"Walang alam sa medisina pero nandito siya?" Bigla ay nainis ang dalaga. Ang tingin niya na natuon kay Xinghe ay biglang naging mabalasik. Nang dumaan si Xinghe sa kanila, pabastos niya itong sinabi, "Tumigil ka diyan!"
Bumabagal hanggang huminto si Xinghe at malamig na tumingin dito.
Nanunuyang pinag-aralan siya ng dalaga at ngumisi. "Normal ang hitsura ng babaeng ito at inakala ko na mayroon kang tatlong ulo at anim na braso."
"..." hindi sumagot si Xinghe at sinulyapan si Lin Qian sa tabi ng babae. Tulad ng inaasahan niya, nakangisi sa kanya si Lin Qian.
"Ikaw si Xia Xinghe?" Mas naging agresibo ang dalaga nang hindi siya sinagot ni Xinghe. "Narinig ko na wala kang alam sa medisina, pero nagawa mong makarating dito; paano mo nagawa ang isang bagay na kasing walang hiya tulad noon?"
Gumatong pa si Lin Qian. "Paano nga ba niya ito magagawa? Nakakita siya ng mabuting lalaki na kakapitan niya."
"Sino ba ang bulag na iyon?" Sumakay ang dalaga.
Umiling si Lin Qian na tila nalulukuban ng kabiguan. "Si Doctor Lu Qi iyon."
"Lu Qi?" Nagulat ang dalaga. "Ang apo ni Lolo Lu?"
"Tama iyon."
Lalo pang nagalit na pinandilatan ng dalaga si Xinghe. Ang impresyon niya kay Lu Qi ay mabutil isa itong masipag at makisig na nakakatandang kapatid. Paano siya nagawang maakit sa isang taong tulad ni Xia Xinghe? Nakakaramdam siya ng galit para dito.
Isa pa, sinaktan ni Xinghe si Lin Jing, ang nakakabatang kapatid ni Lin Xuan. Ang paboritong tao ng babaeng ito sa buong mundo ay si Lin Xuan, kaya naman siguradong tutulungan niyang ligpitin si Xinghe para sa kanila!
"Napakalupit mong mang-aakit ka, inakit mo si Brother Lu para dalhin ka dito. Napaka walanghiya at kapal ng mukha mo; hindi mo ba alam kung nasaan ka?! Hindi ito ang lugar na kung saan ang isang karaniwang tao tulad mo ay makakapasok. Paanong ang isang walang silbing babae na tulad mo ay naririto? Maging matalino ka at iempake mo na ang iyong mga bagahe at lumayas dito. Huwag mo nang ipatawag ko pa ang mga guwardiya!"
"Sino ka ba?" Biglang tanong ni Xinghe. Ang kanyang intensiyon ay malinis; gusto lamang talaga niyang malaman ang katauhan ng dalaga.
Ang mayabang na ngiti ng dalaga ay mas lumawak at ang pangungutya't panghahamak sa kanyang mga mata ay lumalim. "Makinig kang maigi, ako si Tong Yan, ang presidente ay ang aking tiyuhin at ang madam presidente ay ang tiyahin ko. Nagmula ako sa tanyag na Shen family, kaya umalis ka na dito ngayon dahil ako ang may karapatan na magdesisyon kung sino ang mananatili at aalis dito!"
"Ganoon ba?" Maiksing sagot ni Xinghe bago ito naglakad papalayo.
Natigilan si Tong Yan. Naglakad ito palayo ng ganoon na lamang…
P*ta, bingi ba siya? Nangahas siyang balewalain ako?
"Sister Lin Qian, nilampasan lang ba niya ako?" Dinuro si Tong Yan at galit na nagtanong.
Hindi inasahan ni Lin Qian na si Xinghe ay magiging bastos, pero masaya siyang makita ang pangyayaring ito.
Inalo niya si Tong Yan, "Little Yan, huwag kang magalit dahil lamang sa isang babaeng tulad niya, mayabang lang talaga siya kung hindi ay paano niya makukuha ng ganoon kadali ang kumpanya ng iyong Sister Lin Jing?"
"Mayabang?" Dura ni Tong Yan. "Ang isang babaeng tulad niya ay nangangahas na magyabang sa harapan ko? Halika, pumunta tayo para magreklamo sa tiyahin ko; hahayaan nating paalisin niya ang walang hiyang babaeng ito!"
Nahihirapang sinabi ni Lin Qian na, "Sa tingin ko ay hindi ako pupwede, kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Ang katawan ng iyong tiyuhin ay humihina na; kailangan kong dumalo sa pagpupulong kasama ng iba pang doktor."
Sumagot ng nakakaunawa si Tong Yan, "Kung ganoon ay hindi na kita aabalahin pa, ako na lamang ang magpupunta sa aking tiya."
Agad na umalis ito.