Ngumiti si Lin Qian habang pinapanood nilang naglalakad palayo si Tong Yan. Xia Xinghe, makikita natin kung matatagalan mo ang bagyong ito. Sinabi mo na hindi ako ang makakagawa ng desisyon na makakapagpaalis sa iyo, well, nakakita ako ng isang taong magagawang paalisin ka!
Baog ang Madam Presidente, kaya naman hinahayaan niyang nasa paligid niya palagi si Tong Yan, kaya naman sa isang banda, si Tong Yan ay makapangyarihan bilang anak ng presidente. Ang Shen family, kung saan nagmula si Tong Yan, ay isa sa mga founding fathers, kaya naman ang kapangyarihan niya ay hindi masusukat.
Sa panahong ito, natapakan ni Xinghe ang mga paa ni Tong Yan kaya naman siguradong isang trahedya ang mapupunta sa kanya. Ang isang eredera na tulad ni Tong Yan na pinalaki sa luho ay hindi matatagalan ang mga taong hindi yumuyuko sa kanilang harapan. Pinagpala sila mula pagkapanganak, hanggang wala silang ginagawang seryoso, ang lahat ay palalampasin ang kanilang ginawa.
Isang bagay lamang para kay XInghe na panatilihin ang kanyang kahambugan sa City T pero sa City A kung saan ang mga naghahari ay lumiligid sa mga social circle, ang isang maliit na pagkakamali at ang buhay niya ay maaaring matapos!
Ang Tong Yan na ito ay siguradong may kapangyarihan para tapusin ang buhay ni Xinghe kung gugustuhin niya. Isa pa, malapit siya sa Lin family at may matagal ng pagtingin kay Lin Xuan. Kaya naman, hindi maganda ang mga pangyayaring ito para kay Xinghe.
Masayang naghihintay si Lin Qian ng balita tungkol sa pagpapalayas kay Xinghe. Hindi naman siya binigo ni Tong Yan at nagmamadali itong pumunta sa Madam Presidente para magreklamo.
"Auntie, ang babaeng iyon ay wala namang sinabi at isa pang tanga, paano ninyo hinahayaang naririto siya para pagalingin si uncle? Ang pisikal na kondisyon ni Uncle ay importante; hindi maaaring magkaroon ng kahit na anong pagkakamali. Ang babaeng iyon ay walang alam tungkol sa medisina, kaya naman siguradong may maitim itong layunin kung bakit matigas itong nananatili dito!" Hinila ni Tong Yan ang siko ng Madam Presidente at nagreklamo na tila isa itong batang babae.
Mabait na nakinig sa kanya ang Madam Presidente, "Alam ko na wala siyang alam sa medisina; sinabi na ito sa akin dati pa ni Lu Qi bago niya hiniling na pumunta ito dito. Kaya, huwag kang mag-alala, magiging ayos lamang siya."
Napakunut-noo si Tong Yan. "Dahil wala naman siyang alam sa medisina, bakit pumayag pa kayo para dumito siya? Ano ba ang magagawa niya?"
"Bakit kailangan mo pa bang alamin ito? Usapang matatanda na ito; hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol dito." Halatang ayaw nang pag-usapan pa ito ng Madam Presidente. Gayunpaman, si Tong Yan ay halatang hindi nasiyahan.
Hayagan niyang sinabi na, "Auntie, ayoko sa kanya, kaya kailangan mo siyang palayasin. Sinaktan niya si Sister Lin Jing at responsable siya sa kamatayan ni Sister Lin Yun. Isa pa, sinabi mo na hindi siya doktor, kaya naman siguradong hindi siya mabuting tao. Auntie, kailangan mo siyang paalisin; hindi natin dapat na hayaang manakit siya ng iba."
Dahil sa pagpapalaki sa kanya ng Madam Presidente ay naging matigas ang ulo ni Tong Yan dahil, kahit ano pa ang kanyang hilingin, ay madalas siyang pagbigyan ng Madam Presidente hanggang nasa katanggap-tanggap na katwiran pa ito.
Kaya naman, ang inisip niya ay kapag hayagan niyang sinabi ang gusto niya, ay pagbibigyan siya ng kanyang auntie tulad ng dati, dahil, ito ay palalayasin lamang ang isang karaniwang babae.
Sa kanyang pagkagulat at pagkainis, tinanggihan ng Madam Presidente ang kanyang hiling!
"Little Yan, mayroong dahilan kung bakit pumayag ako na manatili siya dito. Alam ko kung mabuti siyang tao o hindi, kaya huwag mo nang alalahanin pa sa iyong maliit na ulo ang isang bagay na tulad noon. Oo nga pala, matagal mo nang hindi binisita ang iyong auntie; sabihin mo sa akin kung anu-ano ang mga pinagkakaabalahan mo…"
Maaaring malayaw si Tong Yan, pero hindi siya tanga. Naiintindihan na niya na sinasadyang ibahin ng kanyang auntie ang paksa.
Siya ang paboritong pamangkin nito, kaya paano nito nagawang tanggihan ang maliit na hiling mula sa kanya? Nagdamdam ng husto si Tong Yan, pero hindi niya ito ipinakita dito.
Sa kaparehong oras na ito, ang pagkasuklam niya kay Xinghe at determinasyon na paalisin ito ay lalo pang sumidhi!