Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 571 - Mekanikal na Puso

Chapter 571 - Mekanikal na Puso

Nagpaumanhin si Lu Qi, "Inakala ko na ang mga makina ay mapipirmi ang kanyang mga kondisyon, pero hindi ko inaasahan na babagsak ang kanyang kondisyon, naiintindihan mo naman na hindi maayos ang lagay niya. Salamat na lamang at may mga tao dito nang mangyari iyon…"

"Maaaring ligtas siya sa oras na ito, pero paano naman sa susunod?" Kalmadong tanong ni Xinghe. Maaaring normal siyang titingnan sa labas, pero ang mga mata niya ay nawala ang kanilang karaniwang kislap.

Inisip ito ni Lu Qi at sumagot, "Matagal ko nang ikinunsidera ang problemang ito; gusto kong sumubok ng bago."

"Ano ba iyon?" Isang maliit na alon ang nakita sa mga mata ni Xinghe.

"Mag-transplant ng isang mekanikal na puso. Sa madaling salita, gagamit tayo ng artipisyal na puso para panandaliang palitan ang tungkulin ng kanyang tunay na puso."

Nanlaki ang mga mata nina Xinghe at Xia Zhi. Alam ni Lu Qi kung gaano tunog kahangalan ang sinasabi niya, pero ito lamang ang kanyang nag-iisang ideya.

"Inisip ko na ito ng maraming taon, at ipinagpatuloy ko ang pananaliksik. Gayunpaman, kailangan ko pa na magtagumpay dito. Kahit na biglang maging matagumpay ang aparato, duda akong magagamit natin ito sa kanya."

"Bakit hindi?" Tanong ni Xinghe kung saan sumagot si Lu Qi ng may buntung-hininga, "Ang katawan niya ay masyadong mahina, hindi ako mangangahas na operahan siya."

Tama nga, ang vitals ni Mubai ay masyadong mababa. Sino ang mangangahas na magsagawa ng malakihang operasyon dito? Ang panganib ay masyadong malaki.

"Lu Qi, kahit na gumana ito o hindi, kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo," nakapagdesisyon na si Xinghe. "Ang ilang tsansa ay mas maigi na kaysa sa wala."

Nagulat si Lu Qi sa kanyang paniniwala at naapektuhan din siya nito "Tama ka, tatapusin ko na ang pananaliksik hanggang sa makakaya ko, pero sa tingin ko ay kakailanganin ko ang tulong mo."

"Sabihin mo sa akin." Wala nang agam-agam pa si Xinghe. Napagtanto ni Lu Qi ang kanyang paghanga kay Xinghe ay lalong tumataas. Sa ilalim ng mga ganitong sirkumstansiya, hindi lamang napanatili nito ang kanyang pagiging kalma pero may natitira pa itong enerhiya para tulungan siya. Ang ibang babae siguro ay nalugmok na.

Direktang sinabi ni Lu Qi, "Ikaw ay nabiyayaan ng husto sa larangan ng disenyo; nakagawa ako ng disenyo para sa mekanikal na puso at kailangan ko ang tulong mo para makagawa ng aktuwal na produkto. Ikaw lamang ang nag-iisang may kakayahan para gawin ito tulad ng ipinakita ng kakayahan mo sa paggawa ng artipisyal na braso."

"Walang problema!" Mabilis na pangako ni Xinghe. "Ibigay mo sa akin ang disenyo sa pinakamadaling panahong kaya mo. Kahit na wala akong isang daang porsiyentong kumpiyansa, gagawa ako ng paraan para mapagana ito."

Nagsimulang kumulo ang dugo ni Lu Qi, ang deteminadong pananalig ni Xinghe ay nagbigay sa kanya ng maliit na halaga ng pag-asa.

Madamdaming sinabi niya, "Miss Xia, kapag isa na naman itong tagumpay, mabibigyan mo na naman ng panibago at kahanga-hangang regalo ang sangkatauhan!"

Umiling si Xinghe at magaang na sinabi, "Wala akong pakialam sa mga iyon; gusto ko lamang sagipin siya."

Ang gusto lamang niya ay maging ligtas ito; ang katanyagan at pera ay wala naman talaga siyang pakialam masyado.

"Alam ko, pero gusto pa din kitang pasalamatan!" Seryosong sabi ni Lu Qi.

Binago ni Xinghe ang paksa bago sila mauwi sa mga walang katuturan. "Gusto kong makita si Mubai ng sandali."

"Sige at subukan mong kausapin siya; baka sakaling ang boses mo ang magpursige sa kanya na lumaban pa. Makakatulong ito."

"Okay."

Mag-isang pumasok sa lab si Xinghe. Ganoon pa din si Mubai, nakakonekta sa mga serye ng tubo at mga aparato.

Mas lalong pumutla ang mukha nito at ang hitsura nito ay mas kita dahil sa nawalang timbang nito.

May mga hindi maikakailang pagbabago sa katawan nito at ang tanging bagay na hindi nagbago ay ang mahinang tibok ng puso nito.

Related Books

Popular novel hashtag