabang na ngumisi si Tong Yan. "Natural lamang, dahil magiging magkapamilya na tayo sa hinaharap."

"Kung maririnig iyan ni Lin Xuan, sigurado akong masisiyahan siya ng husto," may pakahulugang sambit ni Lin Qian.

Ang pagbanggit kay Lin Xuan ang nagpabago ng mood ni Tong Yan.

"Sister Lin Qian, gusto kong sumama sa iyo. Ilang araw ko nang hindi nakikita si Brother Lin Xuan."

"Okay, masisiyahan iyon na makita ka…"

Ganoon na lamang at umalis na silang dalawa. Wala ng iba pa maliban kay Xinghe ang nakapansin ng kanilang pag-alis.

Related Books

Popular novel hashtag