Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 578 - Isang Hawla para Ikulong ang Puso

Chapter 578 - Isang Hawla para Ikulong ang Puso

Hindi man lamang napansin ni Xinghe na umalis na ito. Ang totoo, ang presensiya nito ay matagal nang nawala sa kanyang isip. Matapos ang maikling pananghalian, bumalik na sa kanyang trabaho si Xinghe.

Ginugol ni Xinghe ang halos lahat ng kanyang oras sa paghahanap ng nararapat na materyales, at kahit na pinasadahan na niya ang halos lahat ng impormasyon, wala pa siyang nakikitang materyal na kailangan niya. Ang pinakamalapit na klase ay coal.

Gayunpaman, ang coal ay may mga kahinaan din. Masyado itong marupok kaya kakailanganin nito ng ibang materyales para suportahan ito, pero lalampas na ito sa limitasyon ng bigat. Kailangan ni Xinghe ng isang materyal na maaaring gawing nano size ng hindi na kinakailangan pang gumamit ng ibang materyal at naaayon pa sa kanilang mga pangangailangan.

Ang listahan ng pangangailangan nila ay mahaba pa; kailangang perpekto ito sa bigat, thermal, at elektrikal na conductivity, pagkakatugma nito sa dugo ng tao at marami pang pamantayan…

Kaya naman, mahirap na makita ang kailangang materyal. Ang totoo, isa itong bagay na hindi kilala at agad na nakukuha sa mundo kung hindi ay matagal na niya itong nakita.

Inalis ni Xinghe ang kanyang kamay sa mouse at kinuskos ang pagod niyang mata. Habang naghahanda na siyang kumilos, may biglaang pumasok na ideya sa kanyang isip!

Ang katagang, 'isang bagay na hindi kilala sa mundo' ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon, ang enerhiyang kristal! Hindi ba't isa itong bagay na hindi nakukuha agad na kilala sa mundo?

Isa pa, magaan ito, ang kasing laki ng bloke pero napakalambot nito na parang isang plastik kapag hawak ng isang tao. Isa pa, mayroon itong mataas na densidad, magagawa nitong makagawa ng malaking halaga ng enerhiya ng may isang maliit na tumpok. Maaaring ito ang materyal na kailangan niya!

Itinulak ng kasabikan ng isang tagumpay, tumakbo si Xinghe patungo sa lab. Nang inilabas ni Xinghe ang enerhiyang kristal, ang mga mananaliksik ay hindi makapagsalita.

"Miss Xia, ano ang bagay na ito?"

Wala pa silang nakikitang ganito, mukha itong coal pero hindi ito ganoon ka-metallic.

"Isa itong kakaibang materyal. Hindi na ninyo kailangan pang alamin kung paano ko nakita ito at, para sa sarili ninyong kaligtasan, huwag ninyong ilalabas ang impormasyong ito sa publiko," mahinang sambit ni Xinghe.

Tumango ang mga siyentipiko. "Huwag kang mag-alala, wala ni isang salita mula sa amin."

Ang totoo, kahit na walang utos ni Xinghe, hindi sila magsasabi ng kahit isang salita sa publiko. Ang mga nagtatrabaho sa lab ay pumirma ng isang non-disclosure agreement. Isa itong pangkaraniwang etiko sa mga nagtatrabaho sa agham. Kaya naman, naniniwala si Xinghe sa kanila.

"Miss Xia, plano mo bang gamitin ito para makalikha ng mekanikal na puso?" Ang isa sa kanila ang nagtanong.

Tumango si XInghe. "Oo. Siguro ay magagamit natin ito matapos na magawa itong isang nano material."

"Sige, sumubok na kami ng napakaraming materyal, ayos lang sa amin na subukan din ito."

"Kung ganoon, iiwanan ko na ito sa inyong mga kamay."

"Walang problema."

Matapos na ibigay sa kanila ni Xinghe ang enerhiyang kristal, umalis siya ng may mabigat na nararamdaman, nag-aalala na baka isa na naman itong kabiguran, gayunpaman, ang kutob niya ay nagsasabing ito ang tagumpay na kailangan nila. Kaya naman, nagmamadali siyang tinapos ang disenyo. Nagmamadaling umuwi si Xinghe para magsimulang magtrabaho.

Ang lab ay nakagawa ng mas pinabuti at pinal na disenyo kahit na ang materyal ay wala pa. Inilahad ni Xinghe ang ilang pagbabago dito at, matapos ang ilang araw, ang pinal na disenyo ay nakumpirma na.

May hugis ito ng puso ng tao pero marami itong bakanteng espasyo sa gitna. Ang mga bakanteng espasyo ay para mabawasan ang pinakabigat, nagbibigay sa bagay ng kaanyuan na may pattern na dekorasyon.

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam ni Xinghe ay mukhang hawla ang bagay na ito, isang hawla para ikulong ang puso.

Related Books

Popular novel hashtag