Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 581 - Pinakamalakas na Puso sa Buong Mundo

Chapter 581 - Pinakamalakas na Puso sa Buong Mundo

"Pero kapag hindi ako pumunta, lahat tayo ay manganganib."

"..."

Tama siya; sa sandaling makaupo si Lin Kang, wala ni isa sa kanila ang makakaligtas, kasama na si Xinghe.

"Pero, hindi ka pa din maaaring papuntahin." Hindi pa din pumayag si Lolo Xi sa kanyang pakiusap. "Kahit na kaya mong pangalagaan ang sarili mo, ang bansang iyon ay hindi pa ganoon kaliberal na hayaan ang isang babae na makialam sa eleksiyon, kaya ano naman ang magagawa mo kahit na pumunta ka?"

Tumango si Xinghe. "Alam ko, pero kailangan kong subukan ito kahit na ano ang mangyari. Paano kung nagawa kong makahanap ng butas para makalaban pabalik?"

"Kung ganoon ito kadaling gawin, sana ay matagal na kaming nakahanap ng butas."

"Marahil ay dahil hindi sapat ang paghahanap natin. Ang lIn family ay isang pangunahing kartel ng krimen sa dami ng ilegal na gawaing kinasasangkutan nila; maaaring may ilang clue doon na nakakalat na hindi pa natin nakikita. Lolo Xi, ayoko ng mga tagong panganib; dahil alam na natin ang lahat ng mga pangyayari, hindi maaaring maupo na lamang ako dito ng walang ginagawa at iwanan ang kapalaran natin sa diyos."

Ang malinaw na pares ng mga mata ni Xinghe ay kumikinang ng husto at walang bahid ng takot sa kanyang boses.

Napabuntung-hininga si Lolo Xi. "Ang totoo, ang dahilan na ipinatawag kita dito ay para maihanda ka sa mga posibleng panganib sa hinaharap. Alam kong matalino ka para makapagsagawa ng mga kailangang paghahanda, pero hindi ko inaasahan na gugustuhin mong aktibong harapin ang panganib."

"Dahil ang panganib ay hindi naman maiiwasan, kung gayon ay kailangan itong resolbahin," kalmadong sagot ni Xinghe.

"Alam kong may katapangan ka para suportahan ang mga salita mo, pero ano ang gagawin namin kung may mangyari sa iyo?"

"Tama iyon, Big Sister Xia, kailangan mong iwasan ang isang ito. Kami na ang bahala dito."

Si Munan at ang iba pa ay pinapayuhan siya, pero umiling pa din siya. "Kung mareresolbahan ninyo ang problemang ito, ay hindi na ako makikisali pa dito, pero sa sitwasyong ito, ang lahat ng mga kamay ninyo ay nakatali."

Sumeryoso ang mga mukha ng mga Xi. Totoo nga, sa sensitibong panahon na tulad nito, kailangan nilang mag-ingat na huwag makagawa na maaaring magamit laban sa kanila ng kanilang mga kaaway.

Isa pa, ito ay ang eleksiyon ng bansa, kaya paano maiimpluwensiyahan ni Xinghe ang isang pangyayari na kasing laki tulad nito? Hindi niya magagawa, pero maaari siyang pumunta at subukan ang kanyang swerte dahil sa kanyang katauhan o kakulangan ng katauhan niya.

"Kung gayon, ang desisyon ay nagawa na. Ang pananaliksik sa mekanikal na puso ay patapos na at aalis ako matapos na makumpleto ni Mubai ang kanyang operasyon," pagtatapos ni Xinghe sa isang tinig na hindi tatanggap ng argumento. Tumingin sa kanya ang Xi family ng may kumplikadong emosyon.

Ni minsan ay hindi sumagi sa kanilang isip na ang babaeng ito na dati ay minaliit nila ay ang magiging tanging pag-asa nila. Ang totoo, sinagip sila nito ng paulit-ulit kung ikukumpara ang pagtrato nila dito sa nakaraan…

Namula ang mga mukha nila sa pagkapahiya habang iniisip ang mga dati nilang pagkakasala. Sa parehong panahon na ito, kahit na hindi pa naikakasal muli si Xinghe kay Mubai, ang posisyon niya sa Xi family ay hindi na matitinag. Naging isa siyang miyembro sa pamamagitan ng ekstensiyon.

Agad na tinapos ni Xinghe ang pagbuo ng mekanikal na puso. Ang balitang ito ay tinanggap ng may halu-halong pakiramdam ng Xi family. Sa kabilang banda, gagaling na si Mubai, pero sa kabila naman, ay naghahandang sumuong si Xinghe sa kuta ng tigre sa para sa kanilang kapakanan.

Naghahanda na si Lu Qi sa operasyon.

Marahil ito ay dahil sa palaging pagsama ni Xinghe, ang katawan ni Mubai ay gumaling sa antas kung saan maaari na itong operahan ni Lu Qi.

Ang puso ni Mubai ay malaki ang naging pinsala sa pagsabog, pero hindi magtatagal, ang mekanikal na puso ay tutulong na magampanan ang mga normal na tungkulin ng kanyang puso. Sa sandaling nagsisimula nang gumana muli ang puso niya, ang kanyang katawan ay unti-unti nang makakabawi, dahil ang tanging dahilan kung bakit napakabagal ng kanyang paggaling ay dahil sa humina niyang puso.

Gayunpaman, hindi magtatagal ay malalagyan na siya ng pinakamatibay na puso sa buong mundo.