Sino ba talaga ang nanakit?!
Hindi naman niya hinahanap ang mga ito para paghigantihan at sila pa ang may lakas ng loob na ibunton ang sisi sa pagsabog sa kanya. Gayunpaman, nalaman din ni Xinghe na walang alam si Lin Qian kung ano talaga ang nangyari. Ang irony ng lahat… ay si Lin Xuan ang pumatay kay Lin Yun, pero ang sarili niyang kapatid ay walang alam sa katotohanan. Mukhang mas masahol pa ang Lin family kaysa iniisip niya.
"Iyon ba ang dahilan kung bakit inisip mo na kami ang pumatay sa kanya?" Tanong ni Xinghe.
"Hindi ba iyon totoo?" Ang pagkasuklam sa mga mata ni Lin Qian ay mas lalong tumindi. "Kung hindi dahil sa inyong dalawa, hindi siya mamamatay! Makinig ka sa akin, ikaw na mamamatay-tao, parurusahan ka ng langin sa walang awang pagpatay mo sa aking kapatid! Isang araw, pagsisisihan mo ang pagpuntirya mo sa Lin family!"
Nakakatawa naman ito, alam ni Xinghe na ang tinutukoy nito ay ang pagiging presidente ni Lin Kang. Alas, hanggang nandirito siya sa paligid, hindi papayag si Xinghe na mangyari iyon.
"Tapos ka na ba?" Sabi ni Xinghe na napabuntung-hininga sa pagod, "Kapag tapos ka na, pakiusap ay ialis mo na ang sarili mo sa harapan ko; iniistorbo mo ang pamamahinga ko."
"Ikaw—" hindi inisip ni Lin Qian na magiging bastos si Xinghe sa kanya, kaya naman sa inis niya sa sandaling iyon, itinaas niya ang kamay para sampalin si Xinghe.
Nahuli ni Xinghe ang kamay niya habang nasa ere pa at mariin itong hinawakan!
Nagulat si Lin Qian sa lakas ni Xinghe; hindi niya masampal si Xinghe kahit na gaano pa niya subukan. "P*ta, pakawalan mo ko!"
Sumunod si Xinghe at pinakawalan ito. Sa pagkabigla sa agad na pagpapakawala sa kanya, napaatras ng ilang hakbang si Lin Qian.
"Dapat ay talagang inaalam mo kung ano ang katotohanan bago ka kumahol sa maling puno." Walang emosyong tumingin sa kanya si Xinghe, ang tono niya ay kasing lamig ng yelo. "Hindi na ako magiging mabait sa susunod. Kung gusto mong mahanap ang pumatay sa kapatid mo, bakit hindi mo tanungin si Lin Xuan?"
Pagkatapos noon ay isinara niya ng malakas ang pintuan sa mukha ni Lin Qian. Ikinagitla ito ni Lin Qian. Ano ang ibig niyang sabihin dito? Sinasabi ba niya sa akin na si Lin Xuan ang pumatay kay Lin Yun? Imposible, ang kapatid kong lalaki ay hindi itataas ang kaniyang daliri laban sa pinakaiingatan niyang nakababatang kapatid. Isa pa, ang walang pusong babaeng ito ay sinira ang buhay ni Lin Jing, kaya naman siguro ay ginagawa niya ito para pag-away-awayin kami!
Sa kahit ano pang kaso, naniniwala si Lin Qian sa katotohanan na sina Xinghe at Mubai ang dahilan ng kamatayan ng kanyang kapatid at pagbabayarin niya ang mga ito dahil doon.
Nagsimula nang tumawa si Lin Qian ng maalala na si Xinghe ay nasa bahay din ng presidente. Xia Xinghe, ngayong tumapak ka na dito sa teritoryo ko, tingnan natin kung hanggang kailan mo mapapanatili iyang mga ngiti mo!
Hindi na kailangan pang sabihin, na tulad ng isang paulit-ulit na eksena, alam ni Xinghe na si Lin Qian ay pupuntiryahin siya. Gayunpaman, hindi siya natatakot dito; ang totoo nga niyan, nag-aalala pa si Xinghe kung hindi siya pupuntiryahin nito!
Nahihirapan siyang makahanap ng dahilan para labanan ang Lin family, ngunit dahil si Lin Qian na mismo ang naghain ng sarili niya bilang pambungad, ay malugod naman itong tinanggap ni Xinghe.
…
Kinabukasan, sumunod si Xinghe kay Lu Qi habang pumunta ito para suriin ang presidente. Tuwing umaga, isang grupo ng mga doktor ang pupunta para tulungan ang presidente sa pisikal na pagsusuri nito para naman malaman nila ang mga kondisyon nito. Hindi na kailangan pang sabihin na isa si Lin Qian sa mga ito.
Ang totoo, mayroon siyang doctorate sa medical science at mahusay sa trabaho. Ang totoo nga niyan, ang lahat ng mga doktor doon ay mga tanyag sa larangan ng medisina; si Xinghe lamang ang namumukod-tanging kakaiba. Alam ng lahat na hindi siya doktor, siya ay ang espesyal na assistant ni Lu Qi.
Matapos ang pisikal na pagsusuri, ang lahat ay umalis na para hindi maistorbo ang pamamahinga ng presidente at trabaho. Bumalik na sila sa medikal na gusali para pag-usapan ang mga kondisyon ng presidente at kung paano ito gagaling. Ang lahat ay ibinigay ang kanilang mga opinyon, muli, si Xinghe ang nag-iisa at bukod sa mga ito.
Bigla, pinandilatan ni Lin Qian si Xinghe at nagtanong, "Doctor Lu, kung hindi mo mamasamain ang pagtatanong ko, bakit ba pinanatili mo pa ang babaeng iyan bilang assistant mo pero mukha namang wala siyang alam?"