Sa kaparehong sandali na iyon, pumasok si Xighe sa lab at sinabi kay Lu Qi na, "Ang problema ay nandito na."
Si Lu Qi, na nasa kalagitnaan ng pananaliksik, ay nag-aalalang itinaas ang kanyang ulo. "Ano'ng problema? Ano ang ibig mong sabihin?"
Tumingin si Xinghe sa kanya at nagpaliwanag, "Nang papunta ako dito, nakasalubong ko ang isang babae na nagngangalang Tong Yan."
Nakaramdam ng panlalamig si Lu Qi sa kanyang buong katawan nang narinig niya ang pangalang 'Tong Yan'. "Nakasalubong mo si Tong Yan?! Isa siya sa mga makakapangyarihan dito dahil ang nanay niya ay anak ng Shen family; ang tiyahin niya ay ang Madam Presidente at kahit ang Tong family ay hindi maaaring kalabanin. Narinig ko na isa siyang malupit na tao; tinatapakan niya ang lahat sa City A dahil walang nangangahas na gawin siyang kaaway. Ano ang nangyari, nainis mo ba siya?"
Nagsimula nang mag-alala si Lu Qi. Ang kalabanin ang Lin family ay hindi naman seryoso pero ang kalabanin si Tong Yan ay katumbas ng isang hatol ng kamatayan. Maaaring matalino at mataktika si Xinghe, pero ang kanyang family background ay hindi kasing-lakas ng kay Tong Yan.
Nagmamadaling nagtanong si Lu Qi, "Talagang nainis mo siya?"
"Nauna naman niya akong apihin," malamig na sagot ni Xinghe.
Hindi makapagsalita si Lu Qi. Ano ang ibig niyang sabihin dito?
Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay hindi natatakot si Xinghe kay Tong Yan pero imbes ay inisip nito na kasalanan ni Tong Yan ang pagkalaban dito.
"Sabihin mo sa akin ang detalye, ano ba talaga ang nangyari?" Maingat na tanong ni Lu Qi matapos niyang kumalma. Handa siyang tulungan si Xinghe na malampasan ang problemang ito. Kasalanan naman niya kung bakit nandoon si Xinghe, kaya naman pakiramdam niya ay responsibilidad niya ang protektahan ito. Kung may mangyayaring masama dito, sa oras na magising si Mubai, ang unang partido na wawasakin nito ay hindi ang Lin family kung hindi siya!
Siyempre, hindi din niya gugustuhin na may trahedyang mapuntahan din si Xinghe. Masuyong inilahad ni Xinghe sa kanya ang lahat ng nangyari.
Tinanong niya si Lu Qi, "Malapit ba si Tong Yan sa Lin family?'
"Hindi ako sigurado diyan, pero siguradong may ugnayan sila sa isa't isa dahil ang Lin family at Shen family ay magkakaibigan ang pamilya, kaya hindi naman nakakataka kung talagang malapit si Tong Yan sa Lin family. Pero halos lahat ay alam na gusto ni Tong Yan ang third young master ng Lin family. Minsan ay sinabi na nito na, maliban sa kanya, wala nang iba pang babae ang maaaring mapalapit doon."
"Iyon ay si Lin Xuan?" Naiintriang itinaas ni Xinghe ang kanyang kilay.
Tumango si Lu Qi.
Tumawa si XInghe. "Kung ganoon ay pangit ang panlasa ng babae na magkagusto sa isang baliw."
Mukhang may alam na din si Lu Qi tungkol kay Lin Xuan dahil tumango din ito bilang pagsang-ayon.
"Xinghe, ikaw at ang Lin family ay talagang magkaaway na at, dahil gusto ni Tong Yan si Lin Xuan, siguradong tututukan ka nito alang-alang sa kanila."
"Sigurado na iyon." Bahagyang tumango si Xinghe pero ang mukha niya ay walang bahid ng pag-aalala. "Hayaan mong gawin niya ang gusto niya, kapag nakita ko ang pagkakamali niya ay hindi ko padadaliin ang lahat para sa kanya din."
Hindi na maiwasan ni Lu Qi na paalalahanan siya, "Para sabihin sa iyo ang totoo, hanggang hindi ito isang malaking pagkakamali, walang mangangahas na magtaass ng daliri laban sa kanya…"
"Kung ganoon, dapat ay magdasal na siya ng husto na hindi siya makagawa ng malaking pagkakamali," sagot ni Xinghe na may kibit-balikat. Ano naman ngayon kung si Tong Yan ay isang iniingatang eredera? Kung talagang ginalit niya si Xinghe, gagantihan na niya ito.
Sa mundong ito, mas maraming sinasabi ang gawa kaysa sa salita. Kung mas mahina siya kaysa sa iba, handa siyang sumuko. Gayunpaman, kung mayroong mang-aapi sa kanya dahil lamang sa ipinanganak sila ng may pera at kapangyarihan, dapat ay humanda na silang masampal ang kanilang mga mukha.
…
Tama ang hula ni Xinghe. Nagboluntaryo si Tong Yan na sumali sa medical team bilang assistant ni Lin Qian, pero ang talagang layunin niya ay pahirapan ang buhay ni Xinghe.
Ginagamit niya ang bawat pagkakataon para siraan si XInghe. Tuwing nakikita niya si Xinghe, sisigaw ito ng hayagan at malakas na siya si Mr. Nan Gua, nagsasabi ng mga mapang-aping komento na nagtatago siya ng masasamang balak sa pananatili sa bahay ng presid