Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 582 - Si Lu Qi ay isang Mahusay na Doctor

Chapter 582 - Si Lu Qi ay isang Mahusay na Doctor

Sa araw ng operasyon, ay bahagyang umaambon. Maliban na lamang sa tunog ng patak ng ulan, tahimik ang medical lab. Ang mga security ay ginaguwardiyahan ang bawat entrada para mapigilan ang mga taong walang kinalaman na pumasok.

Ang Xi family, kasama si Xinghe, ay nakatayo na nagbabantay sa labas ng silid ng operasyon. Ang operasyon ay tuluy-tuloy sa loob ng sampung oras, pero walang umalis. Walang naaapektuhan ng emosyon; kalmado silang lahat na naghihintay ng resulta ng operasyon.

Kahit na mataas ang panganib, naniniwala sila na magiging matagumpay ang operasyon dahil ang nasa loob ay walang iba kundi si Mubai, na hindi pa sila miminsang binigo. Naniniwala silang hindi nito sisimulang gawin ito sa kanila ngayon.

Salamat na lamang, at hindi nga niya ginawa!

Ang operasyon ay isang tagumpay, naligtasan ito ni Mubai at hindi sila binigo!

"Ang lahat ay tumakbo ng walang problema! Ang operasyon ay perpekto," sabik na pahayag ni Lu Qi. Ang dalawang simpleng pangungusap na ito ay sapat para mapaiyak ang ilan sa kanila. Kahit si Xinghe ay nahihirapang pigilan ang mga luha sa kanyang mga mata.

Ito ang unang beses na nawalan siya ng kontrol sa kanyang mga emosyon. Gayunpaman, ang ngiti sa kanyang mukha ay nanigas nang makita niya si Mubai na inilalabas na sa operasyon. Ang mukha nito ay napakaputla, at ang paghinga ay mahina. Tila ba lalo lamang pinalala ng operasyon ang kondisyon nito. Makikita ang pag-aalala sa mga mukha nila.

Nagpaliwanag si Lu Qi, "Isa itong malaking operasyon, kaya normal na magmukha siyang mahina matapos ang operasyon. Pero huwag kayong mag-alala, bubuti na ang lagay niya magmula ngayon."

"Lu Qi, salamat sa iyo, maraming salamat sa iyo," sabi ni Ginang Xi habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"Lu Qi, ang iyong husay sa panggagamot ay talagang magaling tulad ng sinasabi nila, mahusay ang ginawa mo!" Binigyan siya ni Munan ng dalawang thumbs up. Ang iba ay nagpatuloy na paulanan siya ng papuri.

Mapagkubabang ngumiti si Lu Qi. "Ang pinakamalaki ang kontribusyon ay si Miss Xia. Kung wala siya, ang operasyong ito ay hindi magiging posible."

Bumaling sila para tingnan si Xinghe at napagtanto na sinusuri nito si Mubai ng may pag-uusisang ekspresyon.

"Big Sister Xia, ano ang nasa isip mo?" Direktang tanong ni Munan. May nakita kaya siyang kamalian kay Mubai?

Umiling si Xinghe, itinaas ang kanyang mga mata para salubugin ang mga tingin nila at sinabi, "Ipakalat ninyo ang balita sa publiko bukas na ang operasyon ni Mubai ay naging matagumpay at si Dr. Lu Qi ang sumagip sa kanya mula sa bingit ng kamatayan."

"Bakit?" May kutob na tanong ni Jiangsan. Kahit na ang sitwasyon ni Mubai ay hindi magtatagal na mailalantad sa publiko, halata naman na may ibang plano sa isip si Xinghe.

"Dahil isang mahusay na doktor si Lu Qi," maiksing sagot ni Xinghe pero si Lolo Xi at ang iba pa ay agad na naunawaan ito.

Ang presidente ay halos mamamatay na sa sakit, kaya ang bagay na mas kailangan niya ngayon ay atensiyong medikal. Si Lu Qi ay may maganda nang pangalan sa medikal na komunidad, kasama pa ng balitang ito, ay siguradong maiimbitahan na siya para pagalingin ang presidente.

Kapag nagawa niyang pagalingin ang presidente, hindi na kinakailangan pang mangyari ang eleksiyon!

Sabik na tumango si Lolo Xi. "Tama iyon, ipakalat na ninyo ang balita ngayon, kontakin agad ang media, kailangang ang balita ay nasa harap na pahina bukas. Tandaan ninyo na kailangang bigyan ng diin ang kakayahang medikal ni Lu Qi!"

"Gagawin ko ito agad," masayang sambit ni Jiangsan.

Masaya ang Xi family, pero naguguluhan si Lu Qi. Ano ba ang pinag-uusapan nila?