Chapter 601 - Alikabok!

Kahit sina Lin Qian at Tong Yan ay hindi makapagsalita. Maaaring hindi nga doktor si Tong Yan, pero alam niya ang halaga ng disenyo at nagmula ito sa mga kamay nina Xinghe at Lu Qi!

Ang mukha ni Tong Yan ay kasing itim ng kay Lin Qian dahil alam niyang ang pananampal sa kanya ay palapit na. Ito ang unang pagkakataon sa buhay niya na nakaranas ng ganitong kahihiyan sa buhay niya.

Pinandilatan niya si Xinghe ng may galit at pagkapahiya. Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Tong Yan ay tinatawanan siya sa loob ni Xinghe kahit na walang pakialam si Xinghe sa presensiya nito. Mas lalo pa siyang nagalit dahil dito.

Kaiba sa kanya, ang mga mata ni Lin Qian ay kumislap ng may kadiliman. Matapos na magpaliwanag ni Lu Qi, nanatiling tahimik ang buong silid.

Ngumiti siya. "Iyan ang basehan ng teorya sa likod ng aming disenyo, may mga katanungan ba?"

"Disenyo mo ba talaga ito?" May isang nauutal na nagtanong.

Mariing tumango si Lu Qi. "Oo, kami ni Miss Xia ang magkasamang nagdisenyo nito."

"...". Kabaliwan ito, paano naging posible na nakagawa sila ng isang bagay na kasing imposible tulad nito?!

"Pero magagawa ba ninyo ito sa totohanan? Ang disenyong ito ay mukhang ayos pero ang paggawa nito ay imposible!" Masungit na sigaw ng isang doktor.

Tila ba na kailang ipakita na hindi sila nalalayo kay Lu Qi, sumunod ang iba pa. "Tama iyon, kung teorya ang pag-uusapan ay maaaring isa itong tagumpay pero ang paggawa nito ay magiging imposible; ang teknika ay masyadong mahirap at may kakulangan sa mga kinakailangang materyales."

"Oo nga, kayong dalawa ay hindi kailanman malalampasan ang dalawang problemang ito!"

Sa mas lalo nilang pagsigaw, mas kumpiyansa na sila sa kanilang mga sarili. Napabuntung-hininga na nakahinga sila ng maluwag dahil napatunayan nito na hindi sila kahina tulad ng kanilang inisip. Natapos lamang ni Lu Qi ang disenyo at ang paggawa nito ay panibagong isyu, kaya naman ang antas nila ay hindi nalalayo mula kay Lu Qi.

Kahit sina Lin Qian at Tong Yan ay pinakawalan ang kanilang hininga na pinipigil nila. Kung kailan naman nagsisimula nang magpakita ang mayayabang na ngisi sa kanilang mga mukha, ang kanilang pag-asa ay napulbos!

"Sino ang nagsabi na ang teknika ay magiging isyu?" Buong kumpiyansang nakangiti ito. "Tungkol dito, wala nang kailangan pang ipag-alala dahil si Miss Xia ang pinakamahusay sa larangang ito. Kung hindi namin malalampasan ang mga teknikal na hadlang, hindi kami makakagawa ng ganitong disenyo. Ang prototype na nakikita ninyo sa screen ay gawang lahat ni Miss Xia. Bilang isang doktor, ang tanging maibibigay ko sa kanya ay ang kaalamang medikal; sa teknikal na aspeto, siya ang hindi maikakailang eksperto."

Kaya naman, ang pisika, matematika, at electrical circuit na isyu ay naresolbahang lahat ni Xinghe!

Ang mga tao sa silid ay nagulantang na naman. Lahat sila ay tumitig kay Xinghe na tila isa itong halimaw. Ang babaeng inaakala nila na walang kwentang Mr. Nan Gua ay isang henyo? Napakabata pa niya at isa siyang babae, kaya paano na napakahusay nito sa trabaho?

Imposible…

Tila nababasa ang kanilang mga isip, kalmadong nagsalita si Xinghe, "Kung may mga katanungan kayo, maari na kayong magtanong sa akin ng kahit anong oras."

Hindi siya natatakot sa kanilang mga tanong o pagsubok dahil siya naman talaga ang may gawa nito!

"Xinghe," hinablot ni Madam Presidente ang kanyang mga kamay at sinabi sa naluluhang mga mata, "Hindi ko alam na napakahusay mo sa iyong ginagawa, kaya naman pala hindi na nakakapagtaka na gusto ni Lu Qi na pumunta ka para tulungan siya. Ngayon ay talagang napahanga mo na ako ng husto."

Mas naging mabait na sa kanya ang Madam Presidente.

Sa ibang tao, ang sampal sa kanilang mga mukha ay masakit na masakit.

Gayunpaman, pinanatili ni Xinghe ang kanyang dati ay walang pakialam na hitsura.

Related Books

Popular novel hashtag