Hindi nagtagal ay sumuko ang Bao Hwa tulad ng inaasahan!
Ikinagulat ito ng lahat ng nasa mundo ng negosyo. Isang buwan pa lamang ang nakakaraan, noong may paligsahan pa sa pagbili ng mga stock, aakalain mong ang Bao Hwa ang nanalo. Inakala ng lahat na ang Xi Empire ay naghihingalo na. Sino ang mag-aakala na, sa loob lamang ng isang buwan, ay nagbago ang lahat at nagawang lamunin ng Xi Empire ang Bao Hwa sa loob lamang ng isng gabi!
Bao Hwa iyon; paano na ba nagawa ng Xi Empire ang mahimalang gawain na ito? Ang isang malaking kumpanya ay nakain ng walang babala. Ito ay isang dog eat world, at ang Xi Empire ay halatang ang pinakamalaking aso. Nakain ang Bao Hwa nang walang pagkakataon na makalaban lamang.
Sa bandang wakas, ang Xi Empire ay masyadong nakakatakot…
Ang labanang ito ng mga higante sa negosyo ay naging isang alamat at naging maladiyos ang posisyon ni Xinghe sa mundo ng pakikipagkalakalan. Si Lin Jing, na nagsimula ng digmaang ito at natalo, ay naging simula ng katatawanan ng lahat.
Gayunpaman, hindi sumuko si Lin Jing. Sinubukan pa nga nitong gamitin ang mga stocks sa kamay nito para ibagsak ang Bao Hwa kasama niya at magawang mawalan ang lahat!
Alas, masyado nang huli, ang Bao Hwa ay sumuko na sa Xi Empire at wala sa mga shareholders ay madali niyang maimpluwensiyahan, kaya naman wala siyang magagawang seryosong pananabotahe. Ang pinakamagagawa niya ay ang mapinsala ng kaunti ang Bao Hwa, pero ano ba ang pakialam ng Xi Empire tungkol doon?
Handa silang isuko ang Bao Hwa kung kinakailangan, kaya wala silang pakialam sa mangyayari dito.
Matapos na lumaban ni Lin Jing ng kaunti pa, bigla itong nawala na tila nabura ito sa mundo. Wala nang nakarinig mula dito ng kahit ano.
Ang Xi Empire ay agad na sinanay ang sarili sa bagong industriya at ang lahat ay bumalik na sa normal, ang totoo nga, ay mas lumakas pa sila kaysa dati. Ang mga taong dumadaan sa pintuan ng Xi Empire ay hindi maiwasan na itaas ang kanilang mga mata para hangaan ng gusali. Maliwanag ang pagkinang nito sa ilalim ng sinag ng araw, nananatiling nakatayo ng matatag at mapagmalaki na tila isang kahariang hindi magagapi.
Kapag pinag-uusapan ng mga tao ang Xi Empire, natural ay pag-uusapan din nila ang malaalamat na babaeng iyon. Totoo ito lalo na sa mga manggagawa ng Xi Empire. Lahat sila ay lubusang sumuko sa kapangyarihan ni Xinghe ngayon, at siya na ang naging isa sa kanilang dalawang pinakahahangaang mga tao, ang isa pang tinutukoy ay si Xi Mubai.
Kung tutukuyin ang kapalaran, ang dalawa ay isang pares. Ang mga oras ng pahinga ng mga manggagawa ay nagugugol sa pagtsitsismisan sa kakaibang pares na ito, ang lahat ay masayang pinagpapares ang dalawa. Hindi alam ni Xinghe ang tungkol dito at wala nang pakialam pa na malaman. Ang iba ay nakikipagtsismisan tungkol sa kanyang ginagawa, pero siya ay nabubuhos ang lahat ng atensiyon sa kanyang pananaliksik tungkol sa mekanikal na puso.
…
Sa medical lab, ginugol ni Lu Qi ang buong araw na pinag-uusapan nila ni Xinghe ang tungkol sa kumplikadong teorya.
"Ito ang pangkalahatang teorya ng pagakayari. Kahit na ang teoryang ito ay napatunayan na ng maraming beses, nananatili pa din ito sa antas ng teorya. Tulad ng nakikita mo, ang mekanikal na puso ay kinakailangang ilagay sa paligid ng puso ng tao, pero masyado naman itong mabigat. At sa katawan ng isang tao, ang pinakamarupok na bahagi ay ang puso, kaya naman hindi nito masusuportahan ang bigat. Isa pa, kahit na matapos natin ang disenyo, ang panibagong isyu ay kung magkakaroon ba ng aplikasyon nito sa tunay na buhay."
Tinitigan ni Xinghe ang disenyo at sinabi, "Sa madaling salita, kailangan natin ng disenyo na magaan, o kaya ay may bigat na tama lamang ang bigat para hindi nito bigyan ng hirap ang puso ng isang tao."
Tumango si Lu Qi. "Tama iyon, gayunpaman ang panloob na istruktura ay masyadong kumplikado para mapayagan ang isang magaang mekanismo."