Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 586 - Perpektong Pagkakataon

Chapter 586 - Perpektong Pagkakataon

"Tama iyon." Ikinagulat din ito ni Lu Qi nang malaman ito. "Hindi ko inisip na kahalintulad ito, ngayon ay talagang maililigtas natin siya."

Direktang nagtanong si Xinghe, "Ang ibig mong sabihin ay gagamitin natin ang mekanikal na puso para iligtas siya?"

"Kung teorya ang pag-uusapan ay oo, pero mayroong ilang isyu."

"Ano'ng klase ng isyu?"

Nagpaliwanag si Lu Qi, "Ang sitwasyon ng presidente ay iba kay Mubai. Ang puso ni Mubai ay napinsala, pero ang presidente ay may mahinang puso. Ito ay dahil sa sakit na ito kaya nangyayari ito, kaya hindi natin maaaring gamitin ang parehong formula."

"Kung ganoon, ano ang magagawa natin?"

Tungkol dito, ay agad na nakakuha ng solusyon si Lu Qi. Ngumiti sya. "Natural, kailangan nating baguhin ang disenyo. Gayunpaman, ang pangunahing bagay ay katulad pa din, sa oras na ito ay kailangan talaga nating gumawa ng 'puso'."

"Sa madaling salita, gagawa tayo ng puso para palitan ang kanyang aktuwal na puso?"

"Kung teorya ang pag-uusapan ay oo, pero, sa kasamaang palad, ay hindi ito ang magliligtas sa kanya ng panghabambuhay, maantala lamang nito ang hindi maiiwasan ng ilan pang taon."

"Sapat na iyon." Nagningning ang mga mata ni Xinghe. "Ang ilan pang taon ay sapat na."

Hahanap sila ng paraan para mapabagsak sa kasalukuyan ang Lin family.

"Kaya naman, kailangan ko ang tulong mo," biglang sambit ni Lu Qi.

Agad na naintindihan ito ni Xinghe at agarang pumayag. "Siyempre. Ipadala mo sa akin ang iyong disenyo kapag handa ka na at bubuuin ko na ito."

"Hindi, gusto kong sumama ka sa akin dito."

Nagulat si Xinghe habang nagpatuloy naman si Lu Qi, "Naniniwala ako na isa itong magandang pagkakataon. Kung makikita ng presidente na nakikipagtulungan ka sa akin na mapagaling ang kanyang karamdaman, makakatulong ito ng husto sa iyo sa hinaharap. Kapag may nangyari sa hinaharap, magiging mabuti siya sa iyo at sa Xi family para nagawa mo sa kanya."

"..." naiintindihan ni Xinghe ang ibig nitong sabihin. Gusto na ibahagi sa kanya ni Lu Qi ang karangalan ng pagsagip sa presidente. Isa itong baraha na mag-aalis sa kanya sa kulungan kung kakailanganin niya ito. Ito nga ay tulad ng sinabi nito, isang magandang pagkakataon. Ang presidente na magkaroon ng pabor mula sa iyo ay talagang may benepisyo, at ayaw ni Lu Qi na hindi niya ito makuha. Naiintindihan ni Xinghe ang bigat ng sitwasyon at, hindi na nag-alinlangan pa, ay tinanggap na niya ito.

"Sige, pupunta na ako! Lu Qi, salamat," seryosong sabi ni Xinghe dito.

Ngumiti si Lu Qi. "Walang anuman. Naging malaki ang pagiging instrumento mo sa pagtatagumpay ng mga medikal na pananaliksik ko, saka gusto ko ding bumawi sa mga nagawa ko sa iyo dati."

"Hindi, wala ka nang utang pa sa akin. Sa hinaharap, kung kailangan mo ng tulong, pakiusap ay sabihin mo sa akin; tutulungan kita kung kaya ko."

"Walang bawian dahil tatanggapin ko ang alok mo na iyan. Pagagawain kita ng maraming disenyo ng maraming bagay para sa akin."

"Walang problema," pangako ni Xinghe. Tuwang-tuwa si Lu Qi, kapag may tulong ni Xinghe, naniniwala siya na marami sa mga medikal na pangarap niya ay magiging katotohanan.

"Sasabihan ko na ang presidente at ang asawa nito. Matapos kong makuha ang kanilang permiso, pupunta ka na sa City A bilang assistant ko," sabi ni Lu Qi sa kanya.

"Okay."

"Iyon lang, hintayin mo mamaya ang tawag ko."

Matapos nilang ibaba ang tawag, nagmamadaling sinabi ni Xinghe ang balita sa Xi family. Kahit na isa itong magandang pagkakataon, marami ding natatagong panganib dito. Mabuti sana kung magagamot nila ang presidente, pero kung hindi ay magiging isa lamang itong malaking pag-aaksaya ng oras at pagpupunyagi. Isa pa, hindi sasayangin ng Lin family ang pagkakataon na ito para puntiryahin siya.

Tumango si Xinghe matapos niyang marinig ang pag-aanalisa ni Lolo Xi.