"Inisip ko na ang tungkol diyan, pero hindi natin maaaring hayaan ang mga responsibilidad natin na si Lu Qi ang aatang. Ang peligro ay, sa kahulugan pa lamang, ay isan pagkakataon na malalantad ka sa panganib. Hindi ko maaaring palampasin ang magandang pagkakataon na ito dahil lamang sa peligro, saka maganda nga ito, magagamit ko ang pagkakataon na ito na mapalapit sa Lin family, at makapa sila."
Totoo nga, na ito ang magandang tsansa na makalapit sa Lin family. Maaaring lumapit si Xinghe sa Lin family ng may balidong dahilan kung hindi ay hihintayin pa nilang umatake ang Lin family, at hindi ito magandang ideya. Kaya naman, kailangang sila ang gumawa ng unang hakbang para maiwasan ang mga aksidente sa hinaharap.
"Okay, mauna ka na pero mag-iingat ka," payo ni Lolo xi sa kanya. Tumango si Xinghe. "Opo, mag-iingat ako."
Tulad na lamang nito, napagdesisyunan na si Xinghe ay pupunta sa City A. Agad na nakuha ni Lu Qi ang mensahe, na pumapayag si Madam Presidente na pumunta si Xinghe at tulungan siya.
Bago umalis si Xinghe, tinupad niya ang pangako kay Lin Lin at dinala ito para makita si Mubai. Nagpapagaling si Mubai, nalampasan na nito ang kritikal na panahon, at hindi magtatagal ay gigising na ito.
"Mommy, kailan ka babalik?" Itinaas ni Lin Lin ang ulo para tanungin siya.
Ginulo ni Xinghe ang buhok nito at sumagot, "Hindi naman matagal; nakabalik na ako bago mo pa malaman."
"Babalik ka ba kapag nagising na si Daddy?"
"Siguro ay nasa ganoong mga panahon, oo."
Lumawak ang ngiti ni Lin Lin. "Kapag bumalik ka, ako at si Daddy ay papakasalan ka ng magkasama, okay?"
"Ano?" Nagulat si Xinghe.
Seryosong sinabi ng bata, "Gusto kitang pakasalan kasama si daddy."
"Magkasama?" Hindi alam ni Xinghe kung tatawa o iiyak, alam ba niya kung ano ang sinasabi niya?
Tumango si Lin Lin. "Opo, ikakasal tayo ng magkakasama. Ang totoo, kapag hindi pa gumising si Daddy ako na mismo ang magpapakasal sa iyo."
"..." Hindi alam ni Xinghe kung ano ang magiging reaksiyon ni Mubai. Gayunpaman, alam niya na dahil ito sa hindi gustong mawalay ni Lin Lin sa kanya. Masyado pa siyang bata para maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng kasal; siguro ay inisip nito na magiging isa silang pamilya, na isang banda ay tama naman.
Inalo siya ni Xinghe, "Huwag kang mag-alala, siguradong gigising na ang daddy mo at si Mommy ay magpapatuloy na manatili sa iyong tabi ng habambuhay."
"Paano naman kay Daddy? Mananatili ka ba sa tabi niya ng habambuhay?"
Tumingin si Xinghe sa walang malay na mukha ni Mubai at sumagot, "Oo."
Hindi niya nakita na, noong sinabi niya ito, ang hinliliit ni Mubai ay bahagyang kumibot.
β¦
Umalis sa City A si Xinghe lulan ng isang pribadong eroplano. Wala siyang isinama dahil ang kanyang patutunguhan ay kakaiba. Hindi ito isang lugar na maaaring puntahan ng kung sinu-sino lamang. Ang eroplano ay lumipad ng isang oras bago lumapag ng ligtas sa airport ng City A.
Nang nakababa na siya, nakita ni Xinghe ang mga bodyguard na naghihintay sa kanya. Ang mga lalaking ito ay naatasan ng Madam Presidente.
"Miss Xia, pakiusap ay sumakay na po kayo." Tinulungan siya ng mga bodyguard na pinagbuksan siya ng pintuan ng kotse. Magagalang ang mga ito sa kanya. Walang sinabi si Xinghe at lumulan na siya ng kotse.
Hindi nagtagal ay dumating na sila sa bahay ng presidente. Bago pumasok, nabigyan si Xinghe ng in-depth na security briefing at pagsusuri. Kinailangan din niyang pumirma ng napakaraming confidentiality agreement bago siya nabigyan ng karapatang pumasok.
Ito ang unang beses na nakapasok si Xinghe sa bahay ng presidente; ang laki ng lugar ang nagpagulat sa kanya. Hindi niya inaasahan na napakalaki nito. Mukhang ang bahay ng presidente ay hindi lamang isang bahay kundi isang napakalaking lugar.