Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 577 - Nakikipagkarera sa Oras

Chapter 577 - Nakikipagkarera sa Oras

Kung ito na, hindi ba't masyado naman ang kanyang pagiging henyo?

Ang artipisyal na disenyo ng braso na nagawa niya noong nakaraan, hindi pa nga nila tapos pag-aralan ito, at ngayon ay dumating siya na may dala na namang bago?

Ang grupo ng mga mananaliksik na ito ay hinihintay ang kanyang sagot na puno ng kasabikan at pagkabalisa…

Umiling si Xinghe. "Hindi ko ito disenyo pero mula ito sa isang medikal na siyentipiko. Isa pa, ang disenyo ay kailangan pang perpektuhin dahil madami pa itong isyu. Kailangan nating magtrabaho ng magkakasama para maresolbahan ang mga ito. Isa pa, mula sa araw na ito, kailangan kong itigil na muna ninyo ang kasalukuyan ninyong sinasaliksik at tulungan ako dito. Ilalahad ko pa ng mas malalim ang mga isyu na kakaharapin natin…"

Nagpatuloy si Xinghe sa paglalahad ng mga hadlang. Ang totoo, alam niya na ang mga mananaliksik ay maaaring walang masyadong gamit, pero ang sama-samang pagtatrabaho ay may magagawa. Ang mas maraming nag-iisip ay mas mainam na kaysa sa nag-iisa. Nakikipagkarera siya sa oras; kailangan niyang matapos ang disenyo sa lalong madaling panahon o baka mahuli na ang lahat.

Kaya naman, matapos niyang ipaliwanag ang lahat, itinalaga niya ang mga mananaliksik ng kanilang mga misyon at pinasimulan sa mga ito ang pananaliksik kaagad-agad, hindi na nag-aaksaya pa ng kahit isang segundo. Matapos noon ay nagpahinga na siya sa sarili niyang lab.

Matapos nito, bago pumunta sa lab, gumugugol si Xinghe ng kalahating oras sa kumpanya ni Mubai. Ang iba pa niyang oras, ay ipipinid niya ang sarili sa kanyang lab. Ang Xi family ay araw-araw na magpapadala ng pagkain sa kanya, at palaging masarap ang mga ito. Madalas ay si Ginang Xi pa ang nagdadala ng pagkain. Wala naman siyang masyadong magagawa dahil nakatuon ang pansin niya sa pag-aalaga kay Xinghe at Mubai.

Minsan ay si Munan naman ang tagadala. Matagal nang natalaga bilang pinuno ng Flying Dragon Unit si Munan kaya naman abala ito na tila isang bubuyog. Gayunpaman, gumagawa ito ng oras na makauwi bawat linggo para bisitahin si Mubai, ang pamilya niya, at pagkatapos ay si Xinghe.

Isang buwan na ang nakalipas mula nang magsimulang magtrabaho muli sa lab si Xinghe. Ang bawat oras ng kanyang paggising ay nagugugol sa pag-iisip tungkol sa mekanikal na puso.

Naiintindihan ng Xi family ito at ibinibigay sa kanya ang oras na kailangan iyang magsarili. May mga maliliit na bagay tulad ng panggigipit sa kanila ng patriarko ng Lin family sa korte at masasamang balita na kumakalat tungkol sa Xi family, mga bagay na kaya nilang hawakan ng sarili nila, kaya sinisiguro nilang ang mga bagay na ito ay hindi na makakarating kay Xinghe at pag-alalahanin ito. Sinisiguro nila na si Xinghe ay mapagtutuunan ang pansin sa pinakaimportanteng bagay.

Kinuha ni Munan ang pagkakataon noong oras ng pananghalian nito para magtanong na, "Big Sister Xia, kumusta na ang takbo ng mga bagay?"

Matapat na sumagot si Xinghe, "Kung pamamaraan ang pag-uusapan, walang masyadong isyu dito at nakaisip na ako ng disenyo ng modelo, ang pinakamalaking balakid ngayon ay ang mahanap ang mga perpektong materyales."

"Ano'ng klase ng materyal ba ito? Ipapahanap ko sa mga tauhan ko."

"Hindi na ito kinakailangan, nasubukan na namin ang halos lahat ng mga kilalang materyales, kahit ang sarili nating materyales na patented ay walang kwenta."

"Hindi ba tayo pwedeng masiyahan sa isang half-finished na produkto?" Nakakunut-noong tanong ni Munan. "Hanggang kaya nitong tulungang mapabuti ang sitwasyon ni kuya, siguro naman ang kahit ano ay mas mainam na kaysa sa wala."

Umiling si Xinghe. "Hindi, kailangan nating gamitin ang pinakamainam dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari kung hindi natin ginawa."

"Tama ka, nagkamali ako." Napayuko sa pagkapahiya si Munan. Napansin niya na nahulog sa malalim na pag-iisip na naman si Xinghe, kaya tahimik siyang lumabas ng silid para hindi na ito maistorbo.