Napakahina nito na halos hindi na ito marinig. Gayunpaman, mabuti na lamang at tumitibok pa din ito. Ang kanyang puso ay patuloy na kumakapit kahit na sa realidad ay hindi na. Nagpapasalamat si Xinghe dahil dito.
Yumuko si Xinghe para tumingin ng mas malapitan kay Mubai. Binuksan niya ang kanyang labi para sabihin na, "Xi Mubai, kung naririnig mo, pakiusap ay mangako ka sa akin na lalaban ka at hindi susuko. Ito ang tanging hiling ko sa iyo, hinihingi ko na lumaban ka. Kahit na gaano kahirap pa ito, pakiusap ay huwag kang bibitiw. Hindi kita bibitawan kaya hinihiling ko na ganoon din ang gawin mo sa akin. Pareho nating lagpasan ito, okay?"
Ang tanging sumagot kay Xinghe ay ang mga beep na nagmumula sa electrocardiogram. Maganda ito na tila pangako para kay Xinghe. Ang puso nito ay patuloy pa ding tumitibok kaya alam niyang lalaban ito. Alam din niya na ito ang pinakadeterminadong tao sa buong mundo kaya naman ang isang tulad nito ay hindi agad mamamatay ng ganoon kadali.
Hinawakan ni Xinghe ang kamay ni Mubai sa kanyang palad at umasa siya na sana ay maisalin niya ang ilang enerhiya dito. Nanatili sa ganoong paraan si Xinghe ng kalahating oras bago umalis.
Nang pinakawalan niya ang mga kamay nito, ang palad ni Mubai ay nainitan na at nawala ang naunang kalamigan nito. Ang totoo, nang tumalikod na si Xinghe para umalis, sa tingin niya ay nakarinig siya ng mas mabilis na prikwensiya sa pagbeep ng electrocardiograph. Agad na ibinaling ni Xinghe ang kanyang ulo para titigan ang lifeline na ito, gayunpaman ay walang makikitang pagbabago dito.
Pero kahit na, sigurado si Xinghe na may nagbago.
"Lu Qi—" sumigaw si Xinghe para pumunta si Lu Qi na bigyan ng isang pagsusuri sa katawan si Mubai. Nagbigay ng masusing pagsusuri si Lu Qi pero wala siyang nakita.
"Maaaring ang prikwensiya ay masyadong maliit para makita ko. Gayunpaman, isa itong magandang pagbabago." Dahil sa paggalang at marahil ay sa kabutihan, pinasiyahan na lamang siya ni Lu Qi.
Tinitigan ni Xinghe si Mubai at sinabi, "Pupunta ako at bibisitahin siya araw-araw."
"Maaaring hindi ito masamang ideya."
"Ipadala mo sa akin ang mga impormasyon ng iyong pananaliksik mamaya, magsisimula na akong magtrabaho sa mekanikal na puso sa lalong madaling panahon."
Nag-alinlangan si Lu QI. "Pero hindi ba't masyado ka nang maraming hinaharap? Kaya mo pa bang gawin ito?"
"Magiging ayos lang ako, wala ito," sagot ni Xinghe ng may kumpiyansa. Nagsasabi siya ng totoo, ang kanyang utak ay palaging nasa magandang kondisyon, marahil ay dahil sa ang utak niya ay iba kumpara sa utak ng lahat. Ang function ng kanyang utak ay talaga namang buhay na buhay. Marahil ang iba ay mapapagod sa kakaisip ng utak, pero hindi siya. Hanggang hindi ito pisikal na paggawa, hindi siya makakaramdam ng pagod.
Matapos na umalis ni Xinghe sa gusali ni Lu Qi, bumalik siya sa lumang mansiyon ng Xi family. Ang Xi family ay nakatanggap ng balita tungkol sa mga bagay na nangyari sa jewelry showcase.
"Ano ang plano mong gawin sa susunod?" Tanong ni Lolo Xi kay Xinghe. Ang lahat ay tumingin sa kanya, hinihintay ang kanyang sagot.
Mahinang sumagot si Xinghe, "Ang orihinal na plano ay ituon ang pagsalakay sa Lin Family matapos na makain ang Bao Hwa, pero kailangang maghintay nito sa ngayon."
"Bakit?" Tanong ni Ginang Xi.
Tumingin si Xinghe sa kanila at kalmadong nagpaliwanag, "Dahil ang kalusugan ni Mubai ay mas importante."
Ang Xi family ay nasindak.
"Xinghe, ano ang ibig mong sabihin diyan?" Nagsimula nang mataranta si Ginang Xi.