Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 570 - Bisitahin si Xi Mubai

Chapter 570 - Bisitahin si Xi Mubai

Ang pinakaimportante, hindi na mapapayagan pa ng Ou Yang Family na lumago pa ang Bao Hwa. Kung talagang nakain na ng Bao Hwa ang Xi Empire, ang Ou Yang Family na ang kanilang susunod na pupuntiryahin. Ang babaeng iyon, si Lin Jing, ay masyadong ambisyosa at hindi titigil para mapalaki ang kanyang imperyo; hindi nito matatanggap ang normal na buhay. Kaya naman, matapos niyang mapabagsak ang Xi Empire, ay hahabulin naman nito ang Ou Yang family. Kaya naman, ang pakikipagtulungan sa Xi Empire ay isang paraan ni Ou Yang Qin para sagipin din ang kanyang sarili.

Ipinakita ng resulta na tama ang naging pagpili niya. Salamat na lamang at napagdesisyunan niya na personal na dumalo sa showcase dahil nakita niya ang tunay na ugali ni Lin Jing. Ang Lin Jing na ito ay siguradong hindi hahayaan ang Ou Yang family kung magkakaroon ito ng pagkakataon na pabagsakin sila.

Ang Ou Yang family ay palaging pinananatili ang walang kinikilingan na panig sa mundo ng negosyo at pakikipagkalakalan, pero hindi inisip ni Ou Yang Qin na mapipigil nito si Lin Jing sa pagpuntirya sa kanila. Kaya naman, nagpapasalamat siya na nagawa silang tulungan ni Xinghe na matanggal ang panganib na ito.

Muling nagpasalamat si Ou Yang Qin kay Xinghe, "Miss Xia, kung kailangan mo ng tulong sa hinaharap, huwag kang mag-atubiling lumapit. Masaya akong ibibigay ang aking tulong sa aking makakaya."

"Salamat, Mr. Ou Yang. Umaasa ako na magkakaroon tayo ng masayang pagtutulungan," sabi ni Xinghe habang inilalahad ang kanyang kamay.

Kinuha ni Ou Yang Qin ang kanyang kamay at ngumiti. "Sigurado, ito ay magiging kapwa kapaki-pakinabang na pakikipagkalakan na relasyon natin."

…

Pagkatapos ng showcase, ang mga alahas ay kailangan ng ipadala pauwi. Umalis si Ou Yang Qin dala ang mga sarili niyang koleksiyon at para sa iba pa, iniwanan na ito ni Xinghe sa mga mahusay na kamay nina Sam at Wol. Sasamahan nila ang mga ito pabalik sa Country Y na may tulong ng Interpol.

May tiwala si Xinghe sa kanila kaya naman pinagtuunan niya ng pansin ang susunod na hakbang ng kanyang plano. Gayunpaman, bago iyon, bumisita muna si Xinghe kay Lu Qi.

Hindi pa niya nabibisita si Mubai dahil masyado siyang abala sa pagharap kay Lin Jing, pero sa araw na iyon ay sasabihin niya dito, ang plano niyang maghiganti ay masigasig na nagsisimula na. Hindi magtatagal, magagawa na niyang mapagbayad ang buong Lin family sa ginawa ng mga ito sa kanya.

Sa pagkagulat ni Xinghe, nang dumating siya sa medikal na gusali ni Lu Qi, ay napasok siya sa magulong sitwasyon kung saan ay sinusubukang iligtas ni Lu Qi si Mubai mula sa kritikal na kondisyon. Higit pa sa sampung doktor at nars ang labas-masok sa basement lab; ang eksenang ito ang pumunit sa puso ni Xinghe.

Si Xia Zhi, na kasunod nito, ay natatakot na baka himatayin siya mula sa trauma, kaya naman agad siyang inalalayan nito sa gilid at inalo sya, "Sis, huwag kang mag-alala, magiging ayos lang si Brother Xi!"

Hindi na sumagot si Xinghe at tahimik na tumayo doon. Tanging ang mukha niya ay namumutla. Nakatayo sila doon ng hindi malamang tagal, hanggang ang kanilang mga hita ay namanhid. Kalaunan ay nakita nilang lumabas ng lab si Lu Qi.

Napaatras si Lu Qi nang makita sila. Nagtanong ito sa pagod na tinig, "Kailan pa kayo dumating?"

Nagtanong din si Xinghe, "Kumusta na siya?"

Siya rin ay nasorpresa sa pagkagaralgal ng kanyang sariling tinig.

Kumulimlim ang mga mata ni Lu Qi. "Sa ibang kadahilanan, kanina lamang, ang puso niya ay tumigil sa pagtibok. Salamat na lamang, naligtas na siya at balik na sa normal ang puso niya."

Nanginig ang mga mata ni Xinghe at nakakita siya ng itim sa kanyang mga mata. Nang sinabi ni Lu Qi na tumigil ang puso nito, halos mawalan ng malay si Xinghe.

Kahit na nailigtas na ito, natatakot pa din siya.

Gayunpaman, ang kanyang boses ay nakakatakot ang pagiging kalmado. "Hindi ba't sinabi mo na mapapanatili mo ang kanyang kondisyon? Ano ang nangyari?"