Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 580 - Hindi Ako Mula sa Xi Family

Chapter 580 - Hindi Ako Mula sa Xi Family

Mawawalan na sila ng reserbasyon sa pagpuntirya sa Xi family. Kahit na hindi nila ito hayagang gawin, maraming pagkakataon na magagawa nila ito sa likod ng mga eksena, tulad ng panggigipit sa Xi Empire, pagwasak ng kinabukasan ni Munan, ang mga ito ay sapat na para sirain ng mabilis ang Xi family tulad ng pagsira ni Xinghe sa Bao Hwa. Kaya naman, kailangan nilang mapigilan ang Lin family sa pagkapanalo sa eleksiyon kung hindi ay katapusan na ito ng Xi family!

"Kaya naman pala napakadali na lamang kay Lin Xuan na patayin si Lin Yun noong pumalpak ito," biglang binuksan ni Xinghe ang bibig para sabihin. Ang lahat ng nasa silid ay nagulat. Tama iyon; marahil ay dahil dito para mapatahimik si Lin Yun. Kung sasali sa eleksiyon si Lin Kang, hindi sila maaaring magkaroon ng kahit anong eskandalo.

Bumulong si Munan, "Kaya naman pala wala silang ginawa na kahit ano kay Big Sister Xia noong pabagsakin niya ang Bao Hwa. Hindi nila maaaring ilagay ito sa alanganin dahil ito ang hinihintay nila."

Tumango si Jiangsan, "Siguro ay naghihintay silang makaganti sa atin."

"Ang punto dito ay matagal na siguro nilang alam ang tungkol sa pisikal na kondisyon ng presidente kung hindi ay hindi iisipin ni Lin Xuan na patayin si Lin Yun," pag-analisa ni Xinghe. Tumango sa kanya si Lolo Xi at nasisiyahang tumango. Tama ang ginawa niya na ipatawag ito at sumali sa kanila; ang kaniyang utak ay kayang tumapat, kung hindi ay higit pa, sa karamihan ng mga lalaki.

"Kung iyon nga ang plano, maaaring matagal na nilang pinaghahandaan ito at mabilis nila itong gagawin," kontribusyon din ni Munan.

"Ang ibig sabihin nito ay buo ang kanilang kumpiyansa," dagdag ni Jiangnan sa mahinang tinig. Mas malalim ang kanilang pag-aanalisa, mas dumidilim ang kanilang mga mukha dahil ang ibig sabihin nito ay nasa mas matinding panganib sila kaysa sa una nilang inaakala.

"Dad, pupunta ako sa City A ngayon; hindi maaaring maupo na lamang tayo dito at walang gawin," determinadong sabi ni Jiangnian.

Umiling si Lolo Xi. "Hindi mo pwedeng gawin iyan. Kung walang permiso, ikaw at si Munan ay hindi maaaring umalis sa militar. Ang mga bagay ay maaaring magkagulo sa panahong ito at sa sandaling isa sa atin ay nadulas, ang Lin Family, na sigurado ay pinanonood tayo ng maigi, ay hindi tayo tatantanan."

Naunawaan na ni Jiangnian. Kapag pumunta siya sa City A, kakailanganin niyang bisitahin ang ilang tao. Ang mga taong iyon ay maaaring nakangiti, pero may mga sarili itong kakampi at kaaway. Sino ang makakapagsabi kung sino ang nasa kapangyarihan matapos ang elesiyon, at kapag nadawit siya sa karagdagang kaguluhan, hindi ito magdadala ng benepisyo sa pamilya. Kailangan nilang tingnan ang kanilang mga yabag at ang pagpunta sa City A ay isang masamang ideya.

Kung wala lamang silang alitan sa Lin Family, ang pagpunta sa City A ay pupwede, pero ngayon ang galaw na ito ay masyadong mapanganib dahil pupunta sila sa teritoryo ng mga Lin family.

"Dad, ako na lamang ang pupunta. Wala akong pinanghahawakang pwesto sa gobyerno, kaya naman magiging ayos lamang kung pupunta ako sa City A," alok ni Jiangsan.

Tumingin si Lolo Xi sa kanya at muling umiling. "Hindi ka nga opisyal sa gobyerno, pero isa kang Xi. Hahabulin ka din ng gulo."

"Hindi ako isang Xi," biglang sabi ni Xinghe. Ang iba pa ay bumaling ang ulo para tumingin sa kanya.

Mabagal na nagpaliwanag si Xinghe, "Diborsyado na ako kay Mubai, kaya hindi na ako isang Xi. Kahit na may mangyari sa akin, hindi ito madaling maibabalik sa Xi family. Isa pa, isa akong babae; madalas ay minamaliit nila ang babae. Ang pinakaiisipin nila ay isa akong mahusay na negosyante, kaya naman hindi sila mag-iingat sa aking presensiya."

"Hindi, Big Sister Xia hindi ka maaaring pumunta; ang City A ay ang kuta ng mga Lin family. Ginalit mo na sila ng maraming beses; ang pagpunta doon ay magdadala sa iyo sa kaguluhan. Masyado itong mapanganib," agad na tinutulan ni Munan ang ideya niya.

Tumango si Lolo Xi. "Tama iyon, hindi namin pwedeng hayaan ka na salubungin ang panganib."