Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 574 - Piliting Mapalayas si Lin Jing

Chapter 574 - Piliting Mapalayas si Lin Jing

Ang totoo, wala naman talagang mapagpipilian. Ang Xi Empire at Bao Hwa ay hindi na magkakasundo pa; ang isa ay kailangang mamatay para mabuhay ang isa. Walang pakialam ang Xi Empire sa mga asset ng Bao Hwa, malaki na silang kumpanya, at ngayon ay nasa kanila na ang sulat ng komisyon mula sa Country Y, at malaki na din ang kinikita nila sa kumpanya nila ng artificial limb. Sa maiksing salita, hindi naman talaga nila kailangan ang pera.

Ang lahat ay nagpapakahirap pa para sa mas maraming kayamanan pero ito ang tanging bagay na hindi kulang sa Xi Empire. Kaya naman, wala silang alinlangan na wasakin ang Bao Hwa. Ang totoo, nagpapakita na ng kabutihan si Xinghe para mabigyan ng ibang daan palabas para sa mga manggagawa ng Bao Hwa.

Ang manlaban? Isa itong paghiling sa kamatayan!

Ang mga shareholder na ito ay napataba sa ilalim ni Lin Jing, kaya naman alam nilang hindi sila mabubuhay na mag-isa. Kumikita sila ng pera sa pagsunod kay Lin Jing, kikita din sila sa pagsunod sa Xi Empire. Siyempre, mas pipiliin nila ang mas magaling kumita at iyon ay ang Xi Empire.

Kaya naman, literal na walang pag-aalinlangan dito. Mas pinili nila ang una na piliting mapalayas si Lin Jing at pumayag na kumampi sa Xi Empire!

Ikinagulat ito ng lahat ng nasa Xi Empire, hindi nila inisip na madaling mapapapayag ang mga shareholder. Ang nag-iisang hindi na nagulat ay si Xinghe, dahil para sa kanya, ay inaasahan na ito. Ang isang hindi inaasahan mangyari ito ay si Lin Jing!

Ibinuhos niya ang kanyang puso at kaluluwa sa Bao Hwa at tinulungan ang grupo ng mga taong ito na tumaba sa mga panahong iyon, pero sa sandaling nagkaroon ng krisis, tinalikuran siya ng mga ito. Kaya naman paanong hindi siya magugulat, malulungkot, at magagalit? Gayunpaman, kahit na anong mangyari, hindi natinag ang mga shareholder; iniuutos nila na isuko niya ang kanyang pwesto ng pagiging CEO.

"CEO Lin, ang mawawala sa iyo ay ang pagiging CEO mo lamang. Mayroon ka pa ding 30 porsiyento ng stock ng Bao Hwa, kaya naman kung iisipin mo ito, walang mawawala sa iyo."

"Tama iyon, kapag hindi tayo sumuko, walang matitira sa atin. Kapag sumuko tayo, kahit paano ay maaari mo pa ding mapanatili ang mga stock sa iyong pag-aari."

"CEO Lin, desisyon mo na puntiryahin ang Xi Empire, kaya naman dapat mong akuin ang mga konsikuwensiya. Huwag ka nang manlaban at sumuko ka na."

"Sumuko?" Halos masuka si Lin Jing kaharap ang mga walang utang na loob na ito. Galit siyang sumigaw, "Ang Bao Hwa ay pag-aari ko, ni Lin Jing! Ako ang gumagawa ng lahat ng desisyon, wala ni isa sa inyo ang may karapatan na gumawa nito! Huwag ninyong kalimutan na kung wala ako, paano makukuha ng kahit isa sa inyo ang mga posisyon ninyo ngayon?! Kung wala ako, si Lin Jing, kayong grupo ng mga walang utang na loob ay wala, kaya paano ninyo nagawang mangahas na pasukuin ako?!"

Noong una, ang mga shareholder ay payag na ipakita sa kanya ang mga ngiti nila, pero dahil sa handa na itong insultuhin sila, dumilim ang kanilang mga mukha. Hindi na nila gusto pang bigyan ito ng kahihiyan pa.

"CEO Lin, inaamin namin na ikaw ang may pinakamalaking kontribusyon sa kung ano ang Bao Hwa sa ngayon, pero paano mo hindi inisip ang mga kontribusyon din namin? Kahit ano pa ang isipin mo, lahat kami ay nagdesisyon na palayasin ka na sa posisyon ng pagiging CEO. Ayon sa patakaran ng kumpanya, mula ngayon, hindi na ikaw ang pinaka-top operator ng Bao Hwa!"

"Miss Lin, ang negosyo ay parang digmaan, sana ay matanggap mo ang pagkatalo na ito ng matiwasay at bumalik ka ng mas malakas," isa sa mga shareholder ay mabait na inalo siya.

Gayunpaman, nawala na sa katinuan si Lin Jing. Ang tanging layunin niya ngayon ay ang paghigantihan ang mga walang utang na loob na ito.

Mga pangaha na tratuhin ako ng ganito?! Pagbabayarin ko silang lahat!

"Sige, magaling, mahusay!" Angil ni Lin Jing mula sa nagtatangis niyang mga ngipin, "Kung ang lahat kayo ay hindi na makahintay na halikan ang puwitan ng Xi Empire ay sumige na kayo, tingnan natin kung sino ang mananalo sa bandang huli!"

Tumalikod na ito at umalis, ang mga mata ay kumikislap sa kasamaan.