Kahit ang isang baliw na siyentipiko ay kinakailangan din palang kumain paminsan-minsan.
Matapos umalis ni Lu Qi, nagsimula nang isaayos ni Xinghe ang kanyang mga gamit. Matapos ang kanyang ritwal sa gabi at naghahanda na siyang magpahinga, mayroong kumatok sa kanyang pintuan. Nalito si Xinghe sa misteryosong kumakatok.
Binuksan niya ang pintuan at ang nakatayo sa labas ay isang matangkad na babae na parehas ng kanyang taas. Maganda siya, pero ang matatalim na titig nito ay nagsasabi ng intensiyon nito.
"Sino ang hinahanap mo?" Mahinang tanong ni Xinghe.
Pinasadahan siya ng tingin ng babae at nagtanong, "Ikaw ba si Xia Xinghe? Ang assistant ni Lu Qi?"
Tumango si XInghe habang nalilito pa din siya tungkol sa katauhan ng babae. May kahawig ito, na tila nakita na niya ito sa kung saan noon.
Malamig na tumawa ang babae nang makita niyang tumango si Xinghe. "Xia Xinghe, sa wakas ay nagkita din tayo. Napakaliit talaga ng mundo na nagawa pa nating magkatagpo sa ganitong pagkakataon."
"Sino ka ba talaga?" Kalmadong tanong ni Xinghe. Hindi siya natinag sa agresibong hitsura ng babae.
Dahil sa nakitang hindi madaling takutin si Xinghe, lumapit ang babae para ibulong sa tainga nito na, "Sino ako? Ako si Lin Yun!"
Nang marinig ni Xinghe ang pangalang 'Lin Yun', nasorpresa nga siya, pero agad siyang nakabawi.
"Mula ka sa Lin family?" Tanong ni Xinghe kahit na ang tanong niya ay nagtutunog pahayag.
Ngumisi ang babae. "Tama iyon, isa akong Lin! Ako ang tunay na kapatid ni Lin Yun, nagulat ka ba?"
"Lin Qian?"
Sarkastikong tumawa si Lin Qian. "Mukhang ginawa mo nga ang iyong takdang-aralin, alam mo kung ano ang pangalan ko."
Kinabisado ni Xinghe ang family tree ng Lin family noong unang dumating sa eksena si Lin Yun. Ang Lin family ay may tatlong anak na babae; ang pinakamatanda ay si Lin Qian, na sinusundan ni Lin Jing, at sa huli ay si Lin Yun. Nakaharap na niya si Lin Yun at Lin Jing kaya ang babaeng sa harapan niya ay siguradong si Lin Qian.
Sa ilalim ng kanyang pag-iimbestiga, alam ni Xinghe na isang doktor si Lin Qian, pero hindi niya inaasahan na makakaharap niya ito dito. Pero, habang iniisip nga niya ito, paano nga naman pala palalampasin ng Lin family ang napakagandang oportunidad na ito para gawin ang kanilang agenda?
Dahil, ang presidente nga pala ay may karapatang magmungkahi kung sino ang kanyang tagapagmana at sa reputasyon ng kasalukuyang presidente, ang papangalanan niyang tagapagmana niya ay magkakaroon ng magandang tsansa na maging presidente. Kaya naman, sisiguraduhin ng Lin Yun na gawin ang lahat para mapalapit sa presidenteng malapit nang mamatay, para bigyan sila ng pinakamainam na pagkakataong manalo.
Maraming kaisipan ang lumitaw sa isip ni Xinghe, pero hindi ito makikita sa kanyang mukha. Ang intensiyon niya ay hindi mabasa, kalmado siyang nagtanong, "Kung ganoon ay sabihin mo na, ano ang layunin ng iyong pagbisita?"
Ngumisi si Lin Qian. "Walang dahilan, gusto ko lamang makita ang pumatay sa kapatid ko. Pero sa tingin ko, wala naman siyang binatbat maliban sa napakaitim na puso niya!"
Nakuha ni Xinghe ang nakakagulat na balita, iniisip ng babaeng ito na sila ang pumatay kay Lin Yun!
"Wala akong kinalaman sa kamatayan ni Lin Yun," malamig na sagot ni Xinghe.
Tulad ng isang walang utak na cannon fodder, malamig na tumawa si Lin Qian habang biglang kinakitaan ito ng pagkasuklam sa mga mata. "Pero namatay siya ng dahil sa iyo. Kung hindi ninyo siya kinaladkad ni Xi Mubai, paano siyang mamamatay? Kayong dalawa ang pumatay sa kanya!"
Agad na dumilim ang tingin ni Xinghe.