Ibinahagi ni Xinghe ang lahat ng nangyari sa lab sa kanila. Makikita ang pag-aalala sa mukha ng lahat ng kapamilya ng Xi. Nagsimula nang umiyak si Ginang Xi.
Kalmadong nagpatuloy si Xinghe, "Iminungkahi ni Lu Qi na gumamit ng isang mekanikal na puso para tulungan na magampanan ng puso ni Mubai ang tungkulin nito, para itong isang pace-maker pero mas kumplikado. Kasama ako sa magpoproseso ng disenyo, kaya kailangan kong matapos ito bago pa ako makagalaw sa susunod na hakbang ng plano."
"Ang mekanikal na puso na ito ay talaga bang makakatulong?" Nag-aalalang tanong ni Ginang Xi. Ang lahat ay umaasang tumingin kay Xinghe.
"Kapag teorya ang pag-uusapan, dapat ay gumana ito, pero kailangan naming makagawa ng pinakamainam na disenyo at siguraduhing gagana nga ito. Makakatulong ito sa pagpapabilis ng paggaling ni Mubai."
"Kung ganoon… kakailanganin ba niyang umasa sa makinang ito ng habambuhay?" Dumerekta na sa punto si Jiangsan.
Umiling si Xinghe. "Kung teknikal ang pag-uusapan, hindi na kakailanganin, pero nakadepende pa din ito sa antas ng paggaling ni Mubai. Gayunpaman, naniniwala ako na siya mismo ay hindi makakapayag na umaasa sa isang makina sa buong buhay niya."
"Tama iyon, si Mubai ay isang malusog na bata mula pa noon; magkakaroon siya ng mabilis na paggaling. Isa pa, sa tulong ng makabagong medikal na siyensya, ang katawan niya ay magiging maganda ang paggaling," masayang pagtatapos ni Ginang Xi. "Ang pagtutuunan na lamang ng pansin ay tulungang magkamalay siya, pagkatapos lamang noon ay mapagtutuunan na natin ang paggaling."
"Gaano katagal sa tingin mo ay matatapos mo ang disenyo?" Sabik na tanong ni Lolo Xi.
Sumagot si Xinghe, "HIndi ko alam pero tatapusin ko ito sa lalong madaling panahon."
"Xinghe," bigla ay ginagap ni Ginang Xi ang mga kamay ni Xinghe at sinabi matapos ang serye ng pagsigok, "Ang lahat ay nakadepende na sa iyo ngayon. Ang totoo, kung wala ka, ano na ang gagawin namin? Ano ang mangyayari kay Mubai?"
"Tama iyon, ang mga ito ay nakadepende na sa iyo ngayon." Seryosong tumingin sa kanya si Jiangsan na tila ba siya lamang ang kanilang pag-asa.
Habang hinaharap ang nagpapasalamat nilang mga tingin, iniiwas ni Xinghe ang kanyang mga mata at nangako, "Huwag kayong mag-alala, magiging matagumpay ito!"
Hindi nagmamalabis si Xinghe, kaya naman ito ang unang beses na nangako siya ng isang bagay na hindi buo ang kanyang tiwala, pero hindi niya hahayaang mabigo ang kanyang sarili. Gayunpaman, bago iyon, kailangan niyang harapin muna ang Bao Hwa.
…
Kinabukasan, dumating sa City T ang mga shareholder ng Bao Hwa, ang tanging wala ay si Lin JIng. Kahit na ayaw nila, pero para mailigtas ang Bao Ha, kailangan nilang pumunta. Nang ibinabagsak nila ang Xi Empire, inakala nila na ang pinakamalaking pangarap nila ay magkakatotoo na, pero sa katotohanan, ang lahat sila ay nasa palad ng Xi Empire, mali, nasa palad ng babaeng iyon.
Nang masalubong nila ang malalamig na tingin ni Xinghe, ang mga shareholder na ito ay alam na mas nakakatakot siya kaysa kay Lin Jing. Ang kanilang unang intensiyon. na magrebelde ay agad na nawala sa kanilang isipan.
Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Xinghe at dumerekta na sa punto. "Dahil nandito na ang lahat, hindi ko na sasayangin pa ang oras ninyo sa mga walang kawawaang pagbati. Binibigyan ko kayo ng dalawang pagpipilian, una, ang makaisip ng paraan na mapaalis si Lin Jing sa loob ng isang linggo at ang Bao Hwa ay sasailalim sa pangalan ng Xi Empire, o ikalawa, mapipili ninyong lumaban, pero sinisigurado ko sa inyo na wala kayong makukuha at ang Bao Hwa ay maglalaho sa mundong ito sa loob ng isang buwan. Iniiwan ko na ang pagpipilian sa inyong mga kamay. Ibigay ninyo sa sekretarya ko ang sagot ninyo sa loob ng isang oras."
Matapos nito, hindi na sila binigyan pa ni Xinghe ng pagkakataon na magsalita at umalis sa silid.
BInibigyan sila ni Xinghe ng huling pagkakataon na magkaroon ng matalinong pagpili; wala nang lugar pa para sa negosasyon!