Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 567 - Pabagsak na ang Bao Hwa!

Chapter 567 - Pabagsak na ang Bao Hwa!

Ang Bao Hwa, sa kanilang kaignorantehan, ay inisip na nagtatagumpay na sila. Nagpunta pa sila dito sa showcase para magyabang, para ipakita ang kanilang panlalait sa Xi Empire. Gumawa pa ng paraan si Lin Jing para sirain ang tagumpay ng showcase.

Ngayon ay ito na ang perpektong katapusan, isang sampal sa mukha na napakalakas na tatagal ito sa buong buhay niya!

Ngayong nabunyag na ang alas ng Xi Empire, ang mga bagay na ginawa dati ng Bao Hwa ay makikitang walang saysay at nakakatawa. Ang kabalintunaan pa nito ay si Lin Jing na humihiling ng malaking ikagugulat niya. Ngayong ang buhay ng Bao Hwa ay nasa kamay na ng Xi Empire, at siguradong mabibilang ito na shock. Siguro ay sinisipa na ni Lin Jing ang sarili niya sa pagsisisi.

Sa ibang kadahilanan, gustong ngumiti ng mga tao na makita ang Bao Hwa na makuha ang nararapat nitong katapusan. Siyempre, hindi sila magdidiwang sa kalungkutan ng iba… o magdagdag ng asin sa sugat.

"CEO Lin, ang pagiging ahente ng Xi Empire ay kagulat-gulat, hindi ba? Sa hinaharap, ang bawat isa sa atin, kasama na ang Bao Hwa, ay magkakaroon ng pagkakataon na makipagtulungan sa kanila."

"Naaalala ko na ang pangunahing suplay ng diamante ng Bao Hwa ay nagmumula sa Country Y, tama?"

"Ang pangunahing produkto ng Bao Hwa ay diyamanteng alahas. Ang totoo nga niyan, alam ko na ang diyamanteng alahas ng Bao Hwa ay mabilis na nabebenta na tila maiinit na tinapay sa palengke."

"Gayunpaman, kapag walang diyamante, hindi kaya ay malulugi ang kanilang negosyo ng nasa 60 hanggang 70 porsiyento?"

Sa katotohanan ay mas malaki pa doon, sa sandaling mawala sa Bao Hwa ang pangunahin nilang produkto, ang diyamanteng alahas, ay maitutulad ito sa koronang walang bato, isa lamang walang lamang katawan. Sa panahon ngayon na ang lipunan ay mahilig makipagpaligsahan, ang susunod na mangyayari ay madali nang mahuhulaan. Sa madaling salita, ang Bao Hwa na kinalaban ang Xi Empire, ay malapit nang makita ang katapusan!

Ang mga mag-aalahas na ito na sumisipsip kay Lin Jing pero hindi maiiwasan dahil si Lin Jing ang pinuno ng industriya. Tanging sa pagsipsip sa kanya ay saka sila makakakuha ng mga benepisyo.

Gayunpaman, kapag ang oportunidad ay dumating na, ang mga taong ito ay hindi na nag-alinlangan pang sipain ang Bao Hwa nang lugmok na ito! Gagawin ila ang lahat para mapatay ang Bao Hwa, kundi ay paano nila makukuha ang malaking bahagi ng bangkay ng Bao Hwa?

Habang naririnig ang nangungutyang mga komento ng mga ito, ang mukha ni Lin Jing ay lukut na lukot na. Handa na siyang pumatay. Ang grupo na dinala niya ay galit na galit na din, pero wala silang magawa. Nakikitang nanginginig na si Lin Jing. Kahit pa subukan niya, hindi niya mapigilan ang galit at pagkabalisa sa kanyang kalooban. Alam niya na pupuntiryahin ng Xi Empire ng husto ang Bao Hwa.

Tulad ng inaasahan, tumingin sa kanya si Xinghe at nagtanong, "Well, Miss Lin, sapat na ba ang panggugulat na iyon para sa iyo?"

Handa nang sumuka ng dugo sa sobrang galit si Lin Jing. Ang kanyang mukha ay magang-maga na din sa malakas na sampal sa mukha at wala na siyang gustong gawin kundi ang umatras ng may kayumian na magagawa pa niyang gawin. Gayunpaman, hindi pa pala tapos si Xinghe; ang antas ng pananampal sa mukha na ito ay hindi pa sapat.

Malamig niyang tiningnan si Lin Jing at mabagal na nilapitan ito. "Kung sa tingin mo ang shock value ay hindi pa sapat, may iba pa akong inihanda; sinisigurado ko na ang gabing ito ang gabi na hindi mo malilimutan."

"Xia Xinghe, ikaw… huwag mong isipin na takot ako sa iyo. Hindi ako naniniwala na mangangahas kang may gawin sa akin. Kami, ng Bao Hwa, ay ang pinakamaraming bumili ng diyamante sa Hwa Xia; hindi papayag ang Country Y na gawin ng Xi Empire ang anumang gustuhin nilang gawin!" Sabi ni Lin Jing sa nanginginig na boses, sinusubukan ang lahat para mapanatili ang kanyang kakalmahan. Matapos niyang sabihin ito, nakakuha siya ng kaunting kumpiyansa. "Tama iyon, hindi sila papayag na ikaw ang magpasya ng mga alokasyon sa merkado ng ganoon kalupit!"

Biglang tumawa si Xinghe. Matatalim na titig ang ipinukol niya kay Lin Jing.

"Lin Jing, pinapayuhan kitang basahin ang dokumento ng partihan ng maigi, lalo na ang ikatlong takda, pagkatapos ay tingnan natin kung ganoon pa din ang sasabihin mo!"

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ni Lin Jing at kinuha niya pataas ang dokumento gamit ang mga nanginginig na kamay. Biglang pumutla ang kanyang mukha.

Related Books

Popular novel hashtag