Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 603 - Sa Wakas ay Kumilos na Sila

Chapter 603 - Sa Wakas ay Kumilos na Sila

Kumurba ang mga labi ni Xinghe at naging ngiti habang sinusulyapan niya ang pintuan na nilabasan nina Lin Qian at Tong Yan. Lin family, ang galaw ninyo.

Nagulat talaga ang Lin family nang marinig nila ang balita, pero sa harap ni Tong Yan, tinanggap nila ang balita bilang isang magandang sorpresa.

"Sino ang makakaisip na makakagawa sila ng isang nakakahangang disenyo tulad nito? Sa wakas ay may pag-asa na para sa presidente," sabi ni Elder Lin na may malalim na kasiyahan. Mukha siyang isang mabait na nakakatanda, at ito ang impresyon ni Tong Yan sa kanya, isang mabuti at mapagmahal na nakakatanda.

"Grandpa Lin, ang tagumpay nila ay sa teorya pa lamang; ibang isyu naman kung talagang mabubuo nila ang bagay na iyon o hindi." Ngumuso si Tong Yan. "Gayunpaman, mabuti pa din kung mabubuo nila ito dahil maililigtas ang uncle ko. Pero magawa man nito o hindi, nakakairita talaga ang Xia Xinghe na iyon!"

"Ang kalusugan ng presidente ay mas importante kaysa sa personal na alitan," nakakaunawang sabi ni Elder Lin. Sa tabi niya, si Lin Xuan ay malamig na sumabat, "Lolo, kakalimutan na lamang ba natin ang kamatayan ni Xiao Yun at pagkalugi ni Jing Jing?"

"Ano pa ba ang magagawa natin kung ang babae ay may kakayahang iligtas ang presidente?"

Dumilim ang mukha ni Lin Xuan, at bigla itong tumayo para sabihin na, "Magsaya na muna kayo, may gagawin pa pala ako, kaya mauuna na akong umalis."

Dahil sa paalis na ito, wala nang dahilan pa si Tong Yang para manatili.

"Brother Xuan, saan ka pupunta? Hintayin mo ako…" mabilis na tumayo si Tong Yan at mabilis na sinabi sa iba pa, "Grandpa, Uncle Lin, kailangan ko na ding umalis; dadalawin ko na lamang kayo sa iba pang araw."

Tumango si Elder Lin ng may magiliw na ngiti. "Okay, sige, tandaan mong bisitahin kami kapag may oras ka dahil mami-miss ka namin."

"Walang problema!" Agad na nagmamadali si TOng Yan para habulin si Lin Xuan.

Magiliw na nakangiti pa din si Elder Lin habang pinapanood ang papalayong anino ni Tong Yan. Napansin ito ni Lin Kang at nalaman kung ano ang iniisip ng kanyang ama. Sinabi niya kay Lin Qian, "Xiao Qian, bakit hindi mo muna kami iwanan? May kailangan lamang kaming pag-usapan ng iyong lolo."

"Yes, Uncle." Kumilos si Lin Qian para sumunod. Ito ang patakaran sa Lin family; kapag may kailangang pag-usapan ang mga kalalakihan, kailangang umalis ng mga kababaihan. Ang mga babae ay nasa need-to-know na basehan lamang.

Matapos na umalis ng lahat, tanging sina Elder Lin at Lin Kang ang nananatili sa sala.

"Hmm, Kang, sa isang kisapmata, si Little Yan ay malaki na," palatak ni Elder Lin.

Tumango si Lin Kang. "Tama, ilang dekada na ang lumipas. Ama, matagal na tayong naghihintay."

Ang kabaitan ay agad na nawala mula sa mga mata ni Elder Lin. "Matagal na nga tayong naghihintay, sobrang tagal na nasa dulo na ako ng aking pasensiya."

"Ang tagumpay ay halos nasa atin nang mga kamay at ang Xi family ay kailangang lumitaw at sirain ang ating mga plano!" Sabi ni Lin Kang sa pagitan ng nagtatangis na ngipin. "At ang p*ta na iyon, kung alam lamang natin na magiging isa itong balakid, dapat ay ipinapatay na natin siya sa simula pa lamang!"

Madilim na humagikgik si Elder Lin. "Huwag kang mag-alala, ang kamatayan niya ay sigurado na, pero hindi pa ngayon ang oras…"

"Ama, kung hindi ngayon, kailan? Para sa kapakanan ng plano na ito, marami na tayong isinakripisyo! Si Xiao Yun, si Jing Jing ay naisakripisyo na. Ang babaeng iyon ay napakarami nang sinira sa mga plano natin! Kaya naman kailangan na siyang mawala! Hindi na natin dapat hayaan na makumpleto pa nila ang pananaliksik sa mekanikal na puso."

Sinabi ni Elder Lin ng may kapangyarihan na, "Sa tingin mo ba ay hindi ko alam iyan? Kailangang mawala ng mga taong ito, pero hindi gamit ang ating mga kamay."

Nagulat si Lin Kang. "Ama, ano ang ibig mong sabihin diyan?"

Related Books

Popular novel hashtag