Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 600 - Imposibleng Disenyo

Chapter 600 - Imposibleng Disenyo

Ano?! Ang lahat ay natigilan nang ang mga salitang 'mekanikal na puso' ay naanunsiyo. Ano ba sa mundong ito ang bagay na ito?

Mabagal na nagpaliwanag si Xinghe, "Ang mekanikal na puso ay isang mahusay na disenyo ni Doctro Lu Qi; ang pinakalayunin nito ay ang palitan ang tungkulin ng puso ng tao. At ito ang computer-generated prototype na ginawa ko gamit ang ideya at disenyo ni Doctor Lu."

Pumindot muli si Xinghe sa remote at nagbago ang nasa screen. Isa itong mekanikal na puso kung saan makikita nila ang panloob na istruktura nito. Ang puso ay inilagay sa katawan ng tao at tumitibok tulad ng isang tunay na puso. Sa bawat oras na gawin nito, ang puso ay magbobomba ng dugo sa katawan ng tao. Ipinapakita ng screen kung gaano kadetalyado ang talagang paggalaw nito.

Ang lahat ng naroroon ay umabot hanggang sahig ang panga nang makita nila ang kahanga-hangang medical engineering na ito, lalung-lalo na ang mga doktor!

Ito ay dahil naiintindihan na nila ang hirap ng trabaho na napunta sa bagay na ito. Ang mga tagalabas ay hindi maiintindihan ito, pero alam nila kung gaano kahirap makagawa ng isang bagay na tulad nito.

Hindi sa disenyo ang bago pero ang mga teknikal na kahirapang nahaharap ng disenyo ay hindi isang bagay na maaaring maresolba ng isang magdamagan lamang. Ang karamihan sa mga hadlang ay hindi mareresolba kahit na daang taon pa ang lumipas. Isa pa, ang mekanikal na puso ay malaki kumpara sa ibang laman-loob ng tao, kaya naman mataas ang antas ng mga materyales. Sa bandang huli, isa itong imposibleng disenyo!

"At ang disenyong ito, ay nakumpleto na namin ni Doctor Lu." Ang boses ni Xinghe ay biglang umalingawngaw sa buong silid at sa pandinig ng lahat.

Isang doktor ang napasinghap sa pagkagulat. "Imposible iyan!"

Ang iba pang doktor ay dumagdag din.

"Ito ay imposible; paanong nagawa ninyong dalawa ang isang bagay na imposible?"

"Tama iyon, walang makakagawa ng isang bagay na may kumplikadong disenyo tulad nito!"

"Xia Xinghe, tumigil ka sa panloloko sa amin gamit ang computer model na ito," galit na sigaw ni Lin Qian. Gayunpaman, sa ibang kadahilanan, bigla siyang nakaramdam ng kaba sa kanyang puso. Pakiramdam niya ay hindi nagsisinungaling ang babae…

Gayunpaman, kailangan niyang kumbinsihin ang iba at ang sarili na si Xinghe ay nagsisinungaling sa kanilang harapan.

Ang Madam Presidente naman ay nasasabik. Napakaganda naman kung totoo nga ito!

Inasahan na ito ni Xinghe at mahina niyang sinabi, "Makakapagdesisyo ka para sa sarili mo kung totoo man ito o hindi matapos ninyong marinig ang paliwanag ni Doctor Lu. Naniniwala ako sa teorya at aplikasyon ng mekanikal na puso; dahan-dahan itong ipapaliwanag sa inyong lahat ni Doctor Lu.

Matapos nito ay bumaling siya para bigyan ng tingin si Lu Qi. Tinanggap naman ni Lu Qi ang remote at nagsimula na sa kanyang detalyadong paliwanag.

Ang computer-generated prototype ni Xinghe ay perpekto; mahusay ang pagkakadisenyo nito hanggang sa pinakamaliit na detalye.

Ang prototype ay mapapaghiwa-hiwalay sa maliliit na piraso o bahagi nang pumunta na si Lu Qi para ipaliwanag ang aplikasyon ng teorya sa isang partikular na bahagi. Mas napadali nito ang pagkakaunawa ng mga tao sa silid tungkol sa proyektong ito. Ipinagpatuloy ni Lu Qi ang paliwanag niya sa bawat bahagi…

Ang silid ay napakatahimik na maririnig ng isa kung may nalaglag na aspile. Ang lahat ay nakatitig ng diretso sa screen, ang kanilang mga tainga ay nakabukas na maigi. Ang mga doktor ay hindi nangangahas na ialis ang kanilang atensiyon mula sa presentasyon, natatakot sila na may malaktawan sila. Ang disenyong ito ay masyadong nakakabilib at bago!

Ang mga teoryang sumusuporta ni Lu Qi ay eksakto at kumplikado, isang himala sa medisina. Tulad ng isang bagong panganak, buong atensiyon silang nakikinig dito, tinatanggap at pinakikinggan ang lahat ng kanyang kaalaman...

Related Books

Popular novel hashtag