Chapter 591 - So What?

Ang magandang atmospera sa silid ay biglang nanigas. Dahil sa mga salita ni Lin Qian, ang lahat ay lumingon para tingnan si Xinghe na nakaupo sa tabi ni Lu Qi. Kahit na biglang natuon sa kanya ang pansin ng lahat, nanatiling kalmado si Xinghe.

Magalang na ngumiti si Lu Qi. "Sino ang nagpakalat ng balita na walang alam si Miss Xia? Siya ay isang taong personal kong hiniling na tulungan niya ako; mahalaga siya sa aking pananaliksik."

"Ganoon ba? Gayunpaman, sa tingin ko ay wala pa din siyang maitutulong sa pagpapagaling sa presidente," ipinagpatuloy ni Lin Qian ang kanyang berbal na pagsalakay. Malinaw na sa mga tao sa silid na sinasadya niya ito. Gayunpaman dahil sa kanyang family background, walang nangahas na ipagtanggol si Xinghe, walang iba maliban kay Lu Qi, na nagmula din sa makapangyarihang pamilya.

"Iyan ay opinyon ni Miss Lin at karapatan mo iyon; hindi kami susunod at yuyuko para lamang ipaliwanag ang mga sarili namin sa iyo."

"Pero lahat tayo ay responsable sa panggagamot sa presidente, kaya bakit hindi ito ipaliwanag sa amin ni Doctor Lu? Kung may maganda kang ideya o plano, dapat ay ibahagi mo ito sa amin. O baka naman natatakot si Doctor Lu na makuha namin ang spotlight mula sa iyo?" Hayagang panunuligsa ni Lin Qian kay Lu Qi.

Bahagyang sumimangot si Lu Qi. Natahimik ang buong silid, at nakakailang ang atmospera. Gayunpaman, masasabi na ipinahayag ni Lin Qian ang iniisip ng lahat.

Biglang inimbitahan si Lu Qi ng Madam Presidente, na siyang may malaking tiwala sa kanya. Isa pa, ang plano nito ay nananatiling lihim sa lahat. Ngayon ay nakakuha pa siya ng isang babaeng hindi doktor para maging assistant nito. Ang totoo nga niyan, ang lahat ay nagtataka kung ano ang gagawin ng mga ito. May pareho silang kaisipan tulad ni Lin Qian, na masyado itong madamot para ibahagi ang credit.

Dahil sa mga sinabi ni Lin Qian, nagkaroon na ng hindi magandang opinyon ang iba tungkol kay Lu Qi.

"Doctor Lu, bakit hindi mo ibahagi sa amin ang mga ideya mo?" Isang senior na doktor ang nagpayo sa kanya, binibigyan siya ng hudyat na ito na lamang ang tanging paraan para maayos ang nakakailang na sitwasyon. Sa totoo lamang, ang pagbabahagi ng ideya niya ay hindi magiging isyu kung wala doon si Lin Qian. Alam niyang ang mga doktor na ito ay hindi bastos para nakawin ang credit at hindi naman niya iniinda kung ibabahagi niya ito sa kanila.

Ginaguwardiyahan niya ang sarili laban sa Lin family. Kung alam nila na mapapagaling niya ang presidente, sino ang makakapagsabi kung ano ang gagawin ng mga ito…

Nagbigay ng mabait na ngiti si Lu Qi. "Wala naman talagang mahusay na ideya, isa lamang itong malabong framework na ginagawa pa din. Kung may mas malinaw na akong larawan, sisiguraduhin kong ibahagi ito sa lahat."

Hindi tumigil si Lin Qian. Ngumisi siya. "Dahil wala namang plano at wala kang ideya kung ano ang ginagawa mo, bakit mo pa inimbitahan ang babaeng iyan? O baka naman isa itong personal na bagay? Kung iyon ang kaso, naiintindihan ko, pero hindi ito isang hotel, Doctor Lu, hindi ba't masyado naman yatang kalabisan para gawin mo ang isang bagay na tulad nito?"

"Miss Lin, mag-iingat ka sa mga salita mo!" Agad na dumilim ang mukha ni Lu Qi. "Lahat tayo ay mga doktor dito, kaunting respeto sa iba ang nararapat na ibigay."

Dahil sa napagalitan, dumilim din ang mukha ni Lin Qian. "Sinasabi ko lamang kung ano ang nakikita ko. Kung may nasabi akong masama, ipakita mo sa akin ang ebidensiya na nagkamali ako."

Walang tuwa na tumawa si Lu Qi. "Mukhang may kinikimkim na sama ng loob si Miss Lin laban sa akin."

Bahagyang ngumiti si Lin Qian. "Hindi ako mangangahas. Iyon lamang ay seryosong bagay ang panggagamot sa presidente, kapag mayroong isang Mr. Nan Gua[1] na nagtatago sa paligid natin, sa tingin ko ay walang makakapagdala ng responsibilidad kung may mangyari."

"Hindi ko naman sinabi na may alam ako sa medisina," biglang sambit ni Xinghe habang tinititigan niya ng matalim si Lin Qian. "Nandito ako sa permiso ni Madam Presidente, kung may isyu ka tungkol doon, maaari mo itong talakayin sa kanya."

Note: Mr. Nan Gua

Sa isang lumang idiom na istorya, si Mr. Nan Gua ay isang karaniwang lalaki na nagkunwaring isa siyang plutista at nakasali siya sa imperyal na banda sa pamamagitan ng pagkukunwari. Kahit na wala siyang kakayahan, tinatamasa niya ang lahat ng benepisyo na ibinibigay sa imperyal na banda.